TREKKING

117 1 0
                                        

TREKKING

Hello! It's me again. Si AIR BNB na di makatulog.

Kaya pala di ako matulog last time kasi GY nga pala ako. Sibak ako pag naka orlog! Hahahaha anyways, di nanaman ako maka sleep kaya another story nanaman. Btw, thank admins for accepting my entry!

12 years old ako nung nangyari ito. Matagal tagal na rin pero fresh  na fresh sa memory ko ang lahat.

Umuwi kami ng Bicol summer of 2012. Syempre si accling gustong gusto ang adventure g na g sa lahat, forda sama kung saan ayain kahit di alam kung anong naghihintay. Hahaha

Nagkayayaan sila Mama at mga kapatid nya na sumunod sa koprahan namin sa bundok. Nandun kasi Lolo at Lola ko that time para magbantay sa koprahan tsaka sa nag aabacca ba rin.

Ang daan papunta sa bundok ay mahirap! Hahaha nasa kalsada na kami nun papasok sa Encantadia, may palayan pa pataas ng bundok bago ka mismo makarating sa liblib na part ng bundok.

First encounter: Nasa 15mins na kaming naglalakad that time from the  main road (yung way pataas) and I'm sure wala nang ibang tao
doon bukod saming 7 na umakyat. Malayo na rin kami sa kabahayan kaya alam kong imposible yung narinig ko that time.
Unang nangyari nang mga time na yun ay may naririnig akong mga batang naglalaro atsaka mga matatandang nag uusap-usap. Ang gulo nila para bang sayang saya sila. Yung parang pag nsa loob ka ng bahay tas may maririnig kang mga bata na naglalaro tsaka tawanan sa labas. Ganon!

Tanong ako nang tanong kila Mama at sa mga Tita ko non kung dinig pa ba yung mga nangyayari sa barrio kahit ganun na kami kalayo pero sagot nila "wag mong pansinin". Okay wel. Sabi mo yan eh, tatatahimik ako jan. HAHAH chos.

Nakailang tanong ako sa kanila pero di nila kinconfirm sakin so di ako matahimik.

Ewan ko bakit nung nandun ako at naririnig ko sila malinaw mga sinsabi nila pero nung nakababa na kami sa bundok wala na akong maalala ni isang salita sa mga narnig ko na yun.

2nd: Nung nasa place na kami sa rest house nila Lolo, kinwento nila yon sa Lolo ko at naalert sya kaya sinabihan nya sila Mama na igitna raw ako lagi lalo pag akyat pa namin papunta doon sa falls kasi  nagkayayaan pang manguha ng shell. At dahil ayaw kong magpaiwan nga sa resthouse, forda g!

Nung nagstart na kaming mag lakad at nanguha ng shells, normal na. Nag k-kwentuhan pa kami and all hanggang sa nakaamoy ako ng masarap! Shet tandang tanda ko nakaamoy ako ng barbeque at bananaque na fave na fave ko tapos nawala yung amoy ng bundok na earthy. Napalitan yun ng parang akala mo palibot mo flowers. Sabi ko kumain naman kami bago umalis sa rest house at wala kaming dalang barbeque! Nagutom ako non hahaha kaya nagsabi ako kila Mama. Sabi ko "Naamoy nyo yun? Bangoooo amoy ulam!"
Pinagalitan nila ako non, dami ko raw napapansin, sabi na nga raw wag i-entertain. Aba malay ko naman vebs, first time ko ang lahat!

Hindi nawawala yung amoy ng mga favorite ko nung time na yon. At puri pa rin ako nang puri na ang bango nga hanggang sa ang ginawa nung pinsan namin nag mura nang nag mura, naglalagay ng konting ingay hanggang sa nawala yung amoy.

3rd: After non, tuloy nanaman kami sa pangunguha ng shells. Nag eenjoy ako kasi aang lalaki ng shells sa mga bato bato, and habang nag pupulot ng shells may flower na umaanod sa tubig. Ang ganda,  buhay na buhay and at some point si accling curious nnaman kung san galing. And oh, there I saw a perfect tree with flowers na iba iba ang color. They're falling in a slow and enchanting way na hindi ko maalis titig ko. Naglakad pa rin ako nun at nanguha ng shells until nadulas ako at narinig ko tawanan na lang ng mga kasama ko. Sabay kong napansin nun na nawala yung puno. As in wala! Punong mga normal lang nandun at weeds. Wala yung perfect, wala yung flowers! I felt betrayed. </3 CHARIZ!

Hindi ko pa yun sinabi sakanila dahil alam kong papagalitan nila ako eh.

4th and last: Pabalik na kami sa rest house, so pababa na ang daan. Malalaking bato yung dadaanan. May isang napakahirap babain na part doon ng bato na naging dahilan bakit nangalahati yung kuko ko sa paa nung mga panahong yun. Si accling nadulas, edi nag ouch ouch kasi shunga hahaha.

Nung lahat nakababa na, malayo pa lang kami may napansin na akong bata na nakasandal sa may puno ng saging.  Nakastripe syang damit and nakasandal lang sya. Akala ko kinausap na ng nauna naming kasama kasi tumapat sya doon. Pero nung tinanong ko sila kung sino yun, ang binalik lang nila sakin yung "sino". So ako sabi ko lang baka taga ibang barrio at di rin nila kilala.

Hanggang ngayon dito ako nangingilabot. Kasi nung malapit na kami na mga nahuli sa pwesto nya, nakatitig sya. Di ko alam kung kanino basta may tinititigan sya sa way namin. Napakapit ako sa malapit sakin nung mga time na yun at di na ako nagtalk dahil sa kaba. Once naka pass na kami sa pwesto nya, dun ako lumingon pabalik. And voila! Yung batang nakasandal sa puno ng saging? Ayun naging balat ng puno ng saging na peel-off na. Walang bata. Walang ibang tao na nandun kundi kami. Walang taga ibang barrio.

Dun ako nagising weird yung mga nangyari sakin paakyat. Lahat yun dahil lang sa napaglaruan ako.

Pagdating na pagdating namin sa resthouse, pinagkwentuhan na nila lahat. Pinagsabihan nila ako na next time wag mag pansin ng kung anu-ano. Doon ko na rin sinabi yung sa bata. Nag sumbong ako sa Lolo ko lahat! Lahat lahat mula sa pag akyat namin. Dun nya sinabi na may mga playful daw talagang nilalang. Like one time habang nag papatrabaho siya doon may maririnig syang kumakantang babae o di kaya naman daw ay mga nag paparty na mga maiingay.

After ng lahat ng nangyari sa araw na yon, at nung pauwi na kami sabi sila nang sabi na "walang magpapaiwan." paulit ulit. Isa isa sila tapos sabi sakin "Lalo na to at baka busugin to dito"

Since then, hindi na ako nakaakyat doon. Hindi ako pinapayagan nila Lolo at Lola (I miss you La! Enjoy your forever staycation up there!) Hindi na ako pinabalik, mas maigi na raw na safe.

Kaya sa susunod nyong trek, wag kayong papansin ng kung anu ano ah? Baka may mag attempt na sumama pabalik. :)

Til next time!

G,



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon