KUYA

14 0 0
                                    

KUYA

Before my cousin died, may mga kwento sya about sa bahay nila, entities and spirits. Mag-isa lang sya sa bahay at matatakutin sya. Aside from that, he was born with a heart problem. Kaya we thought isa sa dahilan ng heart attack nya ay ang mga paranormal experiences nya sa bahay nila.

He's like a brother to me, more than cousins pa dahil super spoiled ako sakanya. Ang parents nya and youngest sibling nasa abroad, while the other sibling sa Manila nakatira with her family. Si Kuya lang talaga naiiwan sa bahay nila sa Cavite, pupunta lang sya ng Manila kapag susunduin nya ang fiancee nya or mag sleepover sa sister nya.

One of his stories na feeling namin naka trigger sakanya kasi a week before he passed nangyari.

Tuwing luluwas sya ng Manila, he'd leave the light sa dining area open. But pag-uwi nya nakapatay na yung ilaw. Sometimes, he'd leave it off pero paguwi nya naka bukas naman. So he thought baka sya ang nakakalimot. Kaya he ignored it.

Nung nag start na sya mag duty ulit sa hospital sa Manila weekly nalang sya nakakauwi with his fiancee kaya medyo nawala yung takot nya. Pag luluwas na ulit sila, same ang ginagawa nya, mag-iiwan ng ilaw sa loob ng bahay pero pag-uwi nya patay nanaman and vice versa. So what he did, nililista na nya, may notepad na sya sa tabi ng switch ng ilaw. He'll write down if iniwan nya ba na on or off ang ilaw. At ayun nga, same thing pa din, aalis sya na naka on ang lights pag-uwi nya naka off na naman. For how many weeks ganon. Kaya natakot na sya umuwi ng bahay nila sa Cavite.

Kaya 1 month sya na hindi umuwi ng Cavite. Then 1 week before he passed umuwi sya to get some stuff and mag visit na din samen. Dun na nya kinwento samen what happened nung umuwi sya ng late night sa bahay nila. Pag pasok daw nya ng bahay naka off na naman yung ilaw, pero sa log nya sa notepad he left it on. Kaya nag palit lang daw sya ng damit at ang plan nya is pupunta na sa bayan. Nung palabas na sya ng bahay biglang may babaeng nag salita out of nowhere and sabi daw "BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI?" Kaya nag madali daw sya lumabas. Imagine, yung takot na takot ka pero you have no choice but to sleep there alone pa din. At nung hindi daw sya makatulog nag drums nalang daw sya hanggang mapagod. Yung drumset nya katapat ng TV nila, tapos pagkita nya sa TV may reflection ng maliit na figure. That was Saturday.

And Friday of the following week he died of heart attack.
During his wake ang daming paranormal experiences ng family namin. Even stories from neighbors ng mga nakikita at naririnig nila sa bahay kapag walang tao. Next story nalang yun.

Thank you for reading kahit mahaba.

KUYA pt. 2

Simula ng unang araw ng burol ng pinsan ko lagi kaming may naririnig na babaeng humahagulhol. Hagulhol na devastated ganon. Kahit hanapin namin sa buong bahay at sa labas ng bahay hindi namin makita kung sino ba yung umiiyak.

Day 4. Magkakatabi kami sa sofa ng fiancee ni kuya at ng kapatid ko. Late night na to kaya kami nalang ang nasa loob ng bahay.Sabi ng fiancee nya 4th day na daw kaya alam na ni kuya na wala na sya. Pero bakit daw hindi pa din nag paparamdam at nagpapa panaginip sakanya. (Year 2008 to kaya usong uso pa yung analogue cellphones na maliliit tapos naka kwintas sayo) Biglang nag ring yung cellphone ng kapatid ko tapos pag tingin namin yung landline number ng bahay nya mismo kung saan nakaburol pinsan ko. Yung shock namin tatlo kasi yung telephone ng bahay katapat lang namin tapos walang ibang tao sa loob at wala din extension phone.

Day 5. (Nasa dining area kami ng bahay nila. Katabi nung dining area yung mini library nila na walang bintana kahit isa. Enclosed with french glass door) Dumating yung college friends ni kuya at napagusapan yung MOD magazine kung saan sya na-feature. Na cover dun sa interview nya yung mga near-death experiences nya, may isang friend nya ang nagtanong kung nasaan na daw kaya yung copy ng magazine, kasi may isang question daw dun na maganda sagot ni kuya. Tapos biglang bumukas yung pinto ng mini library nila na parang pa-slam pa yung pag bukas. At dahil nasa likod ko yung pinto sobra yung gulat ko kasi walang kahangin hangin para bumukas ng ganon kalakas. Tumayo na din ako para isara, pero nung isasara ko na yung pinto, yung magazine na pinaguusapan namin andun nakapatong sa silya sa loob ng mini library.

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon