Mommy

57 2 0
                                        

Birthday month ng mom ko kaya biglang bumalik ang mga alaala ko tungkol sa kanya.

Batang bata pa ako nuong namatay cya kaya vague ang recollection ko sa kanya nuong buhay pa cya - pero madami akong natatandàan mga kwento ng kanyang magmumulto ng tumagal ng ilang taon.  Kaya magiging serye ito ng mga naipong kuwento tungkol sa kanya.

#1 Ang burol.

Binurol cya sa may basement area ng malaking simbahan sa New Manila. Nuon, isang big open space pa lang yuon (di tulad ngayon na subdivided na to private rooms) na meron mga upuan para sa mga makikiramay.  Pag umaga wala masyadong bisita at napakatahimik maliban sa umiingit na tunog ng ceiling fan. Medyo creepy yung lugar lalo na at duon din sa malapit ang morgue.  Pero sa gabi duon dumadagsa ang bisita at napaka busy ng lahat.  Isang gabi, inutusan yung kapatid kong lalake na kunin ang mga dala dalang mga pagkain mula sa kotse.  Bitbit ang thermos lumabas na cya para kunin yung fud at bagong dalang tubig. Mga 15 min bumalik cya sa loob na putlang putla at nanginginig sabay sabi, "Si mommy nasa kotse!"  Pagkarinig nuon tumakbo daw Dad ko at ang ilang kamag anak sa kotse, pero wala silang nakita. Pero pagbukas daw ng pintuan ng kotse  humahalimuyak  ang loob ng  amoy ng  bulaklak at kandila.  Tinanong nila kapatid ko kung ano itsura ng nakita nya - " si mommy naka upo sa likod suot nya yung parehong damit nya sa kabaong. Inaabot ang kamay nya at parang hinihikayat akong lumapit sa kanya."  Sinabihan cya ng Dad ko na imagination nya lang daw yun pero mahigpit daw cyang niyakap nito at hinabilin na huwag daw kaming mga bata na iiwanan na mag isa.

#2  Mommy
Matagal ang naging burol ng Mom ko dahil hinintay pa ang pagdating ng mga kamaganak abroad. Pero mula nuong incident ng pagpapakita nya sa brother ko sa burol, hindi na nila ako masyadong  sinasama  duon unless kasama ko Dad ko. 
Isang tanghali,  ang naiwan lang sa bahay  ay ako at isang katulong. Nasa salas kami sa ibaba  nanunuod ng TV. Napaka tahimik ng paligid maliban na lang sa salitaan sa TV, ng biglang meron kaming narinig na kumalabog sa itaas.  Pinakinggan namin  sandali pero dahil  di na naulit, di na pinansin.   Maya maya parang meron akong naririnig na naglalakad sa itaas.   Sinabi ko, "Ate  parang  may tao sa itaas."  Sabi nya imposible daw dahil  2 nga lang daw kami  sa bahay.   Patuloy  ulit ako panunuod maya maya  narinig ko ulit yung mga yabag sa taas.   Yung  tipong  hahakbang tapos  hihilain yung kabilang paa.  Mabagal  yung mga hakbang  pero tuloy tuloy na parang nanggagaling sa  dating kuwarto ng mom ko.  Bigla kong naisip na  parang  katulad ni Mommy maglakad.  Bago kasi cya namatay paralyzed half body nya  kaya hirap na cya maglakad at hinihila na lang  yung  kabilang paa nya.   Gusto ko sana sabihin yun sa  kasama ko pero natakot akong mapagalitan dahil madidistorbo yung panonood nya.    Kaya  cg lang at  patuloy akong  sumusubaybay kung asan papunta yung  mga yabag.  Tuloy  tuloy yung lakad, tapos narinig kong parang  umingit yung pintuan sa kwarto na parang unti-unting bumukas.  Tapos  biglang kumalabog  pasara. Sandaling  tumingin sa taas yung kasama  ko pero nagkabit balikat lang at  balik ang atensyon sa TV. Maya maya pa nagpatuloy  muli yung  mabagal na paglalakad.  Hakbang. . . hila. hakbang... hila .   Naka tingin lang ako sa itaas  at habang tumatagal lalong tumibay ang pakiramdam ko na yung Mommy ko nga yun.   Napa sabi ko tuloy na "Mommy? Ikaw ba yan?"  Sa sinabi kong yuon nakuha ko ang atensyon ng kasama ko.  At pinagalitan ako na kung anu-ano daw sinasabi ko.  Sabi ko na lang hinaan nya yung TV  at  makinig cya.  Ng pinatay nya yung TV  naging prominente yung tunog ng mga yabag ng paa.  Parang ilang sandali na lang ay malapit na yung mga yabag sa may hagdan at bababa na. 
Napasigaw yung kasama ko at pinilit akong  lumabas ng bahay.  Duon na kami sa labas ng gate dinatnan ng Dad ko  dahil ayaw pumasok ng kasama ko sa loob ng bahay na wala daw cyang  ibang kasama.

#3 Mommy:40th death day

Kaugalian na sa ika 40 na araw ng pagkamatay ay may padasal. So ganun nga nangyari pero napakaraming bisita na dumating. Eventually after ng novena and prayers - kainan na at as usual di mawawala ang booze for the boys including my Dad. So habang tumatagal hindi na solemn yung okasyon at nagmukha ng party.

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon