Naalala ko tong story ko na to dahil super memorable and ang creepy parin hanggang ngayon pag naalala ko
"Ang Abandonadong bahay sa Don Roces, QC"
Siguro nangyari to mga around mga 2005 or 2006, nung time na yun uso pa yung decades bar sa may Don Roce sa QC.
Ito na nga simulan na naten ako, ate ko, bunso kong kapatid at ang bf ng ate ko, we decided na gumimik ng Saturday inabot na kame ng 2:00 am sa bar. Sobrang mararing nainom tong kapatid kong bunso and then we decided to go home na.
Itong bunso kong kapatid bukas ang 3rd eye nya, as in super bukas nakikita nya talaga ng literal yung mga di naten nakikita.. so ito na nga ang kwento. Sumakay na kame sa van nung bf ni ate (Starex) so ang pwesto si ate asa passenger seat kameng dalawa ng kapatid kong bunso mgkatabi sa 2nd row seat nung van.
Yung kapatid ko sobrang lasing nya at nagsabi na nasusuka daw sya, sa di kalayuang lugar from decades may part dun sa may Don Roces na may abandonadong bahay.
So huminto kame dun sa may harap nung abandonadong bahay at bumbaba na yung kapatid ko para sumuka, maya maya sobra yung katok nya sa pinto nung van na parang nagmamadali, yung parang may humahabol sa kanya binuksan ko agad yung pinto at dali dali syang pumasok sa loob ng van.
Sabi nya sa bf ng ate ko bilisan naten, bilis galit sila baka sumakay sila dito sa van! Nagtataka Yung bf ng ate ko kasi di nya alam na bukas ang 3rd eye ng kapatid ko akala nya dala lang ng kalasingan.. pinaandar na ng bf ng ate ko yung van at habang humaharorot kame iyak na iyak yung kapatid ko kasi sumusunod daw samen yung mga nakatira sa doon sa abandonadong bahay.
Malapit na kame dun sa kanto palikong G.Araneta kumalma na yung kapatid ko. Tinanong sya ni ate kung anu daw ba yung nakita nya nung sumsuka sya.
Sabi ng kapatid ko nung after nya sumuka pagka tango daw nung ulo nya may nakita daw syang pamilya na nag appear sa harap nya at galit ang mga mukha nito, kaya daw sya dali daling bumalik ng van, at creepy part pa eh sinusundan kame hanggang dun sa kahabaan ng Don Roces.. pero nung lumiko na kame sa may G.Araneta nawala daw bigla.
Sabi nya If nakasakay daw yung sa van malamang daw naaksidente kame nung madaling araw na yun.
Hanggang ngayon pag naalala ko yun kinikilabutan parin ako.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)