MATAKOT KA SA KARMA

38 1 0
                                        

MATAKOT KA SA KARMA

Good Eve Guys. Happy Friday! So eto na nga may ishare ako kwento. di eto typical na kwento na may paramdam or physical sightings ng mga Multo aswang at kung anik anik. to be honest mas nakakatakot ang makarma.

5 kami magbabarkada at mga hampaslupang traveler. itago ko na lang ang names nila sa alias na JM, Marc, Chris at Gie

Sila Pareng Marc, Chris at Gie ay Parehas Front Desk Officer sa isang malaki logistic company. Sila Pareng Marc at Gie  ay magkasama sa isang branch while si pareng JM naman ay sa ibang branch pero within Makati lang din sila tatlo.

Isa sa Services ng Logistic company na eto ay ang Bills Payment. since nasa Makati Area lang sila mas madami client ang inaassist nila in a daily basis.

Isang araw, napansin ni Pareng JM na palagi may bagong gamit ung isa nya kasama sa branch. eh parehas lang nman sila ng sinasahod..di na nya un binigyan pansin kasi baka sabihin naiingit lang sya. so moving forward work lang ang focus nya

Mga ilang linggo naman ang nakalipas, ung isa nman nya kasama na babae panay ang travel. at lagi kumakain sa mga high class na restaurant kasama ang jowa. so ganun pa rin kibit balikat lang sya baka nman ipon lang ung pinapanggastos or bagong sahod sa paluwagan. hwhaha..

Ilang buwan ang nakalipas at ganun lifestyle ang nakikita ng tropa ko sa 2 staff na kasama nya sa branch. napapaisip sya kung san nakukuha nung dalawa ang pinaggastos sa mga luho at travel nito.

hanggang isang araw ang kasama nila senior staff nila may sinabi sa kanya..

Pre..minsan try mo mag stay dito sa branch. mukhang may kababalaghan na nangyayari.

Eh bakit mo naman nasabi? ano ba napapansin mo..?

Ung isa natin kasama every time na may nagbabayad ng bills iniipit nya sa gamit nya ung payment. instead sa kaha. pero syempre di ko pinapansin sa una kasi tiwala ako at sya ang trained sa transaction na yun. pero di mo ba napapansin panay ang post ng bago gamit nung dalawa na yan?

Oo nga eh tsong. nagtataka talaga ako.

Ganito ang gawin mo pre..icheck mo kung pumapasok ba ung remittance ng payment sa bills sa provider natin kasi wala pa audit na ginagawa kasi nasa pandemic pa tayo

Simula nung araw na yun ay palihim na minamantyagan ng tropa ko ang 2 co worker nya na may kahina hinala sa mga reporting nila..

Hanggang sa nalaman nya nga ang totoo.. di pala nareremit sa 3rd party nila ung payment sa services na un at alam nyo kung magkano ang halaga? Nasa Milyones lang naman mga bes..

Nireport nya nga un sa Area Manager nila at biglang nagkaroon ng surprise audit sa branch na un. at confirmed. ninanakawan na pala nung 2 nya ka team ang company nila..

Umamin nga ang dalawa sa krimen na ginawa nila at nagawa nila dahil sa personal na dahilan.

Ung Lalaki kasama nya ang dahilan mangangak na daw ang misis nya at kukulangin sa gastos sa panganganak .

Ung Babae naman ang dahilan pang maintenance daw ng nanay nya.

Sa ilang buwan na naitago nila ang pagnanakaw sa company halos milyones ang nakubra nila.at nakabili nga sila ng bagong gamit sa pera na kinulimbat nila

Nagkaroon ng admin hearing sa 2 staff na kasama nya. di naman sya nadawit kasi wala talaga sya alam at di rin naman sya sinama sa written statement nung dalawa.

Naging mabait pa rin ang company na yun sa dalawa. instead na ipakulong, pinapasauli ang lahat ng pera na nakuha nila. at kailangan nila mapagbayaran lahat ng amount na nakuha nila habang nasa company sila.

inalis sa branch nila ang 2 staff na yun. at nilipat sa ibang branch. ang masaklap lang sa nangyari, Tinerminate nung company na yun na magprovide ng bills payment services sa company nila. Ikaw ba naman milyones ang nawala kita.

Nabalita na rin ang ganito pangyayari sa ibang news portal. same company pero ibang branch nga lang.

Makalipas ang ilang buwan nagulat na lang ang kaibigan ko sa nabalitaan nya sa dati nya kasama sa Branch

Nanganak na ung asawa nung lalaki dati nya ka team. ang masaklap lang, Patay sa tiyan ang bata. and take note. First baby sana un..

Ung babae naman. namatay sa covid ang nanay at diretso crinimate at di nakauwi sa probinsya para mabisita..

iba talaga pag gumawa ka ng masama. di ka palalampasin ng karma. mananagot ka talaga.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon