Pa-nehhhh

77 1 0
                                        

"Pa-nehhhh"

Highschool ako ng mangyari to, 1994-1997. Sa bahay lang to nangyari, ako na lang ang gising kasi gumagawa pa ko ng assignment. Sa dining table ako nakapwesto, yung kuya ko dun natulog sa tabi ng mesa, naglatag lang ng folding bed. Siguro mga 1am na to nangyari. Sa right side ng mesa kusina na tapos banyo, tapos sa dulo may bintana na nakaharap sa sapa. Habang nagsusulat ako sa notebook, may narinig akong boses, parang may tinatawag. Boses ng matandang babae, ang sabi nya, "pa-nehh, pa-nehh". Hindi naman ganun ang name ko or nickname ko, pero feeling ko ako ang tinatawag nya. Tumigil ako magsulat at pinakinggan ko kung san galing yung boses. Tinignan ko pa nga ang kuya ko baka nananaginip lang, humihilik sya at di naman nakasabay dun sa nagtatawag. Dun galing sa bintana sa likod ng bahay yung boses. Habang pinapakinggan ko, tumataas na ang balahibo ko. Parang nananakot kasi yung way ng pagtawag nya. Bumalik ako sa pagsusulat, trinay ko wag pansinin. Kaso ayaw tumigil tsaka natatakot na rin ako. So, tumayo na ko at pinuntahan si mommy. Ginising ko sya, "mommy, may tumatawag sa kin sa likod, pakinggan mo". Pagtayo ni mommy, nawala na yung boses. Di ko na rin ulit narinig yun, isang beses lang nangyari. Nung kwinento ko sa mga kapatid ko, naisip daw nilang itsura nung nagtatawag eh yung matanda daw sa Shake, rattle & roll, si Lilia Cuntapay. Kaya pic nya ang nilagay ko hahaha


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon