Paramdam

20 1 0
                                    

I did not foresee myself sharing here sa LTaP kahit na encouraged ang lahat na magshare, kuntento na ako sa pagbabasa, like at comment. But this recent experience I really have to share habang mainit init pa.

I usually read LTaP before hitting the sack. Yun lang kasi ang usual time na makakapagconcentrate ako dahil tulog na ang little one ko. Pero this week, di ako nakapagbasa dahil andami kong antok gawa ng kabusy-han sa birthday ko at sa bakasyon ng sis ko na OFW.

Last Saturday, nagsamgyupsal kame ng family ko sa bahay for dinner kasama ang bff ng sis ko, bf nya at bro ng bf nya. After eating, di na ako nakipagkwentuhan at nagligpit na ako ng mga kalat and did my usual night chores. Dahil late na rin at inaantok na ko, pumasok na ako sa room to sleep with my hubby and baby. My niece was also sleeping in the room waiting for her mom na nakikipagbonding pa sa bff nya. I am a light sleeper so nung iopen ng sis ko ang door ng room para sunduin ang anak nya, nagising ako.  After telling my sis to ensure na closed mga doors at switched off ang lights, I went back to sleep. I didn't check the time pero siguro past 11pm na nun. A few minutes passed (un feeling na katulog mo lang), nagising ulit ako dahil sa liwanag na nakatapat sa mukha ko.

We sleep on a bed na nasa floor lang dahil malikot matulog ang baby ko. Sa ulunan namin merong ledge na pag nakatayo ka e hanggang bewang mo. Doon nakapatong un cp namin ng asawa ko. Yung bed namin katabi ng cabinet sa dulo ng room. Ang pwesto namin un asawa ko sa side katabi ng cabinet, our baby sa gitna then ako. I slept na nakatalikod sa baby ko at katabi ko lang un 2 pinagdikit na kutson na hinihigaan ng pamangkin ko. So ayun nga, nagising ako sa liwanag. Nung tingnan ko san galing, nakita ko un flashlight ng cp na nakatapat sa mukha ko. Nagulat ako kasi un me hawak ng cp parang sinisipat yun mukha ko. Ang nakita ko na me hawak ng cp e anino ng bata! I say anino kasi all-black figure na shape ng bata. Then nun nakita nya na nagising ako at nakita ko sya, tumakbo sya, playfully, paikot sa bed ng pamangkin ko. Ang lakas ng yabag ng paa nya. Yung galaw nya para syang nakikipaglaro ng habulan habang ako e nagdasal ng Apostle's Creed ng paungol dahil hindi ako makapagsalita. Pinipilit ko talaga makasigaw pero ayaw bumuka ng bibig ko at di ako makagalaw. Puro malakas na ungol ng dasal na lang ginagawa ko para magising din ang hubby ko pero d sya nagigising. Natapos ko na un dasal d pa rin ako makagalaw at di ko pa din mabuka ang bibig ko kaya tinuloy ko lang ang pagdadasal. This time Our Father naman. Bago matapos ang dasal e napakurap ako at parang nabalik sa normal ang lahat. Ginising ko agad ang asawa ko dahil grabe ang takot ko pero ang himbing ng tulog nya. Hindi ko first time bangungutin, me mas nakakatakot pa akong experience noon pero iba ang takot na dala nung nakita ko netong huli. Kahit pa nga hindi sya nananakot at parang nakikipaglaro lang, takot pa din ako. When I checked the time nun nagising ako, it is a little over 12 past midnight. Chinat ko ang sis ko at bf nya. Kinwento ko agad un nangyari dahil un takot ko e galing sa previous experience ng bf ng sis ko. Habang kinukwento ko sa sis ko at bf nya via messenger grabe ang goosebumps ko sa buong katawan. Maski nung ginising ko na talaga si hubby at kinwento yung nangyari kinikilabutan pa din ako.

Ilang taon na kami nakatira sa bahay namin and me mga experiences na din kami ng doppelgangers at paramdam pero sa experience na to lang ako natakot talaga. Yun takot ko e galing sa previous experience ng bf ng sis ko nung natulog sila sa room namin for 2 nights while we were away. Nung first night nila sa room un bf ng sis ko nakita yung kumot na umaangat. imposibleng sa hangin dahil fleece blankets gamit namin at hindi sapat un hangin sa gamit naming fan at ac para maiangat ang kahit ano sa room. Nun second night, hindi na kinaya ng bf ng sis ko ang takot. Lumabas sya ng room at sa living room natulog na me hawak na bawang. Habang tulog kasi sya sa room bigla sya nagising na me itim na bata na nakaupo sa tyan nya. Ilang dekada na kami nakatira dito pero dito lang ako natakot talaga.

Bago pa lahat nangyari to e gabi gabi biglang umiiyak ang anak ko pag madaling araw ung iyak na parang natatakot tapos pag sinuotan namin sya ng pula nakakatulog na sya. Pinatawas namin sya noon sabi e meron syang dalawang kalaro. isang batang puti at isang batang pugot ang ulo na magiging kapatid daw nya. Di ako naniniwala sa sinabi ng nagtawas kasi hindi na ako bata para mag anak pa, maswerte na nga nagkaron ng isa.

Hindi ko alam kung bangungot bang matatawag un anino ng bata na yun dahil pareho kami ng nakita ng bf ng sis ko. Sabi ng bf ng sis ko elemento daw. Naisip ko di ba sa mga bangungot laging black figure nakikita? Pero un nga me alam lang sa ganito ang makakapagsabi talaga kung ano ba yun nakita namin.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon