Huling Kaway ng Kaibigan

38 1 0
                                        

Huling Kaway ng Kaibigan

Hi! please hide my identity, business acct ko kasi ito. I am a grown up now and have my own family na, and these scenario happened when I was in junior hs. I had my bestfriend let's just call him "Lou" wag na sa petname or real name kc panigurado makikilala nila ako.
Lou and I chose to be bestfriends nalang eventhough M.U. kme kc napaka complicated ng sitwasyon. Her gf is one of my close friends and his nephew is my current bf that time. Dumating dn kme sa puntong nagusap kme if what must we chose, to be happy because maging kame pero may mga masasagasaan kame? o mahalin nalang ang isa't isa sa paraan na mas magtatagal which is maging mag bestfriends.... Obviously, I chose kung san kme mas magtatagal. Umabot sa point na hindi ko na kayang dayain ang sarili ko kaya hiniwalayan ko ung nephew nya. Ung gf nga pla ni Lou and ung ex ko ay mag bestfriends dn. So ang nangyare, pinapakiusapan ako ng gf ni Lou na makipagbalikan para partner-partner padin kme pg lumalabas. Umayaw ako syempre. Masakit na cla sa mata e haha lalo kaibigan ko c girl and wala naman akong galit kaya nga ako nalang ang umagwat. Months passed, kuya naman ni girl ang nanligaw and as usual bilang mabuting kaibigan, sinagot ko nalang ang kuya nya para all good ulit. Until January 2, pumunta c bf ko that time sa bahay namin eventhough never ko syang pinapapunta kc bawal na bawal pa tlaga akong makipag boyfriend. Pero lakas loob siyang pumunta. Non-Verbatim;

O, bkit ka pumunta? alam mo nman nandto daddy ko e.
Saglit lang to, may pera kaba jan?
Uutang ka? meron pa ata akong 300?(syempre estudyante that time, allowance lang meron ako haha)
Hindi, nanghihingi kc sna ng tulong yung pamilya ni Lou para mailabas sya sa ospital.
Ha? bakit? anong sakit ni Lou?! Saan hospital sya? Ok naba sya? Wait magpapaalam ako, sasama ako sayo. Gusto ko syang dalawin. Antayin mo ko dyan. Hihingi lang ako ng extra. (money)
Huwag kang mabibigla. Wala na c Lou. Inatake sya sa puso kaninang madaling araw, bumigay na katawan nya kaninang around 5pm. Humihingi ng tulong pamilya nya para may pangpalabas cla sa ospital ng katawan ni Lou. Nasa morgue pa kc sya..

Natulala ako ng sobra sobra ng marinig ko yun. Ang last na pagkikita kasi namin is nung Christmas party pa sa school namin. Dec. 16. Sa bahay nila kami dumiretso after party. Ang huling paguusap namin these goes like this;

Bes, uwi nako ha. Alm mo nman may curfew. Sa pasukan na tau ulit magkikita. Di naman ako papayagan gumala.
(Lou);  Payakap ako. Basta mangako kang babalik ka ha. Aantayin kita.

Me; gago cge yakap lang anjan c gf mo alam nyang may ibang nagaganap naghi hint na yan nagtatanong na saken e haha. sabi ko wala naman.

Him; hugged me tightly. Babalik ka ha promise mo yan?

Me; Oo. Promise. (And we made our signature handshake na sa amin dalawa lang. 🙂)

Walang araw na hindi ako gabi gabi nakikipaglamay sa burol nya. Naiintindihan naman ng parents ko kc aware naman cla na bestfriend ko yung namatay. Basta every 6am, uuwi ako then 9pm babalik ako sa lamay ni Lou. Last lamay nya, kinausap ko buong barkada na maging kumpleto kame sinamahan na din ako ng Mommy ko sa last lamay kasi worried dn sya na everyday akong umiiyak. All of sudden habang nakatunganga
kame sa labas ng bahay nila Lou dahil nagyoyosi yung iba samin, itinuro ng Mommy ko yung pinakataas na balcony nila Lou. Nung tinitigan naming lahat, there he is.....kumakaway ng magiliw na magiliw.... hindi lang ako ang nakakita... lahat ng nandun sa labas nakita ang huling kaway ng kaibigan ko. Until, may biglang dumaang sasakyan na humarang sa view ng balcony nila. Pag alpas ng sasakyan, wala na yung kumakaway.

Ps. Nasan ka man Tabs, hindi ka nawala sa isip at puso ko. Hindi ko man natupad ang promise ko na dadalawin ka sa puntod mo, (sa province kc sya inilibing. sasakay pa ng eroplano) alam ng Diyos at alam kong alam mo na mahal na mahal kita. Masaya ako sa love na meron tau di man gaya ng love na gusto natin para sa isa't-isa. Gabayan mo padin sana ako sa araw araw. How I wish dumating ang araw na makakita ako ng kawangis mo. Alam kong masaya kana diyan sa langit.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon