COMFORTER ROOM SALUBONG
Hi po, my name is Jai (not my real name) please hide my identity na rin po admin lalo na po nakita kong followers nyo ang ibang katrabaho ko.
Ganito kasi yon, sa training pa lang sinabi na samin ng trainor namin na may mga creepy daw na nangyayari sa mga new hired na tulad namin, madalas daw batang lalaki o isang babae ang nakikita minsan daw nakakausap pa ng mga bago kasi hindi naman talaga sila aware na multo yong nakausap nila, akala nila allowed lang talaga sa company yong mga bata which is bawal talaga magdala ng bata sa company. Ang sabi samin ng trainor namin, normal na daw yon na nangyayari lalo na sa mga bagong hired baka daw isang salubong yon like pag-welcome na din.
Nong una, natatawa pa ako kasi naman aware naman ako na totoo talagang may multo saka ilang beses na rin ako nakakita kaso hindi kasi talaga ako agad naniniwalang totoo yong mga kwento hanggat hindi ako mismo yong nakaranas.
So ito na nga, binigyan kami ng 15mins break tamang-tama naman na naiihi na ako kaya nag-cr muna ako. Sa comfort room kasi dalawa lang yong cubicles, pagpasok ko yong isang cubicle naka-lock tapos yong isa naman dahan-dahang sumara, hindi ako nananaginip nakita ko talaga syang sumara medyo nagtaka pa ako bakit hindi man lang ni-lock kaya nag-assume ako na baka nagbihis lang o kaya tinamad lang mag lock. Sobrang tagal ng pag-antay ko yong tipong sasabog na pantog ko sa kakahintay wala pa ring lumalabas, pero wala naman akong magawa hanggang sa may pumasok, napakunot pa noo ko dahil sa pagtataka kasi nilagpasan nya ba naman ako tapos dumeretso don sa cubicle na hindi nakalock, aangal pa sana ako na 'ay may tao pa po sa ata loob' kaso hindi ko na nagawa sa bilis ng nangyari pagtulak nya kasi ng pinto deretso pasok na sya. As in nanlaki talaga mata ko sa gulat, ano yon? Sobrang kulob sa loob ng cr, walang hangin na pumapasok, wala ding bintana don. Medyo natulala pa ako habang nakatingin sa pintuan na naka-lock na ngayon dahil may tao na talaga sa loob na kakapasok lang.
Narinig ko na lang yong boses ng isang katrabaho ko, sabi nya 'oh Jai, andito ka pala' don lang ako nahimasmasan tapos sinabi ko na kanina pa ako dito kasi sumara yong pinto kaya akala ko may tao medyo lutang pa ako kaya tinawanan nya ako. Tinakot pa ako, ayoko na sanang mag-cr kung don lang naman sa cubicle na nakita kong sumara kahit walang tao kaso ang tagal kasing lumabas ng babae sa isang cubicle feeling ko nag-eebak kaya sobrang tagal nya. Hahaha
So wala akong choice, nilabanan ko yong takot ko. Inisip ko na lang na namamalikmata lang ako kanina dahil sa kakatutok ko sa computer. Sa kalagitnaan ng pag-ihi ko biglang namatay yong ilaw sa loob ng cubicle ko, sobrang kulob kaya wala akong makitang liwanag wala nga kasi talagang bintana tapos close pa. Gusto ko ng tumayo at lumabas pero hindi ko magawa kasi hindi pa ako tapos umihi, natigilan pa ako saka pinakiramdaman yong paligid hanggang sa namatay-sindi na yong ilaw don na ako napasigaw, hindi ko pa nasara ng maayos yong zipper ng palda ko lumabas na ako saka lang umayos yong ilaw. Sobrang pawis ko, sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig sakin. Nagulat ako ng bumakas yong isang cubicle tapos lumabas don katrabaho ko, nagulat pa sya ng makita yong itsura ko. Sabi ko sa kanya, 'Ate, namatay ba yong ilaw sa cubicle mo?' Sabi nya 'hindi ah, bakit?' tapos don ko na kinwento sa kanya yong nangyari, sabi nya sakin 'sumigaw ka? hindi kita narinig.'
After non, hindi na ako pumapasok sa cubicle na yon, lalo na ngayon na nasa production area na ako may cr sa loob kaya di ko na kailangan pumunta don sa cr kung san ko naranasan yon.
Tuwing dumadaan ako sa cr na yon, di ko maiwasan na mapatingin sa pinto ng cubicle saka magtataasan balahibo ko, pakiramdam ko may tumatawag sakin para pumasok ulit pero sobrang pinipigilan ko yong sarili na pumasok.
Jai
Confidential📜Spookify
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.