Hi! Sharing my story sa nangyari kagabi.
Birthday ng pinsan ko. I was invited and alam ng pamilya ko ang tungkol sa gift ko. (By the way, ako yung nagpost tungkol sa gift from grandparents a few days ago)
My family asked me to pray for my cousin's bday dahil sabi nila (iba ang nafefeel nila pag ako ang nagpepray) 🥺
So ayun, pumunta na ako sa bahay ng pinsan ko which is mga a few meters away lang naman sa amin. Sa open space sila nagsetup bale sa labas ng bahay nila. Di naman ganun kadami ang bisita and most of them ay talagang di ko kilala. Kasi nga di ako nalabas masyado ng bahay and di rin ako nakikihalubi sa kung kani kanino.
By the way, I consider myself as a Unitarian Universalist. Naniniwala ako sa Diyos, sa existence ng holy ghosts, ng spirits and even the teachings of Buddhism at ng iba't ibang religions. My belief respects all religions.)
Nung nagsimula akong magpray, I cleansed the area by rebuking the spirit of lust kasi sila ang una kong napansin. Hanggang sa may nakita akong three dark shadows sa likod ng kaibigan ng asawa ng pinsan ko. He was standing sa tapat ko. I felt something from the dark shadows. Yung para bang nagdadala sila ng pain, ng lust, ng longing, grabeng kabigatan, and the pain of something na parang may need kang ilet go ng di mo kaya. Sa sobrang bigat, di ko na napansin na iba na ang prayers ko. Sabi pa nila mama, para dawng galit na ako.
May napansin din akong flashing lights that I considered (holy spirit), when I saw it, tumapang ako sa pagpepray, nirebuke ko yung dark shadows by naming them spirit of pain, spirit of vice, spirit of brokenness. Tinapos ko ang dasal declaring favors sa buhay ng pinsan ko.
Pagkatapos kung magdasal, I asked my mama to accompany me at iuwi ako sa bahay because nanghihina ako. 😟 First time kong nakaexperience ng ganun kabigat. Nung nakauwi kami, nagcleansing pa ako. After I cleansed, I asked mama and my best friend kung sino sino ang mga nandun. Sabi ni mama, most of them were my cousin's husband's friends. Nga pala, my best friend was standing beside me nung nagpray ako. Sabi niya may naamoy siyang insenso kaya nagmulat siya ng mata para tingnan kung may nasusunog pero wala daw and he noticed that the guy standing in front of me was crying. Yung naamoy niyang insenso came from the area where I saw the flashing lights.
Naniniwala ako na everything happens for a reason kaya I asked my cousin (yung celebrant na pumunta saglit sa bahay to ask about dun sa lalaki na nasa tapat ko). Kasi kako baka need niya ng tulong o kung ano man.
Sabi nung pinsan ko di niya kilala masyado yung lalaki pero itatanong niya sa asawa niya. Kaya I went to my room para magpahinga.
A few hours later, bumalik yung pinsan ko and she was in awe while telling me the story.
Yung lalaki pala sa tapat came with his wife (nasa tabi niya). 1 month na pala silang hiwalay. Yung babae ang nakipaghiwalay because she found out that the guy has another woman, and bumalik sa pagbibisyo (sha**). Sising sisi yung lalaki kasi di na sila masyado nag-uusap ng asawa niya and that was the first time they saw each other after they broke up. Dahil din dito, nag-away ang pinsan ko at asawa niya dahil nagduda ang pinsan ko na baka totoo ang sabi sabi na ang asawa niya ay gumagamit din nang ipinagbabawal na gam**.
This is why I distance myself from the crowd dahil each of us brings different energy. Most of the time, naaabsorb ko yun. Yung mga dark shadows ang nagrereveal ng mga sikreto nang mga taong nahahalubilo ko.
Nang dahil sa group nato, mas naiintidihan ko ang mga nangyayari sa akin at ang mga nakikita ko. PERO to keep my kids away from chaos, mas pipiliin ko paring mamuhay ng normal and will continue to distance myself from other people. ☺️ Salamat sa group nato at kahit papano, I was able to tell my story na di ko kailangan maging present sa crowd. Thank you po for reading.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)