ANG BATANG ALBULARYO
Hi everyone tawagin nyo nalang po ako sa pangalang Omen,
I hope na ma post ang kwento kung ito, silent reader po ako sa page na ito, dummy account ko ang ginamit ko para ma hide yung identity ko. Marami akong friend na nagbabasa dito na alam din ang lihim ko but i decided na i confess dito ang mga nalalaman ko about sa mga kulam, barang, at iba't ibang elemento sana kung ma post ito at makilala ako ng mga friends ko wag nyo po ako i tag salamat
""Sa mga hindi maniniwala sa kwento ko nasa inyo naman ang desisyon""
Isa po akong ALBULARYO or maybe maskilala na ngayon sa tawag na mangagamot, nagsimula akong mag practice ng ganitong uri ng medisina when I was 17years old and now nasa 20s lang po ako masasabi ko na isa siguro ako sa mga pinaka batang albularyo ngayon. Hindi ko na ikukwento ng buo kung paano ako napasok sa ganitong larangan. Nag start ito ng may makilala ako na isang mangagamot nasa age of 40s lang sya noon naging pasyente nya ako before at dun nagsimula ang lahat.
To make story short naging kaibigan ko sya since nung nagpagamot ako sa kanya, then nakita nya yung mga palad ko non sabi nya maganda ang mga guhit ng palad ko at malaki ang potential ko pagdating sa panggagamot, at ayun nga tinuruan nya ako at mga nasa 2yrs ata na pagsasanay ko at pagpapalakas ng mga gamit at depensa eh sumalang na din ako sa gamutan.
(yung mga gamit po na tinutukoy ko na pinalakas ko muna ito po yung mga ORACION na gamit sa pangagamot dahil hindi lahat ng ORACION ay mapapagana mo ng basta basta kinakailangan dito ng matiyaga at determinasyon para maging likas ang kapangyarihan at maging parte na ito ng iyong katawan, kinakailangan mo din palakasin ang 5 senses mo o higitan pa ito yung tipong palapit palang ang isang tao alam mo kung may sapi o wala, kung kinukulam ba o hindi o sa madaling salita ma predict mo ang isang bagay sa isang tao o pasyente kung may gumagamabala ba sa kanya at kung anong uri ito tao ba ito na gaya natin o ibang mga elemento na hindi nakikita ng ating mga mata, kaylangan malakas ang pakiramdam mo sa larangan na ito dahil buhay mo ang nakataya kung magpapabaya ka sa larangan na ito.)
( Ang depensa naman po na tinutukoy ko eh yung dipensa laban sa lahat, ang mga oracion po ay may iba't ibang uri at may mga oracion na para sa depensa lang ang gamit may mga tittle din po ang bawat oracion hal. ""oracion para ligtas sa masamang kamatayan"" ""oracion para hindi talaban ng kapangyarihan ng masasama"" ""oracion para sa katawan at isipan para hindi mapasok ng kaaway"" at marami pang iba. Isa pang uri ng depensa ay ang mga tinatawag na Anting pero hindi po ako gumagamit nito, iba po ang gamit ko ito ay mga natural o galing kalikasan kung pamilyar po kayo sa mga tinatawag na mga mutya na singaw ng kalikasan. (search nyo po sa google iba't ibang uri ng mutya ng kalikasan, my article po ito sa wikang tagalog kung para saan ang mga gamit) . Higit sa lahat dapat ay mapalakas mo ang iyong naturalesa upang hindi ka madaig ng kahit sinong makaharap mo sa pangagamot.)
Nagsimula ako sa pangagamot ng mga natural na sakit, ang natural na sakit ito yung mga lagnat, nabalian ng buto, rushes, na usog or na balis/bales at marami pa basta lahat natural na karamdaman.
Hindi nag tagal nag simula na ako mag handle ng mga hindi natural na sakit, sa kwento kung ito i share ko yung isa sa mga na handle kung case about sa lason with oracion, my friend ako na humingi ng tulong sabi nya nag pa medical na daw sya pero wala naman daw sya sakit pero alam nya sa sarili nya na may mali sa sistema ng katawan nya bagsak na ang dati nyang matipunong katawan, tapos hindi daw sya makadighay rason para sumakit ang simura nya hindi din daw sya makadumi ng maayos hindi na din sya makatulog ng maayos sa gabi tapos konti lang ang kain nya busog na sya agad. Nagkita kami ng friend ko may mga kasama din ako that time pati yung nagturo sakin at ibang mga kasamahan namin na tinuturuan andun sila (iisa lang ang religion namin no to mention nalang pero open kami pag dating sa ganitong mga bagay so naganap ang gamutan sa church namin) nag simula kami ng konti nalang ang tao pinulsuhan ko ang kaibigan ko at dun palang alam ko na tao ang ang gumagambala sa kanya, mahirap paniwalaan pero may paraan kami para makilala kung sino ang gumagambala sa kanya at isa sa mga paraan ay ang tawagin ang espiritu nito at papasukin sa pasyente, hindi nag tagal at dumating ang lumalason sa kanya at pumasok sa katawan nya (sa proseso pong ito dito yung pasyente i magiging subconscious wala syang maaalala sa mangyayari once na na summon na yung gumagambala sa kanya)
Convo namin ng friend ko habang nag e'exist sa loob nya ang espiritu ng lumalason sa kanya.*siningitan ko sa pagitan ng mga daliri sa paa ng balahibo ng manok yung friend ko pero may oracion po ito na syang magpapahirap sa lumalason kung hindi sya makikipag usap ng maayos o kung lalaban sya sa akin, kapag gagalawin ko ang feathers ay sobrang sakit nito para sa espiritu ng lumalason pero ang katawan ng friend ko ay hindi masasaktan.
Ako: oh anong ginagawa mo jan?
Sya: hindi ko alam!!!!! (habang sumisigaw sa sakit)
Ako: babae ka o lalake ( gusto kung i confirm kase nagboboses babae sya tapos lalaki so inisip ko baka dalawa or maybe gay or tomboy yung lumalason hehe)
Sya: lalaki po ako tama na po masakit na po (hiyaw nya habang hawak ko parin yung feathers sa paa nya)
Ako: eh baket ganyan ang boses mo?
Sya: bakla po ako kuyaaaaaaa (confirmed hehe)
Ako: anong ginagawa sa taong to baket mo nilalason to? May kasalanan ba to sayo?
Sya: Walaaaaaaaaa naman po kuyaaaaaaa pinatagay ko lang po sya ng redhorse tapos may binulong lang po ako sa basooo
Ako: Para saan yung binulong mo oracion ba yon?
Sya: oracion po hindi ko po alam para saan galing lang po yun sa lola ko sinubukan ko lang po sa kanyaaaaa
Ako: oh sige alisin mo na ang bisa nan ng maging maayos na ulit tong tao na to
Sya: Opo kuyaaaaaa patawad na po hindi kuna po uulitin promise!! Hirap na hirap na po ako paalisin nyo na po ako
Ako: sige basta mangako na aayos na ulit itong tao na to, at hindi kana babalik dito para gambalain sya
Sya: Opo kuyaaaaa promise po*at pinaalis ko na ang espiritu nya, tapos nawalan ng malay yung friend ko hinayaan lang namin sya.
Maya maya bumangon na sya at nagtataka baket daw sya nakahiga na sa lapag ano daw nangyari
Hindi ko pala nasabi nag video kami habang ginagamot sya kase 1st time nya sasabak sa ganitong gamutan so para hindi mahirap i explain yung nangyari.
So ayun pinapanood namin sa kanya yung video then nagulat sya at hindi makapaniwala wala daw syang maalala sa mga sinabi nya sabi nya pati daw yung boses nya iba nakakahiya at boses bakla daw
Afrer nya mapanood binura namin yung video hindi naman kase namin ginagawa to for entertainment eh
Ginagawa namin ito para makatulong at wala din po ito bayad libre po kaming nangagamot.Tinuruan din namen sya kung paano kontrahin ang lason at paano nya ito mailalabas.
After a month nagkita kami ulit nung friend ko malakas na ulit sya at matipuno na ulit ang katawan then sabi nya natatandaan nya daw kung sino yung nagpatagay sa kanya ng redhorse tapos nakasalubong nya daw isang beses todo iwas daw sa kanya.
*Akala siguro nung beki para sa gayuma yung oracion hindi nya alam para sa lason, at sabi ko nga po kanina iba't iba uri ng oracion nagkataon na hindi nya alam ang tittle nung ginamit nya kaya nakalason sya ng ibang tao ang lason po kase na oracion ay eto po yung ibubulong sa pagkaen or inumin tapos kung sino man kumaen o uminom non ay magiging lason sa katawan nya na hindi ilalabas ng katawan mo sa paraan ng pag dumi o pag ihi, hindi din po ito nakikita sa medical, so unti untiin nito ang katawan mo at sa paglipas ng panahon ay pwede mo ito ikamatay.
Hanggang dito nalang po muna ang i share ko sa inyo, nag confess po ako dito dahil gusto ko po makatulong,sa mga naniniwala dito gusto ko po magkaroon kayo ng idea how modern albularyo exist
Sa next confession ko ang dark secret ng mga manggagamot KUNO ang sasabihin ko, kung paano ito nagiging isang negosyo at nagiging kaawa awa ang mga biktima nito.
Sana po ay lagi tayong mag ingat, pabata na po ng pabata ang mga nag aaral ng pangkukulam at ginagawa nila ito sa kapwa kabataan nila ng walang malalim na dahilan, pwedeng inggit or ayaw lang nila sa inyo. May naabutan ako dating pasyente nung nag turo sakin kinulam hanggang mamatay nasa age of 14 or 15 yung kinulam at kumulam ang reason lang ay tinalo sa dota yung batang kumulam kaya nya kinulam yung kalaban nya at nagpatulong pa sya sa mga magulang nya.
(Secrecy)Xxl
OMEN
LAGUNA📜Spookify
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
KorkuAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.