Galit sa mumu

53 1 0
                                        

Back in 2012, we went sa Shenzen. Nag stay kami sa Green Tree Inn and okay naman pero dahil peak season we had to move to another hotel after one night. Yung nilipatan namin old hotel siya. Unfortunately, di ko na maalala yung name. May convenience store sa tabi at walking distance lang McDonald’s.

We had three rooms. Lahat may living room then bedroom na may 2 beds. Ang ka share ko ng room is tita ko. Tabi tabi lang naman rooms namin. At first natuwa ako kasi ang spacious pero may gut feeling na ako na pagdating ng gabi di ako matutuwa. Haha 🥲

Nag shopping kami during the day at pagbalik hotel tulugan na usually since late na late kami bumabalik pero may uneasy feeling talaga ako na kahit antok at pagod ako ayaw ko pa matulog. Pumunta ako sa room ng brothers ko to kill time. Nanood kami tv until midnight I think. Mag sleep na sila so need ko na bumalik sa room ko pero andun pa rin yung uneasy feeling ko. Hindi naman ako takot but nattrigger yung fight or flight instincts ko 😆

Well, wala karapatan mag inarte kaya nagmadali na ako matulog. Nakatulog naman agad ako but of course, always tama ang gut feeling. Madaling araw nagising ako kasi feeling ko may nakatingin sakin. Pagmulat ko meron nga shutaena. May nakatayo sa foot ng bed ko at nakatitig sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip ko that time (or baka hindi kasi ako nagiisip?) at nakipagtitigan pa ako sa kanya. Matapang siguro ako or pagod lang kasi tinalikuran ko lang siya para bumalik sa tulog at nakapagsabi pa nga ako na “Wag mo na ulit akong aabalahin.” Hahahaha iba rin kapal ng mukha ko!

The next day maaga gising kasi shopping ulit at gala. Yung cr nung room sa labas nun may katapat na mirror at kahit pa out of the country maarte pa rin ako so nag blower ako at plantsa ng buhok ko dun. Yung tita ko nasa living room lang nagliligalig na siya na ang bagal ko 🤣 habang nagmamachine gun bunganga niya bigla ko naalala yung katitigan ko nung gabi. Iniisip ko if totoo ba yun or panaginip lang. Syempre si miss ma’am sumagot naman. Dumaan siya sa likod ko to confirm na oo pinapanood nga niya ako matulog nung gabi. Eh NR ako kahit nakita ko naman talaga siya dumaan bumalik tuloy siya at dumaan ulit haha sabi ko na lang “oo na, p*ta”

Hanggang sa matapos stay namin dun di ko na lang siya pinapansin kahit ang ksp niya padaan daan lagi.

Hindi siya first nakatitigan ko kasi tuwing maaalimpungatan ako masungit ako kaya pag may something imbis matakot ako, ako pa talaga galit na nagising ako. Kwento ulit ako next time as my entertainment tax 😘


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon