HOSPITAL!
way back 2005 eto yung time na lage naka confine fathers ko sa sakit nya (kidney) eto din ung time na kahit c doc naniwala sa mga elemento alam naman natin na hindi talaga sila naniniwala sa mga ganyan..
so eto ang nangyare..
naconfine father ko sa hospital na toh dahil nga sa sakit nya since ako ung pangalawa sa matanda sa amin ako ang bantay tuwing gabe.. yung time na bantay ako nagulat ako at ung nurse ay sumigaw sa takot katabeng room lang namin un pinangalingan nung nurse. so ako naman nagtaka din at sumilip ako kasinopen naman ung pinto ng kwarto na un.
at nagulat din ako sa nakita ko ung naka confine pala dun eh nasasapian nang ligaw na kaluluwa kitang kita ng mata ko na umaangat ung katawan ng babae dun sa kama nya. agad ako bumalik sa kwarto namin kung nasa naka confine ang father ko. at nagulat na lang ako ng sabihan ako ng father ko na tulungan ko daw since alam naman nya na kaya king tulungan un..
medyo may pag aalinlangan pa ko nun tumulong kasi nga ang iniisip ko may sakit ang tatay ko baka gumanti sa amin. so eto na nakita ko bumalik ung nurse sa room na un at kasama ung doctor at nung nakita din nung doctor un nangyayare eh nagulat din sya at natulala sa takot. at yun naman ang pag pasok ko sa room na un d ko makita kung anong klaseng nilalang ung sumasanib dun sa babae kaya ang ginawa ko pinakuha ko ng salamin ung nurse agad naman tong kumuha ng salamin.. at un nga nakita ko isang lalakeng maligno ang nakita ko pilit nyan inaangkin ung babaeng pasyente. at sinabihan ko un magulang nung pasyente na babae na kumuha agad ng tangkay ng halaman na may tinik at magdala ng maliit na bote na ang takip ay kahoy..
habang ung mga magulang nung babae ay wala kame ng nurse at doctor ang naiwan dun sinabihan ko ung nurse pumunta sa kwarto ng tatay ko at dun muna sya magbatay kame ni doc ang naiwan hawak hawak ko ang noo nung babae para hindi toh mag wala.. after 30 min bumalik ung magulang nun babae at dala ung pinakuha ko.. dun ako nag simula na ikulong sa bote ung maligno na sumasanib dun sa babae at habang ginagawa ko un eh pilit ako kinakalmot nung babae at nagsasalita na eto na boses ng lalake at sinasabe wag akong makialam at pag mamay ari nya daw un babae.. un nga nagawa naman namin toh katulong ko ung doctor at pinatapon ko sa ilog ung bote..
at ung nga kinabukasan pinuntahan ko ung kabilang kwarto at nakita ko naman maaliwalas na mukha nung babae at nung tinanong ko sya kung anong ginawa nila bakit nasapian sya nag simula daw un nung nag camping sila at naisipan mag laro ng spirit of the glass un una ang akala nila walang mangyayare pero kinabukasan pag uwi nila na umpisa na ung babae sumuka ng itim na likido kaya dinala nila sa hospital.
at sumunod na araw pinuntahan ako ng doctor na nakasama ko dun sa oag kulong sa maligno sinabihan ako g doctor na wag ipagsabe sa iba ung nangyare dahil makakasira sa reputasyon nila.. pero etong doctor na toh naging family doctor na namin.. kaya doc kung nababasa mo toh at na dito ka alam mo kung sino ako. hehehehe sensya doc mas ok malaman ng iba ma hindi basta basta ang magtawag na kaluluwa baka iba ang matawag..
hangang ngaun din c doc kapag may pasyente sya na kakaiba ung sakit tinatawagan at pinapapunta nya ko sa hospital para tignan toh..
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.