GUIMARAS

89 2 0
                                    

GUIMARAS
(Another not so scary real life experience)

April 2011 Holy Week ng nagkayayaan mga ate ko sa teatro na mag spend kami ng Holy Week sa Guimaras, naaalala ko sabi ko sila na lang kasi wala akong pera. No problem daw, 500 all in 3 days 2 nights, hindi na masama since galing naman kami Bacolod so mejj malapit lang, plus nagyaya eh kuya alumni namen na may kakilala naman dun.

So yun na nga, from Bacolod tawid na kami sa Iloilo sakay ng fast craft, then from Iloilo tawid naman ng bangka pa Guimaras, sa isang dinedevelop pa lamang na resort na kakilala nung Kuya Alumni namen.

Ang ganda ng Guimaras, white sand, clear waters, presko hangin, at mapuno rin, parang nasa island kami na may hill. Sa gitna ng hill so paakyat ng onti andun yung cabin ng may-ari, at since may bisita rin sila that time at dinedevelop pa nga lang yung resort, napagpasyahan ng mga kasama ko na mag camp na lang sa baba, sa sementado na part near the beach. Bali kami lang yung tao dun sa baba, since wala pa nga yung resort, wala rin caretakers na tumutulong samen since andun naman yung may-ari sa may hill.

Keri naman, ang saya namen, island hopping, pictorial, swim with the pawikans ganern.

Nung first night, time na magbanlaw after swimming, dun kami sa poso near sa tents namen naliligo, may sampayan sa may likod, malapit sa mapuno na area. Nakasampay na mga towel namen and pampalit na damit.

May onting ilaw na rin sa paligid. Tawanan lang chikahan habang naliligo sa poso, nang may bigla akong mapansin na sumisilip mula sa sampayan, alam kong nakatingin sya samen, kita ng peripheral ko eh. So nilingon ko and biglang may malakas na hangin, at ayun nga, wala na sya. So kiver ligo ligo pa din.

Then nung gabi na, shot shot na mga kasama ko sa gitna ng bonfire, malapit sa beach. Ako lang hindi uminom kasi under 18 pa ko nun plus ayoko talaga ng alak.

2 tents lang dala nila, eh dahil 9 kami lahat, sa 1 tent yung 1 couple, 3 girls naman sa other tent, since nauna natulog mga may amats sikip na sila sa tent so kami ng isang gay kong kasama, sa labas lang ng tent nila pumwesto, latag lang kami ng banig. Out in the open.

Sa may baba naman ng sementado na part kung saan kami nagka camp ay shore na, at may 2 bangka na dun naka park. (Wow, park! 😅) Dun natulog si kuya alumni plus kasama nya.

Since lahat sila may amats, antok na sila, ako naman hindi pa antok so nag stargazing na lang ako while nakahiga sa banig. As in clear sky, ang daming stars, may signal pa at nakapag status pa nga ako sa FB that time (see screenshot below).

Madaling araw na nun, humihilik na mga kasama ko nang may bigla akong nakita while stargazing. Isang napakalaking ibon ang umiikot samen or sa whole isla I suppose. Gandang-ganda pa ko, naa-amaze sa paglipad nya. Grabe rin ang laki nya. As in. Tas yung tunog nya, WAAAAK, WAAAAK, WAAAAK! Ikot lang sya nang ikot, while flying, then ang laki laki ng wing span nya. Akala ko pa nga eagle eh. 😅

Ginising ko yung kasama ko sa banig, sabi ko tingnan mo ang laki ng ibon teh! Tas naalimpungatan sya, sinuot nya glasses nya, umiikot pa rin kasi yung ibon samen banda. Ang laki nga raw!

Tas nung narinig na nang kasama ko yung sounds na "WAAAK, WAAAK, WAAAK," napasabi na sya na "ay teh, hindi yan ibon, aswang yan, alert na tayo!" So nakipag siksikan na lang ako dun sa maliit na tent with 3 girls, nakakuha pa ko ng twig (weapon ko sana 😂) then sya naman dun na sa bangka sa baba natulog. Mahirap na daw kasi kita nung aswang from taas na easy target kami, nasa out in the open. Haha! Yun di na ko nakatulog sa loob ng tent, nakikiramdam na lang.

The next day, wala naman na nangyaring kakaiba then nung naikwento namen sa mga kasama namen, nakiusap na lang sila sa may ari na dun na kami matulog sa cabin for our 2nd and final night.

Then naalala namen yung first day na naghanap sila mabibilhan ng additional alak and yosi, ang haba ng nilakad namen dun sa barrio sa isla. At syempre dahil mga "turista," parang ang sama ng tingin samen ng mga tao. Hindi welcoming, ganern. Sabi nila baka nga taga dun din yun at nakaamoy ng dayo.

Yun lamang po. Salamat sa pagbabasa. Go na sa Guimaras! Ganda dun promise! 🏖



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon