Just want to share my recent hotel horror stories bago ko makalimutan 😂
Born in QC pero dito ako sa Samar lumaki. Two weeks ago pumunta ko sa Cubao, QC for some particular appointment for 1day. Naghanap ako ng Hotel na malapit sana sa Meeting place ng pupuntahan ko.
Nagstay ako sa Hotel na ito sa Cubao kasi super cheap nya tsaka may complimentary bfast na din at makakatipid na ako ng kunti. Stayed there for 4days. Kasi kakapagod magbyahe pauwing samar ulit.
After staying there for 2days nagsimula na akong nakaramdam na medyo creepy na yung mga hallway. 2nd floor ako nakabook. Nung 3rd day ko. 2am to. May kumatok sa door ng room ko. Since nakabukas ang TV tsaka may kausap ako sa phone nung time na yun. Sabi ko “Ah baka hindi sa pinto ko. May tao na yata sa kabilang room”. Kaya nagkibit balikan ako. Nung pang 4th day ko na. Maya-mayang magpo-4am na ganun ulit. Narinig ko nanaman yung katok. Nung pinahinaan ko na yung TV sa room para pakinggan kung sa Area ko ba talaga, tumayo na ako. Nung tipong bubuksan ko na yung pinto may humagikhik na bata. Imagine-nin nyo nalang. Yung parang 4yrs old na bata yung tawa nya na parang may kasama pang palakpak. Nung binuksan ko yung pinto. Wala naman tao. Kibit-balikat ko lang nanaman.
So 5am na. Palabas na din ako ng hotel nito for 11am. Nagready na din ako naligo na kasi kailangan ko umalis ng maaga, bobook pa ko ng ticket pa-Samar. So Since nasa 2nd fl lang naman ako. Bumaba ako sa GFloor para humingi ng mainit na tubig sa receptionist tsaka sanay na din ako sa kanila kasi 4days na ako doon. Kaya umupo muna ako sa baba at nakipagusap kay ateng staff. Sabi ko “Ate, may tao na pala sa katabi kong room? Ang kulit pa naman nung bata kumakatok sa room ko.”
Kitang-kita ko yung paglaki ng mata ni Ate sabay sabi “Ano ma’am? Bata? Ano pong bata? Simula po nung nagcheck-in kayo. Kayo lang po yung tao sa 2nd floor”Putcha nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi muna ko umakyat hangga’t wala akong nakikitang araw. Hahahahah Nung kukunin ko yung bags ko sa loob ng room nagpasama pa ko sa Staff. haha Bago ako umalis sabi ni ateng room service staff “Maam pag nagreview po kayo sa hotel, wag nyo nalang po isama maam ha” Alam ko na agad sinasabi nya kaya hindi ko na sasabihin anong hotel to. HAHAHAHAH
What’s your hotel creepy stories?
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.