Venetian Blinds

43 1 0
                                        

Venetian Blinds

Hello Spookify! I'd like to share a story that happened many years ago. I think nasa grade 6 or 1st year HS ako noon.

Sabado ng gabi, gising pa kami ni Mama kasi nanonood kami ng isang palabas sa TV. Kung tama pagkakaalala ko "Rave" ang pamagat.

Kung i-de-describe ko yung arrangement ng sala namin that time: parihaba yung espasyo ng sala; may salaming mesa sa gitna; may mga upuang nakapalibot sa gitnang mesa, pwera sa isang bahagi kung nasaan naman yung TV. Kung nakaharap ako sa TV mula sa upuan sa likod, nasa kaliwa ko yung mahabang upuan na kasya hanggang 4 na tao, at nasa kanan ko naman yung 2 single-chair, kung saan andoon iyong bintana.

Nasa mahabang upuan si Mama and right across her, dun naman ako sa isa sa 2 single-chair. Natatakpan ng nakasarang Venetian blinds yung bintana namin. May grills yung bintana na naka-outset kaya kapag nakataas yung blinds pwede kang maupo doon.

So heto na nga, mga bandang 10:30pm na iyon kung tama pagkakaalaala ko. Nasa parte na kami ng palabas na pinapanood namin, kung saan sinugod na ng mga pulis yung bar na may mga teenager na nagpa-party, dahil may binebentang "ecstacy" drugs. Walang warning o kung anuman, bigla na lamang gumalaw yung Venetian blinds at may kamay akong nakita na mula sa gitnang bahagi, at parang pinaglaruan na iginawi pababa hanggang tumama yung kamay kung saan natatapos yung bintana; after 3 seconds biglang hinugot palabas yung kamay.

Nagulantang ako at hindi ko alam kung paano ko natalon yung salaming mesa papunta kay Mama.

Hinablot ko yung wooden stick (gamit ni mama sa pagtuturo) na nasa mesa, lumapit ako sa bintana at pinukpok ko ito. Itinaas ko yung blinds at laking gulat ko kasi andun lang sa may malapit sa bintana sa labas yung mga aso namin. Gising sila pero hindi tumayo. Para silang takot at di makagalaw.

Lumabas ako dala yung stick at flashlight. Naka-lock yung gate namin. Di pa din gumagalaw yung mga aso. Wala akong nakitang tao o bakas na may tao sa paligid. Nagising din si Tita sa kabilang bahay at tinanong ako kung anong nangyari.

Pagbalik ko sa loob sinabi ni Mama na nakita niya rin daw yung kamay. Nakita din namin na nasira yung bahagi ng blinds kung saan pinaglaruan nung kamay. Dinescribe ko kay Mama yung kamay: parang madumi yung kuko, hindi naman mahaba, hindi ko sure kung maputi, pero hindi naman maitim, pero alam ko na pang-matanda kasi paramg kulubot yung balat. May mga lupa din na parang kakatapos lang mag-garden.

Kinaumagahan, may mga kamag-anak kaming bumisita, para ibalita na namatay yung isa kong Lolo. After a few days, sumama ako pagpunta sa lamay. Pinilit kong silipin yung kamay ni Lolo. Hindi ko masyadong makita sa loob ng kabaong.

After ilang years, nagkaron ako ng chance na may makausap ulit tungkol sa nakakakilabot na pangyayaring iyon. Nasa bahay ako ng isa kong kaibigan. Habang nagkwekwentuhan kami, dumating yung kaibigan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa kwentong kababalaghan, pero na-share ko sa kanya yung tungkol sa experience ko dati.

Sabi niya, may kakayahan raw siyang makita yung nakaraan ng isang lugar sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay, o kaya sa paghawak sa kamay ng isang taong nakatira sa lugar na gustong malaman ang kwento sa likod nito.

Hindi pa siya nakakarating sa bahay kahit kailan pero nagbigay siya ng mga palatandaan at lahat ito ay sapul.

Mas lalo akong naging interesado sa sasabihin niya tungkol doon sa kamay na nakita namin ni Mama. "Hindi iyon kamay ng Lolo mo." Ipinaliwanag niya na kamay daw iyon ng isang matandang babae. Nagalit daw kasi parang naingayan. Tinanong niya ako kung naaalala ko pa raw ba yung ginagawa ko nung time na iyon. Sabi ko naman nanonood lang namang kami ng TV ni Mama. Pero biglang pumasok sa isip ko na hindi ako maayos na nakaupo sa upuan, bagko inuuga-uga ko ito. Napagsabihan pa nga ako ni Mama na tumigil at baka masira yung upuan. Kung uupo kasi ako ng maayos, baka naman magka-stiff neck ako kasi nasa kanan ko yung TV, kaya dun ako sa arm nung chair umupo, nang sa gayon ay makakapanood ako ng maayos.

Hindi ko alam kung totoo ba iyong ipinaliwanag sa'kin, pero alam kong totoo yung kamay na nakita. Buti sana kung ako lang nakakita, at baka maging skeptical pa ako, pero nakita din kasi ng malinaw ni Mama. Pareho kaming stupefied nung time na iyon.

-JRL from Bicol





📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon