Lido Beach Kalye

32 1 0
                                    

So this is another story from my OB tita and feeling namin may connection to sa napagusapan na kalye pa Cavite City, Lido beach kalye.

Galing siyang DG, hospital sa labas ng CC. Kakatapos lang magpa anak at siya lang magisa nag ddrive pauwi, almost 4am na daw ito. Habang palapit siya din sa Lido Beach nanlalaki na daw ulo niya. If alam niyo yun, masikip pa ito dati. Makikita mo may asinan dun sa daan. May part ng asinan na feeling niya may kumakaway sakanya, pero bilang taga CC, alam niya ang protocol, busina at bright sabay ikot ng rear view mirror para di mapatingin sa likod.

Nakalagpas na siya and nawala na daw ang panlalaki ng ulo niya. So nawala na sa isip niya ang naramdaman niya. Nakarating na siya sa bahay nila and wala na magbubukas ng gate dahil yung “boy” nila, tulog na pati mga yaya. So di niya na pinark sa loob ang kotse niya dahil pagod na nga din siya. Hindi covered ang gate nila, so normal siya na parang bakal na lines lang, yung usual gate ng bahay na kita mo padin ang labas. Pag kasara niya ng gate napatingin siya sa taas ng kotse niya, may nakita siyang big dark entity na naka upo na parang asong malaki sa taas ng kotse niya. Sinubukan niyang pumikit pag dilat niya nandun padin at nakatingin na sakanya. Sumigaw siya at tumakbo papunta sa pintuan nila. Habang kumakatok siya sa pintuan nila (di niya na mahugot ang susi sa bag niya sa sobrang takot), nakapikit lang siya habang kumakatok at sumisigaw. Napatingin daw siya ulit perp nawala pag lingon niya sa dog house ng German Shepherd nila, nandun na daw yung big dark entity. Hanggang sa nag double time daw katok niya at nakapasok na siya ng naiyak di daw makapag kwento hanggang sa nakatulog nalang at pag gising niya saka siya nakapag kwento.

Mainit ang mata nito kaya meron pa akong last kwento from her. Pero bukas nalang na haha



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon