SHE'S WATCHING US

21 0 0
                                    

SHE'S WATCHING US

Nung gabi na yon ay nanunuod kami ng TV and that day was weeks before Halloween. May paparating daw na bagyo that time so maulan na talaga nung gabi na yon. Nasa sala na kaming tatlong magkakapatid kasi tapos na kami kumain, and ang palabas na kasi non ay KMJS so syempre kakatakutan na ang palabas kaya tabi-tabi na kami sa sofa.

Ang pwesto namin ay nakatagilid, yung TV is nasa gitna tapos yung nasa harapan namin ay open window pero may mga kurtina naman siya, tapos sa right side naman namin siguro 3-4 meters ang layo kwarto na nila mama. Yung pinto ng kwarto nila mama ay kurtina lang kasi kami kami lang naman sa bahay, yung ayos ng kurtina ay nakasampay lang siya sa left side ng pinto tapos may konting butas lang.

Nanunuod na kami non, as usual gitgitan kami sa upuan, nasa gitna ako ng kapatid kong babae at lalaki, yung lalaki yung nasa malapit sa TV which is sa left side and yung babae naman ay yung nasa right side ko which is yung malapit sa kwarto nila. Nagsisimula na yung mga palabas sa TV, ilang minutes non ay kinalabit ako ng kapatid kong babae tapos sabi ko bakit ba, tapos tinignan ko siya, sabi niya,

“Atem, may nakita akong babae sa pinto ng kwarto nila mama, nakasilip.”

Tapos ako naman syempre tinignan ko naman agad and I saw nothing, tapos sabi ko tinatakot mo na naman sarili mo. Tapos maya maya, nanuod na ulit kami, naulit na naman yon pero that time medyo nanginginig na siya and ako naiinis na kasi wala naman ako nakikita, ang nakikita ko lang TV at yung lakas ng kidlat from the outside, sabi ko,

“Lubayan mo na, manuod ka na lang.”

Tumigil siya ng matagal tapos maya maya nagsalita na siya, di na niya ko kinalabit, nagulat ako kasi kitang-kita ko sa mata niya yung takot at kaba, sobra na yung panginginig niya sa takot, sabi niya,

“Ate, tingnan mo yung nasa kwarto nila mama, nakakatakot.”

Tapos naiiyak na siya and syempre ako tiningnan ko na, and this time napamura ako sa isip ko nung nakita ko yung babae, as in raw fresh na fresh sa paningin yung mukha niya. Malaki yung mukha niya na kulay white tapos m@l@ki yung mata niya na kulay red tapos yung bibig niya nakanganga na kulay black. That time natulala ako as in tapos dahan-dahan siyang nagtago, and pati ako natakot ng sobra.

Sinabi namin agad sa kapatid kong isa which is yung lalaki kong kapatid na nasa left side ko and wala siyang nakita na kahit ano. That time di na namin tinapos yung palabas, pinatay namin agad yung TV and tumakbo kami sa kwarto nila mama at ginising sila. Kinuwento namin yung nangyari at kitang-kita sa mukha nila yung pag-aalala and then lumipat na kami sa kwarto namin at tabi-tabi kami natulog.

I don't care if maniniwala kayo o hindi pero what I saw is real. Di kayo maniniwala kasi di pa kayo nakakakita pero swear, nakaka-freeze pag nakakita ka na. Marami pa kaming horror stories sa bahay, na sa dami ay halos naging normal na lang sa min. Yun lang, sana maganda tulog niyo ngayon.



📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon