Nag work ako sa isang BPO for straight 11 years sa awa naman ng diyos I got promoted after 2 years, na promote ako as Workforce Management Analyst.
Ipaliwanag ko lang kung ano ang function ng WFM sa BPO setup. Sa amin tumatawag ang mga agents na malalate, magaabsent Inexplain ko lang para sa mga di po taga BPO.
"Ang call in"
So ito nga, mga December 2014 nangyari to..Sa account na handle ko pag merong di papasok na agent trina transfer namen yung call sa TL Or sa kahit kaninong officers on shift sa floor.. so nakatanggap ako ng call sa isang agent na nagpapaalam na di daw sya makakapasok.. so trinasfer ko Yung call sa TL on shift.
Me: Hi Tl may call in po
Tl: anong name ng agentPag sabi ko nung name ng agent nagtaka yung tl na kausap ko, sabi nya Franco hindi nyo pa ba alam namatay na si agent kanina papasok sya dito sa office na hit and run sya.
Magkahalong sadness at pagkatakot ang naramdaman namen ni TL. Hello kame ng hello sa line wala talaga. Di ako makausap ng maayos nung araw na yun at nag early out ako nagpaalam ako sa manager ko.
Super sudden death nung nangyari na yun dun sa agent kaya siguro ganun..di ba sabi nila pag mga sudden death na ganyan di pa nila alam na patay na sila.. gingawa parin nila yung mga daily activities nila.
Sabi din nung mga teammates nya minsan parang nakikita nila sa loob ng floor.
Sad and creepy.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.