PAMILYA
Hello po silent reader ako dito sa spookify since 2016. real account ko rin po ito. at wala akong pinalalagpas na story dito lahat binabasa ko 🤣 kaya sana po mapost itong personal experience ko. 😁. living somewhere here in Las Piñas City. Yung kinatatayuan ng bahay namin ay pamana pa ng great grandmother ko.
eto na nga. long post ahead 😁
Yung nadatnan kong bahay year 2001 ay makalumang style. 2 storey lang sya pero malawak ang terrace at mayron ding area ng aparador na kung saan lagayan ng mga punda. yung lugar na yun ay madilim or tahimik na lugar ng bahay.
Year 2016, pinarenovate yung bahay. naging 3 storey na sya. maliliwanag na kulay yung ginamit na pintura. napapadalas rin po yung mga kababalaghan nung bagong lipat palang kami. gabi gabi may naririnig kaming babae na humahagulgol sa mismong corridor ng mga kwarto. at may punto pa na sa pagtulog ko ay sinasakal nya ako. siguro 3x yun nangyari. yung pinaka worst ay sobra ang dagan nya sa tyan ko at sinasakal nya ko ng sobra. bigla akong nagising na namimilipit yung katawan ko kumbaga parang totoong may sumakal sakin at nilalabanan ko sya. at pawis na pawis ako nun kahit na malamig naman sa kwarto ko. nangyari din yun sa kasambahay namin na sinakal din sya sa pagtulog. (Ps: nung ginagawa palang yung bahay yung construction workers dito na sila natutulog sa site kung saan nagpaparamdam din sa kanila yung babae)
Ff. nung ginagawa palang yung bahay bukod sa babae na humahagulgol, between 1-2am nakarinig daw sila ng bata na tumatakbo na parang naglalaro sa may bakod ng bahay. kinaumagahan, tinanong nung isang worker kung may bata kami. knowing na walang bata sa family namin at alanganing oras nila nadinig. ff ulit. year 2017 nag aalmusal kami nun. yung dining namin may katapat na bintanang malaki. 5am na nun. bukas na rin ang bintana bali 3 kami na nakain, mother ko at lola ko at ako. ako yung nasa gitna or nasa tapat mismo ng bintana. dito ako 1st time nakakita. nakita ko na may dumadaan na bata. kitang kita ko yung bunbunan nya at ang buhok nyang itim. at sya ay batang lalaki. dahan dahan pa sya sa paglakad. sinundan ko sya ng tingin. pero nawala na dun sa sumunod na bintana. (ps ulit, nagtatalo that time yung lola ko at mama ko nang biglang dumaan yung bata dahilan na nanahimik sila bigla) walang pwedeng panggalingan yung bata dahil mataas ang bakod namin at marami kaming aso. at wala talagang bata sa pamilya namin. and here's our convo that time
ako: may nakita akong dumaan na bata
mama ko: ako rin
lola ko: nakita ko rin
babalakin ko sana silipin sa pinto. pero natakot ako HAHAHAHA.
ff. sa bahay namin madalas kami makaramdam na may ibang presence even morning, afternoon or evening. pero parang nasanay nalang kami na may halong takot.
year 2021, may nakita yung lola ko na may pumasok sa isang kwarto dun sa 2nd floor, lalaki daw at matangkad at mapayat. sinundan nya daw yun at pagpasok nya sa kwarto ay kinalibutan daw sya at lumaki ang ulo nya. sinabi nya yun sakin pagbaba nya at bakas pa sa mata nya ang takot at talagang nananayo ang buhok nya. maiksi lang ang buhok ng lola ko at talagang tirik ang mga to nung oras na yun.
napag uusapan rin namin tuwing free time sa sala ang mga nangyayari or nararamdaman namin sa bahay. napupuno ng mga tanungan na " bakit kaya ganun?" " baka gusto lang nila ng dasal"
Year 2022, ang himbing nang pagkakatulog ko. sa panaginip ko, may nakita akong isang babae na sobrang puti at maganda. yung damit na suot nya ay saya at literal na makaluma, nakita ko rin ang maraming tao sa likod nya na may mga baril at maputik ang lugar. maya maya pa may nakita akong mag ama. isang batang lalaki ang hawak nya at maputi silang dalawa. mapayat ito at parang nakasando lang at naka pantalon. kapareha sa suot ng batang lalaki. napalinga ako sa lugar. at alam kong ayun yung lupa na kinatatayuan ng bahay namin. maya maya pa nakita ko ang isang napalaking puno. at nabigla ako sa nakita ko. dahil yung nakita kong babae, at yung mag ama ay nakabitay sa puno napapagitnaan nila yung bata. sa pagkabigla ko, bugla akong nagising. natulala ako at doon ko napagtagpi tagpi yung mga pangyayari. malinaw na isa silang PAMILYA. sa tancha ko ay matagal ng panahon yun dahil sa kasuotan at sa mga taong pumatay sa kanila. sa tingin ko ay hindi matanggap nung babae yun na palaging nagpaparamdam samin at humahagulgol. sya lamang ang madalas nagpapakita sa panaginip ko minsan ay galit, minsan ay masaya or minsan nman ay sobrang lungkot. minsan sa panaginip ko, nakakausap ko sya at palangiti sya. napakagandang babae dahil mestiza.
year 2022 din nubg parang pinagtripan nung bata yung mama ko, ramdam daw ng mama ko na may sumampa sa kama. nung akmang sisilipin nya dw ito ay biglang dinaganan daw yung unan na nakapatong sa ulo nya. naaninag nya daw yung bata at lalaki daw yun. paulit ulit nyang binigkas ang "jesus name" at nawala daw itong bigla.
Last week po nakapanaginip ako ng madre. wala syang muka, at bigla nyang sinabi sakin na " sumunod ka sakin" bigla itong gumalaw at nakita kong nakalutang sya. nung susundan kona sya, bigla akong hinarangan nung lalaki. opo. yung lalaki sa PAMILYA. napatigil ako. at bigla akong nagising na parang ginulat ako. dahil sa lalim ng panaginip ko ay ganun ako kadali nagising sa pagharang nya.
bago ako matulog ulit, nagdasal ako. madasalin po akong tao at mula sa religious family.
Kinabukasan, naulit yung panaginip ko. yung madre ulit. at sinabi nya ulit na " sumunod ka sakin" wala sya talagang muka. napaliwanag lang ng muka nya. akmang susundan ko sya at sa unang hakbang ng paa ko, bigla ulit hinarang ng lalaki yung kamay nya at bigla ako ulit nagising.
napuno ng tanong ang ulo ko, sino nga ba ang PAMILYA samin? sila ba ay savior, o masamang espiritu?
tuwing may bisita pala po kami or bagong tao na dumadalaw samin, parang may spirit sa bahay namin na pag alam nilang hindi maganda ang intensyon nun ay nagpaparamdam sila.
yung babae po sa PAMILYA ay mula 2016 ay nagpaparamdam samin dahil sa pag iyak nya sa corridor ng mga kwarto at nagpapakita sa panaginip ko.
yung bata sa PAMILYA ay nagpakita rin samin nung umaga na nagtatalo sa hapag yung lola ko at mama ko. at biglang natapos ang pagtatalo.
at ang lalaki sa pamilya na parang tahimik lang pero parang bantay sa 2nd floor namin at humarang sakin sa panaginip ko nung pinasusunod ako ng madre dahilan para magising ako at hindi makasunod sa madre na walang mukha.
ps. po naisip ko nung sinakal ako nung babae sa pagtulog ay sinabi nta sakin ng pagalit na " inagaw mo yung mahal ko!!" knowing na wala po akong nagiging boyfriend pa at wala pokong nilalandi or ineentertain na lalaki.
pero sila po yung PAMILYA na kasama namin dito. napag alaman ko rin sa lola ko na may puno dati ng aratelis sa gilid ng kinatatayuan ng bahay namin at ayun yung malaking puno na kung saan pinakita sakin nung babae sa panaginip ko na nakabitay sila.
-bstm studs ng las piñas 🙃
📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)