Iba naman to mga kaTHS hindi travel and hindi naman horror pero nakakapagtaka lang hehe. Trip ko lang magkwento kasi natutuwa ako andami ko nababasang mga bago ngayon hehe. Anonymous muna ulit sana maapprove.
Medyo matagal2 na nangyari to around feb or march this year. Naalala ko lang kasi may nabasa ako dito na nagigising ng 2 or 3am, pero itong sa amin is hindi naman panaginip.
Around 12mn yun naalala ko kasi nagcheck ako ng time sa cp ko nagising kami magasawa dahil sa kalansingan ng mga barya sa sahig, so lumabas asawa ko, yun pala nalaglag ang bag ko na nakapatong sa upuan. Eh tulog na kami lahat and nasa loob na ng kwarto yung aso namin. Imposible din hangin kasi sarado mga bintana and hindi basta2 malalaglag yun kasi medyo mabigat and may mga gamit sa loob and maayos ang pagkakapatong.
Nagtaka talaga kami hindi ko na din macheck kasi di hagip ng cctv yung part na yun ng bahay. Wala naman nawala and thank god wala naman nakapasok na ibang tao kasi inikot na ng asawa ko buong bahay (note maliit lang bahay namin hehe but may katabi kaming malaking puno ng narra).
So gumawa nalang ng theory ang asawa ko paano malaglag yung bag para di na magisip pa baka hindi ko daw pinatong ng ayos pero ako tong praning kasi imposible talaga malaglag sya magisa na walang nakasagi and anong oras pa ako dumating galing sa office 5 or 6pm antagal naman bago malaglag kung hindi maayos ang pagkakapatong 😅.
Anyway, 7 yrs na kami dito sa bahay namin minimal lang na mga paramdam naexperience ko and ito yung last. Before iba naman nalaglag picture frame and same picture frame lage kaya nagkanda basag na and take note wala po daga dito and tuwing umaga namin nadadatnan na nasa sahig na yung frame na yun 🙃
-elc
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)