Boracay Hotel

15 0 0
                                    

Just want to share yung pinakacreepy experience so far (tbh, wag na sana madagdagan since matatakutin talaga ako hehe).

We decided to celebrate my baby’s 1st birthday sa isang hotel sa Boracay Station Zero. 5D4N kami nagstay dun at every single night, in the middle of the night, bigla na lang iiyak yung baby namin. Yung iyak na parang nanaginip sya ng nakakatakot. Then, there was this one night, di namin napansin na nakatulog kami ni hubby na nakatalikod kay baby (nasa magkabilang side kami then nasa gitna si baby). Ewan ko ba pero nung time na yun, parang ang himbing ng tulog ko. Pero bigla ako naalimpungatan, nag-iiyak na baby namin. Buti mas nauna nagising husband ko, nagising ako na kino-comfort na nya si baby kaso ihit pa din ng iyak. Napabalikwas talaga ko ng bangon at nagpanic. Naalala ko may dala nga pala kami lagi na asin at bigas sa diaper bag nya (turo sakin ng Nanay ko, kahit daw saan kami magpunta wag na wag magpapawala ng asin at bigas sa bag). Hinanap ko para sana ilagay sa ilalim ng unan namin. Kaso nabaligtad ko na lahat ng maleta at gamit namin, di ko talaga makita. So nag-give up na lang ako sa paghahanap. Tumigil na sa pag-iyak baby namin at nakatulog na ulit silang dalawa. Binabantayan ko lang baby ko hanggang sa nakatulog ulit ako pero feel ko mababaw lang tulog ko. Tapos parang nanaginip ako, may humawak sa kamay ko, hinihimas braso ko, kamay ng matanda, mahaba ang mga kuko. Nilapag nya sa may tabi ko yung lalagyan ng asin at bigas na hinahanap ko kanina. Natakot ako kasi feeling ko totoong nangyayari, hindi to panaginip, pinilit ko gumising. Kung ano yung pwesto ng pagkakahiga namin sa panaginip ko, yun ang pwesto din namin nung nagising ako. Lakas ng kabog ng dibdib ko, nagpray ako hanggang sa makatulog ulit ako. Kinabukasan, pagcheck ko sa bag, nandun lang yung lalagyanan ng asin at bigas. Sure ako na di ko nakita dun yun, chineck ko lahat ng gamit namin eh.

May experiences na ko dati, may nakita na din ako na parang white lady dati sa matandang bahay ng kamag-anak namin at madalas din na may maaamoy akong mabaho or amoy bulaklak out of nowhere, pero hindi ko pinapansin, di ko iniisip, dahil sa matatakutin talaga ko. Ilang beses ko na din inisip na magleave sa group na to pero hindi pa din maawat sa pagbabasa ng posts dito. Thank you!



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon