BAHAY NA MATAGAL NAMING NIRENTAHAN
Hello. Gusto ko lang mag-share ng creepy experience ko. Nangyari to sa bahay na matagal na naming nirerentahan. Around Bulacan kami. Kasama ko sa bahay ang dalawa kong ate at ang pinsan ko.
Maayus naman yung bahay, yung kuryente, yung tubig, at yung renta. Busy kasi kaming lahat, bukod sa nag-aaral pa ako nun ng Senior High, sina ate naman may pwesto siya sa palengke habang ang pinsan ko ay sales lady naman kasama ang isa ko pang ate.
So meaning, panggabi lang kami nagkikita-kita. Dalawang palapag yung bahay namin tapos may dalawang kwarto sa taas. Yung isang kwarto, yung pinsan ko at ang isa kong ate, habang kasama ko naman sa ibang kwarto ang ate ko. Ngunit dahil sa madalas ako manuod ng TV, e sa baba ako inaabutan ng antok at doon na natutulog.
One night, nagising ako na nakapatay na yung ilaw sa sala. Nakatulog na ako sa may sofa at yung TV ay nakaandar pa. Wala itong palabas dahil sa mag-uumaga na. Tinatamad-tamad pa akong bumangon para patayin yung TV na nagsisilbing ilaw ko rito sa baba.
Nanibago ako nang mapatay ko yung TV dahil masyado pa lang madilim kaso hindi rin naman ako makatulog pag may ilaw. Hindi ko na inabala ang sarili kong umakyat sa taas dahil sumalampak ulit ako sa sofa.
Pero that time, narinig kong may naglalakad sa taas which is dun sa kwarto namin. Wala akong narinig na bumukas na pintuan galing sa kwarto pero naririnig ko pa rin yung paghakbang nito. Napatingin ako sa may hagdanan nang marinig kong pababa ito sa hagdan and there, I saw a figure of a girl na halatang parang kagigising lang.
Hindi ko makita yung itsura niya pero ramdam kong nakatingin siya sa akin. Kitang-kita ko yung hair niyang buhaghag na para bang hindi ito nakakatikim ng hair wash. Binalewala ko na dahil sa akala ko nga ay isa sa mga ate o pinsan ko.
Tumalikod ako ng pagkakahiga at agad na pumikit ulit. Narinig kong bumukas yung pintuan ng CR at agad na umandar yung gripo. Meaning, nag-CR siya. Tumagal ang oras, halos hindi ako makatulog dahil sa maingay na pag-agos ng gripo sa may CR at hindi pa niya talaga isinara ang pintuan.
Naririnig ko na rin ang ibang tahol ng aso at tilaok ng manok pero yung tao sa CR ay hindi pa rin lumalabas. Nagkunwari akong tulog nang bigla ko na lang marinig ang mabilis na hakbang mula sa itaas. Narinig kong bumukas ang pintuan at dire-diretso itong bumaba at agad na dumiretso sa CR.
"SINO BANG GUMAMIT NG CR AT HINDI MAN LANG PINATAY YUNG GRIPO?! UMAAPAW NA, OH!! IKAW NAMAN, AIM! HINDI MO MAN LANG NARINIG!!" sigaw ni ate.
Bumangon ako nang marinig ko ang maagang sigaw ni ate. Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil alam ko, hundred percent sure ako na may pumasok sa CR at nagpaandar ng gripo. Hindi na lang ako nagsalita dahil sa baka nagkamali lang ako. Pero hindi lang ito ang gabing nagparamdam sa akin ang babaeng kasama namin sa bahay.
Dumating nun ang kapatid nung pinsan ko galing sa province. Dahil nga sa taga province siya, mahilig siyang manuod ng TV lalo’t meron pang Asianovela pa nun sa ABS-CBN TV Plus. Nang matapos kaming manuod ay agad na kaming natulog. As usual, pinatay na naman namin yung ilaw.
Nakalatag lang kami ng matt sa tabi ng sofa kaya kahit malikot ang kasama ko, e malawak pa rin ang higaan namin. Nagising ulit ako ng ganoong oras, hating gabi pero pagdilat pa lang ng mata ko ay halos mapamúrâ at nagsisi akong minulat ko ang mata ko. Halos nanginig na ang katawan ko dahil sa nakita ko.
May nakaupong babae sa sofa habang nakayuko itong pinapanuod matulog ang pinsan ko. Sh*t. Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil nakalugay ang buhok niya pero sure akong pinagmamasdan niya yung pinsan ko.
Kinabukasan nun ay nagkwento yung pinsan ko, binangungot daw siya kagabi. Hindi ko alam ano sasabihin ko sa kanya, basta ang pinayo ko lang ay magdasal muna siya bago matulog.
After nun, hindi na ako natulog sa sala o sa sofa. Umalis na kami dun. Umuwi na akong province para mag-college tapos yung dalawa kong ate, bumili sila ng bahay sa Bulacan. Balita ko, kamag-anak din naman umupa sa bahay na iyon. Tsaka, hindi na rin ako nagkwento tungkol doon pero alam ko, hindi lang ako ang nakakapansin dun sa kasama namin sa bahay.
Aim
2023
*Confidential
—
Send your stories/confessions here: www.usfstories.com
📜University Secret Files
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)