BAWAL MAINGAY DITO

104 3 0
                                    

BAWAL MAINGAY DITO

Disclaimer: Di naman po ito scary, pero real-life experience kaya share ko na rin. ✨

ISABELA, NEGROS OCCIDENTAL

Nangyari ito sa isang Summer Workshop namen around May 2011. We were assigned to do short films on different Philippine folklore, my beshie Jerome and I were assigned to do the story of Mambukal.

Since nasa Negros kami, naghanap kami ng bundok na accessible akyatin for us to shoot the film at eto nga yung bundok sa may Isabela, Negros Occ. dahil may relatives din si beshie dun. Mahirap kasi mag shoot at mejj delikado sa Mambukal.

From Bacolod, 5 kami nag travel sa Isabela for the weekend, Ceres bus lang ganern, 2 hours ata yung byahe. Ako yung videographer, si Beshie director then may 3 kami groupmates na actors namen.

Nanghiram lang kami ng Camcorder sa friend namen and okay naman sya.

Before umakyat sa bundok, winarningan lang kami ng relatives ni beshie na wag masyado maingay sa bundok, para iwas na rin siguro sa mga elemento.

So eto na nga, akyat na kami, then shoot shoot. Every shot nirereview na namen agad ni beshie, so we would know if we would retake or proceed sa next scene. Keribels naman. Ang ganda sa bundok. Maaliwalas sa pakiramdam, ang ganda ng view, ang refreshing ng mga spring, falls at plants.

Hindi naman proper hiking gear gamit namen kasi easy climb lang naman sya so may time na muntik na kong madulas sa malaking bato na tinatapakan namin paakyat at malaglag sa bangin kasi madulas din yung sneakers ko, buti na lang nakakapit ako agad. Inabot kami ng gabi sa bundok nung first shooting day namen, may mga pa bonfire effect pa kasi kami nung gabi para mas dramatic yung film.

After 2 days natapos na yung shoot namen and may time na kami maligo dun sa spring sa bundok. Ang saya saya namen at syempre, di ko napapansin na medyo lumalakas na pala boses ko, malakas kasi ako tumawa. 😅

So okay na pabalik na kami lahat ng Bacolod, sakay na kami sa ordinary Ceres bus, walang aircon so bukas lang yung bintana.

Since 5 kami and 2 lang yung seats per row, tabi tabi silang 4 at sa may window side ako banda then may stranger na katabi.

Masama na pakiramdam ko neto, nagsa-start na yung lagnat ko at grabe na sipon ko. Di ko rin alam bat bigla sumama pakiramdam ko.

Eto mejj yucky na part, pasintabi, tulaley lang ako sa byahe kasi nga I don't feel well, nang naramdaman kong ang sama ng tingin ng katabi ko saken. 😅 Yun pala, open windows diba, tumutulo na pala yung sipon ko ng very lil and umaabot na sa kanya, like nag stretch alam nyo yun, stretch na malagkit dahil na rin sa hangin. Ayun, hinawi ko yun agad at nag sorry, at sinuot uli yung hood ng jacket ko.

Sunday night nasa bahay na ko at inaapoy na nang lagnat. Monday start ng another week of different arts workshop and absent ako, di ko talaga kaya pumasok. Around Wednesday, binisita ako ni beshie sa bahay namen para kamustahin ako. Syempre pag may bisita, offer ka ng food and drinks diba. That time sabi ko, oh may cake dyan beshie kain ka muna, sorry di kita ma offeran ng kanin at ulam, sapat lang kasi sinasaing namen now kasi ang dali mapanis. Baka na rin sa init (summer kasi).

Sabi nya, "madali mapanis? Di kaya na engkanto ka?" Sign pala yun dito sa Negros, na kapag madali ka napapanisan ng pagkain, baka may ibang elemento na sumama or nakikisalo sa inyo.

He asked for a piece of my clothing then buhok, papatingin nya raw ako sa Siruhano or Albularyo sa tagalog. So pinatawas nga ako, at may nag form nga na babae, which is ako, plus may malaking lalaking itim sa likod ko, engkanto nga raw. Natipuhan daw ako nung nasa bundok kami sa Isabela, napansin ako kasi ang lakas nga daw ng boses ko at parang ang saya-saya ko. Sumama raw saken.

Pinadasalan ako dun sa Siruhano at in fairness, gumaan na ang pakiramdam ko at gumaling naman agad.

So time to edit our film na kasi ipapalabas na to sa buong Theatre pagka Sabado, ang problema, walang natirang matitinong shots sa SD card ng camcorder!!!

Lahat ng videos parang di namin kuha, alam mo yung after mo mag record hahawakan mo lang muna yung camcorder at nakababa, habang nag ha hike paakyat, ayun yung mga nakunan na videos! Mga talahiban, bato, bundok, wala ni isang natirang shots ng lahat ng scenes na tinake namen with the actors!

Syempre hindi naniniwala yung Workshop Facilitator namen sa nangyari, at kailangan daw may ma i-present pa rin kami, so ayun, pikit mata nameng ipinresent yung mga walang kwentang raw videos sa bundok, na sure kami eh hindi naman namen kuha. Tinatawanan pa kami kasi abstract daw yung short film namen. 🥺🥲

Yun lamang po, pasensya napahaba. Salamat ng marami sa mga nagbasa. ❤️✨


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon