Tanay Camping Site

94 1 0
                                        

Tanay Camping Site⛺

P:S: Gusto ko man Sabihin ang Name ng Place baka mamaya Ma Jakka Resort kembelar akiz🤣 Bulong ko na lang sa PM ung name ng Place sa gusto malaman kung san eto. Pero sa mga Naka gets na kung san eto base sa pic na nilagay ko Quiet na lang kayo,🤣🤪

Last Nov 4-5 Nagcamping kami ng Tropa ko as Bday Celebration sa Namatay nya Nanay. syempre moral support kami tropa nya. 3 lang kami nag camping kasi since di naman lahat available sa Date na pinili nya.

Fast Forward. nakarating kami sa Camping site na binook ng tropa ko. Nakapunta na rin ako sa Tanay before nung nag operate pa ako ng Travel agency ko at lagi sa Treasure mountain ang Tour ko kaya nung nasabi sa akin ni Tropa kung san ung napili nya ,na curious ako sabi ko ah bago camping site yan sa Tanay.

So eto na nga, pagdating namin dun expected ko na konti lang ung guest that day kasi usually Weekend ang madami guest. Kaya nasabi ko perfect ang Day na un kasi konti lang ung tao kaya masosolo mo ung place at wala ka masyadong kaagaw sa mga Picture spots dun..

Naloka ako sa Taas ng Camping site nila🤣🤣 akala ko Jan lang sa tabi tabi un pala nasa taas pa. Sa Likod ng Statue . So akyat kami para maset na ung Tent at makapag prepare na rin ng hapunan.

Kinagabihan, Nag start na kami mag chill session ng tropa. Isang Seagram at Long neck ng Bagong Empi Coffee ang ininum namin.buti na lang at nasa Tapat kami ng Lamp post kaya kahit paano May liwanag sa spot namin. Wala kasi kami dalang camping lights kasi plan namin mag Bon fire kaso bawal pala. May designated area sila for Bon fire at May bayad na 250/hr. Kaya Tiis na lang kami sa liwanag ng lampost sa gilid nmin at flashlight sa Phones nmin

Nung naging seryoso na ung usapan namin hanggang sa humantong na kami sa topic namin about Politics at Economy (Ekonomista yearn?,🤪) Naging madaldal na kami tatlo kasi BBM Fanatics sila at ako Kakampink 💕 May mga tama na kami kaya feeling ko nabulabog na namin ung mga katabi na namin Campers. nung Time na un kasi ako lang ang nakaupo sa labas ng tent at ung 2 ko tropa nasa loob ng tent kaya nag mukha ako look out sa labas. Bago pa man kami magkainitan ng topic I feel something. Parang May nakamasid .. pero dinedma ko na lang ung feeling na un kasi mas na-appreciate ko ung katahimikan at lamig ng gabi . Habang nagdedebate kami ni tropa kung ano magagawa ni BBM sa mga Presyo ng Bilihin., Napa tigil ako sa Pagsasalita dahil May lumabas na aso Itim mula sa madilim na parte ng Camp site namin. Nagmula sya direksyon ng kubo na nakatayo dun. Ang Parte ng Kubo na yun ay Bangin na at Madamo parte na. Sabi ko, Mga Bro mukhang May nagambala ata tayo, ang ingay na ata natin hahah. Sabay pasok ako sa Tent at biglang naalerto ang 2 ko kasama. Di na namin naubos ang iniinom namin at nagdecide na matulog na agad. 

Kinaumagahan, habang nagbreakfast kami , naitanong nila ako kung ano daw nakita ko. Sabi ko i sense may nakatingin sa atin. Kaya naging cautious agad ako sa pagsasalita habang tumatagay saka nasabi ko nga na May aso na itim na biglang lumitaw sa May Kubo. Sa pagkakatanda ko wala naman aso sa Camping site na yun simula nung dumating kami.. ang nakita ko lang Manok at Pusa. Akala ko ako lang May nakita weird ung kasama ko din pala mismo May nakita  sa May CR area kasi nagtataka daw sya paano  nakadaan ang Babae sa likod ng CR na un kung bangin na ang kababagsakan mo. Nung una ayaw ko maniwala pero mas nawindang ako nang sabihin nya nung nag CR sya, kami pa lang ang nasa camping area nung oras na yun. Kaya pala sya nag tanong kung meron bagong dating na mga campers ang sagot nmin wala pa, tayo pa lang.🤔😱 Hinayaan na lang namin at nagdecide na rin mag check out ng 8am nung araw na un.

Maganda ung Camping site na eto. Basta maging ready lang kayo sa akyatan at ma-experience nyo😂😂😢 at higit sa lahat ang Rates ng Tinda.😂😂😂 Nakakaloka😂😂 kaya mag baon na kayo lahat ng supplies na mabibitbit nyo. Also dala kayo ng Power bank. Kasi wala free charging sa place .

And this is my Travel Horror Entry for Tonight's Story ⛺🫰



📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon