Grinder

75 1 0
                                        

Grinder

Hola! Happy Friday po sa Lahat. Musta na kayo? I hope ok lang ang lahat. sa Taas ng Bilihin mas Legit pa ang Takot na neto kesa sa mga kwento dito,whahah..

May ishare lang ako dito. tamang tama eto sa Pride Month na sinicelebrate ng ating mga Kapatid sa LGBTQ Community Particular sa Bi-Gay ang kwento ko eto kasi sila ang Gumagamit ng App na eto.

Actually This story happened last Dec. pero ngaun ko lang binahagi kasi ayaw ko na sana balikan or isipin pa. till now di ako maka move on sa nangyari meet up ko using this app. at di na rin ako nakikipag meet na malayo simula nun lalo na kung gabi.

One night, Patapos na ako sa report ko nun at since holiday break na, naka break na rin ang mga boss ko kaya chill chill na lang hanggang Jan 2. dun ko naisipan mag download ng Grinder app for adventure at for fun. Di naman ako active sa sex pero gusto ko lang maexplore ang kaganapan sa App na eto exclusively only for Bi and Gays.

Hanggang sa na download ko na ung app at nag create ng profile. wala pa ilang minuto may mga tap at message na ako narecieved. usap dito, usap doon. That time wala ako plan makipag sex . gusto ko lang may makausap tapos inuman lang kasi ung wala naman ako tropa dito sa place nmin.

hanggang may isang nag message sa akin. Bisexual sya from Imus. working sa BPO, niyaya nya ako sa place nya at mag inuman daw kami sagot daw nya. sabi ko Go, Basta inuman Go ako jan. hehhe.

Around 12am na ako nakaalis sa bahay kasi may tinapos pa ako. ang hirap pa ng byahe kasi sa labas ng subdivision namin wala na trike na bumabyahe para maihatid ako sa Highway. so no choice nag lakad ako ng mga mahigit 1 kilometro mula sa Subdvision namin. Pagdating ko ng highway, wala na jeep na bumabyahe pero may ilan ilan pa trike na nagbyahe kaya dun na ako sumakay, special trip pa ung inavail ko kasi wala na rin ako masasakyan papunta dun.

Dumating ako sa Place nya. medyo madilim ang place nya at makaluma na ung mga gamit sa bahay. up and down ung bahay nila na di kalakihan. usap muna kami about personal life at sa trabaho. hanggang sa nagkayaan na sa inuman. bili daw muna kmi ng alak at pulutan so sinamahan ko sya.

Habang nag aantay ako sa labas ng bahay nila, napansin ko na bakante ung katabi nila bahay. Sira na ang pinto at need na talaga iparenovate. feel ko may nakatingin sa akin mula sa loob pero di ko na pinansin ang feeling na un baka napa paranoid lang ako.

Nakabili na kmi ng alak at pulutan sa tindahan na malapit sa kanya at nagpatuloy kmi sa paguusap. habang lumalalim ang usapan nmin, ang Bigat ng feeling ko parang may kasama kami sa loob ng bahay nila na nakamasid lang. alam mo ung feeling na may nakatingin sau. tapos ang weird ng feeling na un kasi parang gusto ka palabasin ng bahay. parang sinasabi di ka welcome dito.  nawawala na ako sa pinag uusapan namin nung ka meet up ko hanggang sa nagtanong na ako sa kanya.

Ung Nanay mo ba Madalas dito sa salas? Tanong ko sa kanya kasi nasabi nya nung una na patay na daw nanay nya at ung tatay nya nman nasa Davao.

"Bakit mo naitanong? Bago kami lumipat dito namatay na si Mama..

Me: Hmm wala lang, pero ang weird na feeling ko dito sa bahay nyo pre. parang may kasama tayo dito sa salas. tapos ang bigat ng pakiramdam ko dito. feeling ko di ako welcome.

May 3rd eye ka ba? Tanong sa akin nung ka meet up ko.\

Me: Wala naman. pero alam ko ang feeling na may ibang entity sa isang lugar.kahit di active ang 3rd eye ko pero malakas ang pakiramdam ko sa paligid. May nagpapakita ba dito?

Meron saka jan sa kabilang bahay namin na bakante. may mga bisita na rin ako na nakapagsabi na may nagpapakita nga dito sa bahay pero hindi si mama. Babae. di namin sya kilala at sinasabi ng iba na un ang dati nakatira jan sa kabila bahay. nung lumipat kami dito bakante na yan.

Iba talaga ang pakiramdam ko sa place nya. ang bigat. may mga place rin naman ako napuntahan na may ganun Aura din ako naramandaman pero di ganun kabigat ung feeling.as in para kang inuutusan ng katawan mo umalis. at di rin ako mapakali. sabi ng Friend ko na Paranormal pero di sya active sa gawain tulad nila Ed Calauag. pag ganun daw ang nafeel mo sa place, Malakas ang entity na nasa palagid at mas malakas ang negative energy na bumabalot sa paligid. kaya di na ako nakatiis pa sabi ko uwi na ako kasi medyo malakas ang energy ni madam. ayaw nya ako dito. nadissapoint ang ka meet up ko kesyo nagpapaniwala daw ako sa ganyan eh di nman daw na kaya makapanakit un eh sinabi ko sensya na pero di talaga ako makatiis at ang bigat talaga ng pakiramdam. ung Aura is too heavy talaga. umalis na ako at di na namin tinapos ang iniinom namin. sinabi ko sched na lang sa araw wag na lang sa gbi. wala na rin sya nagawa kundi ihatid ako sa sakayan. nung makaalis na ako sa kanila dun ko naramdaman ang pagkawala ng mabigat na feeling na para ako nakahinga ng maluwag. Pagdating ko sa bahay nag message pa sakin ung ka meet up ko na ang weird ko daw. sana nagsabi na lang daw ko di ko sya bet? like duh?? Di ko na lang pinansin ang chat nya alam ko dissapointed sya. simula din nung araw na un inuninstall ko na rin ung app kasi baka may maencounter pa ako na ganito. at di ko na rin ginagamit ang app for meet up. natrauma talaga ako. 

Lesson Learned: Meet-Up Responsibly..:)



📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon