7th Grade

49 0 0
                                        

7th Grade

Kwento ko lang 'tong nanyari sakin nung grade 7. May 2 main events kasi pag grade 7 ka, yung isa parang concert event na kasama buong school, and yung isa naman, as in kayo lang na batch.

Both of these events may naexperience ako. Yung school nga pala namin all girls catholic school so lam mo na maraming mga ganap talaga pag catholic school.

First event, star gazing activity. Lahat kaming batch kailangan mag overnight sa soccer field ng school na katapat yung chapel(which also has a mini cemetery for the nuns) As in sa field kami naka set up ng tents and everything. Yung friends ko, nag set up kami ng tent sa ilalim ng isang malaking tree. Okay naman nung earlier part ng night, walang anything. Nung banda after 11pm na, sabi namin mag nap muna kaming lahat sa tent bago start ng stargazing kasi pagod kami from classes in the morning. Lahat kami, natulog. Ako naman yung last na naka tulog and last na nagising. Super dark talaga ng place (kasi nga mag stargaze kami, we didnt need the extra light pollution) nung pagising na ko, may naramdaman akong hand na nakahawak sa arm ko. Kala ko friend ko na natulog katabi ko, itawag natin sa name na Patty. Kala ko si Patty naka hawak sakin at ginigising ako kasi ginagalaw niya arm ko. Sabi ko "wait 5 minutes lang please" tapos alam kong lumapit siya sa face ko kasi ramdam ko yung breath niya (ramdam ha hindi amoy! Hahaha) tapos biglang may sumigaw sa ear ko na sobrang lakas sabi "I SAID WAKE UP" (englishero yan na ghost???) super kinabahan ako kasi boses lalaki!!!! So nabigla ako and nagising, nag adjust eyes ko sa dark ng tent tapos nakita ko silhouette ni Patty pero nakatalikod siya from me, sabi ko "patty narinig mo ba yon?" Tapos slowly biglang nagtuturn siya to face me, mukha nga ni patty pero sobrang laki ng grin!!! As in alam kong di tao yung pagka smile!!! Legit nanigas ako sa takot. Tapos biglang nagsalita yung kung ano man yun, still in a man's voice, "Oh, gising ka na pala" TAPOS ANG LALIM NA DI KO MAINTINDIHAN! tapos parang palapit siya sakin so nagmadali akong mag unzip ng tent tapos tumakbo sa labas. Nakita ko friends ko, andun lahat sabi ko "Guys!! Si Patty!" Tapos parang lahat sila clueless, yun pala si Patty, kausap teacher namin...

So kung kausap niya teacher namin... sino yung nasa tabi ko?

7th grade (part 2)

So yung concert event, this also happens sa may soccerfield. Bali, naka position yung stage sa soccerfield na yung chapel is behind it. Well lit naman yung buong area kasi maraming stage lights and what not, except yung part dun sa may chapel.

The chapel, pag di ginagamit, naka close siya with transparent walls arang glass doors. So kahit na di mo siya mapapasok, makikita mo parin yung nasa loob.

Nung nag end na yung event and nag die down na yung crowd, a couple of us stayed back to help lang with the cleaning and para mag tambay lang rin and relish the feeling na ang saya lang kasi dahil sa hard work ng buong batch naging successful yung event. Katabi ng chapel and soccerfield may parang isang cluster siya or area na may board and tables and chairs na usually ginagawang tambayan during school day or club area meeting, connected siya sa hallway na papuntang chapel. Nag decide kami na dun kami mag stay for a while kasi ang comfy ng feeling at first.

So onting chikahan lang tapos suddenly may dumaang anghel (yung sinasabi nila na pag biglang silence ganon hahaha) after ng silence na yun, super naging lamig tapos ang weird na ng aura ng lahat. Also to note, yung area na 'to may balete tree na sa left side tapos puro trees and darkness lang sa right hahahaha pero legit comfy siya tambayan sometimes

Nag decide kami na ulamis na dun at magsi-uwian. Nag pack up na kami and we were walking na dun sa hall papuntang chapel kasi yun rin yung way na papunta sa may mga cars.

Nung naglalakad na kami going to the chapel chapel, nagtakutan kami what if may makita kaming kung ano ano tapos tawanan lang kasi sabi namin marami naman kami, di naman siguro magpapakita kasi marami kami. Dahil kami kami lang, medyo napalakas tawa at asaran namin so biglang may nag sit sit tapos "GIRLS! WAG KAYONG MAINGAY" nagulat kami kasi di namin alam na may malapit palang teacher samin. Galing sa likod namin yung voice so nagtinginan kami, may isang sister tapos naka tayo lang siya kung san kami nagtambay kanina. As in naka straight body lang siya, di siya gumagalaw. Sabi namin "sorry sister, we'll keep quiet po" tapos konting giggles lang kasi pinagalitan kami.

Nung sa may malapit na kami sa chapel entrance, sabi ng isang friend ko "guys bilisan natin mag lakad, may sumusunod satin" so kami nacreep out and started brisk walking as in yung panic niya sa voice niya mej alam mong may something off. Nung malapit na kami sa may end ng chapel which connects sa parking, bigla nalang may nag sabi "girls! I told you to be quiet!!" Tapos ang lakas ng sigaw, pag tingin namin yung voice galing siya sa loob ng chapel mismo, may nun na naka press yung face sa may glass as in legit press sa glass ha hindi malapit lang yung face sa glass. As in naka push yung face niya sa glass to the point na parang pinipilit niyang mabasag dahil sa pressure. Nag include ako ng picture for reference ng mukha so nagtakbuhan kami na papuntang car, tapos habang tumatakbo kami, tawa lang ng tawa yung nun as in high pitched na parang nasiraan ng bait.

Sabi ng isa naming friend, pano naka pasok yun dun e locked yun and wala talaga nakakapasok pag closed hours na ng chapel, and the weird thing is daw yung nun na yun, di siya naka uniform ng nuns sa school namin. As in ibang color scheme and all.

Super creepy ng night na yun legit ilang days kami nag avoid dumaan sa chapel kasi ibang vibes niya.

May picture sa baba kung ano itsura and also yung sa "map" kasi baka maguluhan kayo sa setting HAHAHAHA



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon