📍 Manila Around 2005

50 1 0
                                        

📍 Manila
Around 2005

Tagal na 'no? Haha.

Naalala ko lang bigla. Mag-eentrance exam ako noon sa PUP. Ang mode of transpo ko para makapunta doon, 'yong mga trolley na doon mismo dumadaan sa riles ng PNR na mano-manong itinutulak no'ng mga trolley boys.

Marami kaming sakay noon as in puno 'yong trolley. Walang nakapansin agad na nasa likod na ng trolley namin 'yong PNR train, as in konti na lang masasagasaan na kami. Kung hindi lang may nagsalitang matandang babae na "nandiyan na 'yong tren". Pero 'yong pagkakasabi niya as in kalmado lang, 'yong walang panic. Pero alam naming matanda kasi sa boses. Sakto nga no'ng naglingunan kami, parating na 'yong tren kaya nagtalunan kami lahat mula do'n sa trolley papunta sa gilid. Si Kuya Trolley sumigaw na rin na tumalon na nga. Umabot pa na naitabi pa niya 'yong trolley sa gild ng riles.

Thankfully, nakaligtas kaming lahat maliban lang sa ilang kasama na nagasgasan no'ng tumalon. Abot-abot 'yong paghingi ng pasensiya no'ng nagto-trolley kasi dumaan daw 'yong tren sa hindi inaasahang oras ng pagdaan nito dapat. Baka raw special trip o anuman.

Binilang ni kuya lahat ng pasahero at sakto naman. Hinahanap namin ngayon 'yong matanda na nagsabing malapit na 'yong tren pero wala palang matanda doon sa mga pasahero, at wala ring umaako na sila ang nagsabi. Pero sigurado kaming lahat na pare-parehas kami ng narinig.

Inisip ko na lang na baka spirit 'yon doon sa lugar, siguro na-aksidente siya doon, at para wala nang iba pang matulad sa nangyari sa kanya, ginagabayan niya ang mga bumibiyahe doon.

-bciv



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon