Ang Bahay sa Prudencio
Larawan mula sa invaluable.com
Magandang araw, mga Ka LTap. Ako din yung sumulat ng Lalaking Nakabitin
https://www.facebook.com/groups/letstakutanpare/permalink/736451171507691/?mibextid=W9rl1R
Sa huling bahagi ng kuwento, nasabi ko na bago kami umalis sa bahay na iyun, may mga kakaiba pang pangyayari ang naranasan ko. Hindi ko na maikukuwento lahat, pero ito ang 2 sa hindi ko malilimutan.
1. Walking Doll
Nung bata ako, madalas ako padalhan ng kamaganak sa ibang bansa ng mga laruan at isa sa ibinigay sa akin ay isang manika na kasing taas ng batang mga 2 taon. Itong manika na ito ay nakakatayo at kung hahawakan sa magkabilang kamay at itataas baba ang mga ito ng salitan, nakakalakad ang laruan. Hindi lang iyun ang kaya niyang gawin, nakakaupo din ito at kung ihihiga mo ay pumipikit ang mga mata nito. Maayos naman ito nung una at napaglalaruan ko pa hanggang nagdesisyon nga ang nanay ko na umalis sa inuupahan namin.
Isang gabi, nagising ako at nakaramdam ng pagkauhaw. Bumaba ako ng kama at dumiretso sa refrigerator para uminom. Nang matapos ako, umakyat ako ulit ng kama, nahiga at bumaling sa lugar kung nasaan ang manika.
Ugali ko na pagkatapos kong paglaruan yun, iniuupo ko siya sa upuan para hindi mahulog. Pero, iba ang puwesto niya nung gabi na yun. Nang makita ko yung manika, nakatayo ito at nakatingin sa kama. Nakataas din ang kamay na para bang maglalakad ito. Ang isa sa pinaka natatandaan ko, ang mga mata nito ay kumukurap.
Nagtalukbong ako ng kumot at natulog. Kinaumagahan pag gising ko (nauna ako sa nanay at kapatid ko), nakaupo na ang manika sa sahig. Nang gumising ang nanay ko, sinabi ko sa kanya na ayaw ko na dun sa manika kaya naman ang ginawa niya ay ipinamigay yun sa basurero ng araw din na yun.
2. Ang Anino
Wala na ang manika, akala ko tahimik na lahat. Ilang gabi matapos mawala ang manika sa bahay, ito na naman ako at nagising sa di inaasahang oras.
Nabaling ang tingin ko sa upuan na dating kinaroroonan ng manika at dahil na rin sa ilaw ng night light, naaninagan ko na may nakaupo sa silya.
Unti-unting bumaling ang ulo niya sa akin at ang nakita ko ang naging dahilan para dalhin ako sa bahay ng lola ko para dalhin sa manggagamot/mangtatawas.
Nakita kong nakaupo ay isang lalaki, hindi malinaw ang mukha, parang nakabaling ang ulo sa isang banda at nakalawit ang dila.
Hindi pa rin ako nakasigaw, kaya't lumipat ako ng puwesto sa kama at nagtakip ng unan sa mukha. Kinabukasan, nilagnat ako ng mataas at dinala sa doktor. Pinainom lang ako ng gamot, pero hindi bumaba ang lagnat ko. Dinala ako sa bahay ng lola ko at ipinatawag ng lola ang magtatawas. Ang lumabas, lalaki daw na nakasabit.
Binigyan ako ng lola ko ng rosaryo para isuot at sinabihan niya ang nanay ko na umalis na kami sa bahay na iyun. Pinakuha niya ang mga damit ko at hindi na pinasama pabalik sa bahay sa Prudencio.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)