Chapter 57.4

418 20 5
                                    

Warning!
((Spg alert))

Nagkalat sa sahig ang mga magazines na may mga larawan na mga mapang-akit na babaeng nakasuot ng lingeries at iba pa. Kitang kita ang mga hubog ng katawan nila at kung gaano kalaki ang hinaharap at ang pwet.

Nagulat si Yasmin sa kanyang nakita at napataas ng kilay. "Aba't.."
Inilipat niya ang tingin sa asawa na nasa kama at nagulat din sa kanyang pagdating. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Yasmin. Nagkasalubong agad ang mga kilay ni Yas na direktang tumututok sa asawa.

"Yasmin.. ba-bakit ka narito?" Nauutal na pagtanong ni Arthur.

"Ano ito?" Usisa ni Yas sabay turo sa mga magazine na nasa sahig.

"Teka, magpapaliwanag ako.. kasi.."

Hindi maiwasan ni Yas na mainis sa asawa at manggigil. "Pinapantasyahan mo ba ang mga babaeng ito habang wala ako? Kaya ba pinapaalis mo ako agad!?"

"Teka lang. Mali ang iniisip mo Yasmin."

"So, ano ito?"

"Magazine lang iyan.." pagpapaliwanag ni Arthur.

Napakrus ng mga braso sa may dibdib si Yasmin at halatang nagtatampo sa asawa. Pasulyap sulyap ito sa magazine na nasa paanan niya. Hindi na ito natuloy sa paglapit kay Arthur sa may kama.

"Yasmin, ibinigay lang iyan nila. Sabi nila para maaliw daw ako pero hindi naman ako naaliw."

Napalingon si Yasmin kay Arthur na nakakunot noo parin.. "So anong gusto mo, real? Totoong tao na nakasuot ng ganyan?"

"Haist, ang papangit nila. Ayoko sa kanila, ma-magazine man o tao pa sila. Iisang tao lang ang gusto kong makita kahit nakapikit ako ay siya lang pinapantasyahan ko." Pangiti-ngiting sabi ni Arthur na may pakindat kindat pa sa asawa.

"Sino ba siya?" Tanong ni Yas na nagpapakipot at nakanguso ang labi.

"Uhm, siya iyong babae na kahit nakapikit ako ay kitang kita ko. Napakasexy niya at mala dyosa ang ganda. Walang patama ang iba. Ni sino mang babae ay di papantay sa kanyang charm at ganda.."

"Napakabolero mo talaga.." naiinis na wika ni Yasmin. "Ilan na bang babae ang napaibig mo?"

"Huh?" Gulat sa di inaasahang tanong.

"Tinatanong kita kung ilan?"

"Marami. Marami ang naghahabol sa akin."

"Sigurado, hahabulin ka ng mga babaeng ito na nasa magazine!" Mataray na tugon ni Yasmin.

"Habulin lang nila ako.. mabibigo lang sila at mapapagod. Marami ngang naghahabol sa akin, pero iisa lang ang hahabulin ko.." Seryosong tinitigan ni Arthur sa Yasmin.

"Sino naman?"

"Syempre, ang mahal kong asawa." Sagot ni Arthur sabay kindat.
Halata sa mga ngiti ni Yas ang kilig. Matagal na rin na naramdaman niya ang ganitong saya at kilig. Para bang bumata tuloy siya na parang teenager at ang kausap lang niya ay ang kanyang boyfriend. Pero kapag nakikita niya ang mga larawan ay naiinis siya tuloy.

"Kung hindi lang kita asawa, hindi talaga ako pupunta rito!"

Napangiti lang si Arthur na nahahalatang nagseselos si Yas. Si Yasmin naman ay napasulyap ulit at naiinis pa rin sa mga larawan. "Haist, kung di lang ako pumunta rito di ko ito makikita!"

"Mahal, sorry. Sorry na at huwag ng magalit.." paglalambing ni Arthur.

"Arthur! Dapat sa akin ka lang nakatingin!" Utos ni Yasmin.

"Syempre naman!"

Humarap si Yasmin at humakbang na siya patungo sa asawa. Habang humahakbang ay tinatanggal niya ang mga butones sa damit niya. Nanlaki ang mga mata ni Arthur at titig na titig sa ginagawa ng asawa na lumalapit sa kanya. Nang mahubad na niya ang suot ay itinapon lang ni Yas ang damit sa sahig. Hinubad na rin niya ang suot na pantalon at ang iniwan ay ang bra at underwear nalang.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon