Dumating si Xian sa condo unit niya. Sa labas, naroon si Yasmin at naghihintay sa kanya.
Napatingin si Yasmin kay Xian na naglalakad patungo sa kanya.
" Xian.."
Nagkaharap na ang dalawa.
Medyo nahihiya si Yasmin kay Xian.
Hinawakan ni Xian ang kamay ni Yasmin at nagsabing," tara sa loob."
But pinigilan ni Yasmin si Xian," teka lang."
Nabigla si Xian at napatingin kay Yasmin.
"Pwede naman na rito na lang tayo mag - usap sa labas," suggestion ni Yasmin.
Humarap si Xian na napakaseryoso.
" Yasmin.."
" Xian.." kinabahan tuloy si Yasmin. Hinawakan ni Xian ang kamay niya. Tiningnan niya ito. Mas kinabahan siya.
" May sasabihin ako sa 'yo na dapat matagal ko ng sinabi sa iyo," seryosong sabi ni Xian na nakatitig sa mga mata ni Yasmin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Habang pinagmamasdan ang mga mata ni Xian, may naalala siya.
Naririnig niya ang boses ni Marga, " I love him so much! Ayoko mawala siya! Gusto kong matuloy ang kasal namin! Hindi ko kakayanin kung mawala siya!"
Yumuko si Yasmin at sabay sabing, " May sasabihin rin ako sa iyo."
"Yasmin.."
" Pwedeng ako muna ang mauna?" request ni Yasmin. Nagpaubaya si Xian.
Ngumiti agad si Yasmin na nakaharap kay Xian. " May ibabalita ako sa iyo.. "
" Ano naman 'yun?" nacurious si Xian.
" Kami na ni David! May boyfriend na ako!" nakangiting sabi ni Yasmin.
Nagulat si Xian! Nabitawan tuloy niya ang kamay ni Yasmin. Napatingin si Yasmin sa kanilang mga kamay at nabigla siya sa reaction ni Xian. Bakas sa mukha ni Xian ang pagkabigla na may halong kalungkutan. Naramdaman ni Yasmin ang sakit habang pinagmamasdan ang mga mata nito. Nakokonsensya siya na may halong emosyon.
" Xian.." pabulong niyang sabi.
Napatalikod si Xian agad at medyo namumula ang mga mata nito.
" Xian.. ano naman ang sasabihin mo?" dahan - dahang pagtatanong ni Yasmin.
Hindi makaharap si Xian kay Yasmin. He has teary eyes at sinisipon na siya.
" Wala.. nakalimutan ko na! Huwag mo ng isipin 'yun!" paliwanag ni Xian.
" Pero.." nag - aalalang tanong ni Yasmin.
Agad binuksan ni Xian ang pinto at nagsabing, " Tatawagan nalang kita kapag naalala ko na.."
Bakas sa mukha ni Yasmin ang pag - aalala.
Pumasok na sa loob si Xian at sinarhan niya ng pinto si Yasmin.
" Xian.."
Yasmin' s pov
" Tama ba ang ginawa ko? Pagsisisihan ko ba na hindi ko narinig ang sasabihin niya? Masama na ba ako dahil nagsinungaling ako! Nasasaktan ako kapag nakikita kang malungkot at nasasaktan. Pero ayoko ring nakikita ang kaibigan ko na masasaktan dahil sa akin. Xian, kung alam mo lang.."
Sumandal siya sa pinto at napaiyak ito.
Sa likod ng pinto, nakasandal rin si Xian.
Pinipigilang umiyak. Nasasaktan siya sa kanyang nalaman. Huli na ang lahat. May boyfriend na si Yasmin. Hindi maalis sa isip ni Xian ang ngiti ni Yasmin na ibinalita niya na sila na ni David.
Xian's pov
Katulad ito ng dati. Nauulit muli. At ang masakit, siya talaga ang nagbalita.
----------
Sinugod ni Marga si Bert sa kanila.
Ding dong!
" yes? Teka lang.." sigaw ni Bwrt na dali - daling nagsuot ng damit pang - itaas.
Pagkabukas niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal.
Pak!
Nabigla siya!
Napatingin si Bert kay Marga na galit na galit.
" Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi matutuloy ang kasal ko! Humanda ka!" galit na sabi ni Marga.
Hindi na nakapagsalita si Bert dahil sa pagkabigla.
Umalis naman agad si Marga.
At Xian's condo unit.
Naglasing si Xian. Umiiinom siya ng beer sa kanyang sala. Nakaupo ito sa sahig habang umiinom. Tumatawang mag - isa.
" Buhay nga naman o.. Kung kailan aamin, may masamang balita naman ang malalaman. Wala na ba itong katapusan?" umiiyak na naman ito. " Bakit ba ganito? Bakit ako nasasaktan? Dapat masaya ako dahil may boyfriend na siya!! Hindi n asiya makakagulo!! "
Nagsasalitang mag - isa si Xian. Sa mesa, may litrato si Yasmin noong nag - aaral pa sila. Mga araw na naroon pa si Yasmin sa paaralan.
Kinakausap ito ni Xian, " Bakit? Bakit ka sa lalaking yun ka pumatol? Eh, mas gwapo pa ko roon? Mas matipuno! Eh, ang daldal noon.. Mukhang babaero!" hawak hawak niyabng litrato.
Napabuntong hininga nalamang si Xian na nakatitig sa litrato," Bakit ba hindi ko masabi sabi? Tanga ba ako? Torpe? Natatakot? Bakit parating ganito? Noon hanggang ngayon!!"
Uminom na naman siya at ng maubos na naman ang isang lata ng beer, tinapon niya ito. Binuksan ang isa pa.
Nagkalat sa sahig at mesa ang mga lata.
" Aaminin ko na Yasmin, crush kita noon.. At ngayon.. Love na kita!" hinalikan niya ang litrato. Mwahh!!
Ding dong!
Napalingon si Xian sa may pinto.
" Yasmin!!?"
Dali - daling pinuntahan ni Xian ang pinto para buksan. Pagkabukas niya, hindi niya inaasahang si Marga ang naroon.
"Marga.? "
" Xian.."
Biglang niyakap ni Xian si Marga. Nagulat naman siya. Masaya si Marga sa ginawa ni Xian sa pagyakap sa kanya. Niyakap rin niya ito.
He immediately grabbed the hand of Marga at pinapasok niya ito sa loob ng bahay. Mas nagulat si Marga. He closed the door at hinalikan niya si Marga.
Hmmm..
Napapalakad sila habang naghahalikan patungo sa sala. Hanggang pinahiga ni Xian si Marga sa sofa.
"Xian.."
Napaka - init ng halik ni Xian na para bang may halong pagnanasa at sakit. Mahigpit na hinahawakan niya ang leeg ni Marga habang hinahalikan ang mga labi nito.
Nasasarapan naman si Marga sa ginagawa ni Xian.
" I know you miss me, Xian."
Hinahalikan ni Xian ang leeg ni Marga. Napapaungol siya sa bawat halik nito.
Napapaabot ng kamay ni Marga ang mesa. Kahit anu- ano na lang ang naaabot niya. Hanggang nakuha niya ang isang litrato.
Nagulat siya kung sino ito.
" Yasmin?"
Napabangon siya sa pagkakahiga at nahulog si Xian sa sofa.
" Yasmin?" Hindi siya makapaniwala na may litrato si Xian ni Yasmin. Napatingin siya sa mesa at nakita ang mga lata ng beer. Bakit siya naglasing? Napaisip tuloy si Marga kung bakit.
Pinunit niya ang litrato dahil sa galit.
Nakatulog na si Xian sa sahig dahil na rin sa kalasingan.
Tinawagan niya si David. Ilang minuto rin sila nag - usap sa cellphone.
Napatingin si Marga kay Xian na nasa sahig.
" Akin ka lang Xian!"
--------- to be continued.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...