Chapter 39

969 25 2
                                    


Nagising si Yasmin ng marinig ang ingay ng pagbusina ng sasakyan sa labas. Nasa hapag kainan ito ng marinig niya ito.

"Arthur?"
Napatayo siya agad at sinalubong sa may pinto. Bumukas ang pinto at pumasok si Leo na inaalalayan si Arthur. Hindi na makatayo ng matuwid si Arthur dahil sa kalasingan.

"Anong nangyari?" tanong ni Yasmin.

"Uhm-- eh--.." napapa-utal si Leo.
Mas nag-aalala si Yasmin sa nakikita sa asawa.

Hindi na rin nakayanan ni Arthur at sumuka pa ito sa sahig sa living room. Naroon na rin ang mga katiwala at agad kumuha ng mop at mainit na tubig.
Dali-daling inakyat sa kwarto si Arthur ni Leo at sumunod naman si Yasmin.
Pagkarating nila sa kwarto ay inihiga ni Leo ang boss niya sa kama.

"Pasensya na po Madam," wika ni Leo.

"Salamat Leo.."
Umalis agad si Leo sa kwarto pagkatapos ihatid ang boss nito.
Napaupo si Yasmin sa tabi ng asawa. Minamasdan niya si Arthur na mahimbing na natutulog dahil sa kalasingan.

Inilagay ng katiwala ang maligamgam na tubig sa mesang malapit sa kama nito.
"Madam, narito na po ang tubig at bimpo.." wika ng katiwala na inabot ang bimpo kay Yasmin.

"Salamat.."

"May kailangan pa po ba kayo?"

"Wala na. Salamat. Paki-tulungan na lang Sir Leo, baka may kailangan pa siya."

"Yes maam."

Iniwan na ng katiwala si Yas sa kwarto.

Dahan -dahan tinanggal ni Yasmin ang butones ng suot na pang-itaas ng asawa hanggang mahubad na ito. Medyo masama ang amoy nito dahil na rin sa alak at pagsusuka.
Binasa niya ang bimpo at pinunas sa katawan ng asawa. Nag-aalala tuloy si Yasmin kay Arthur at di alam kung bakit siya naglasing. Bihira lang naglalasing ang asawa nito. Umiinom lang ito kapag may okasyon o di kaya may iniisip o pinagdadaanang problema. Wala namang nabanggit si Leo tungkol sa okasyon o kung ano.

Pinunasan ni Yasmin ang mukha ni Arthur at tinititigan ito. Mas umurong papalapit pa si Yasmin sa asawa na nakahiga sa kama. Bumaba rin sa katawan ang paningin ni Yasmin at dahan dahang tinititigan ang mala-tinapay na abbs nito. 

Pinunasan niya ulit ang abbs ni Arthur at medyo minamasahe ng kaunti. Di rin niya namamalayan na napapakagat labi na itong nakatitig sa katawan ng asawa. "Oh my.."

But nagising naman siya agad at binatukan ang sariling ulo. "Ano ba Yasmin! Ano bang iniisip mo! Haist!" Naiinis na pagkausap nito sa sarili.

--------
Madaling araw na ng biglang nagising si Arthur. Napadilat siya at napatingin sa paligid. Madilim na sa mga oras na iyon kaya inabot niya ang lampshade sa may ulunan niya.
Napatingin -tingin siya sa buong kwarto at na-realize na nasa bahay na ito. Medyo masakit ang kanyang ulo niya. Napapahawak siya sa kanyang ulo at umupo ito sa kama.

"Tsk.."
Napalingon si Arthur at nakita ang asawa sa tabi nito na natutulog. Nakaharap si Yasmin sa kabilang bahagi at yakap ang isa pang unan.
Tuluyan ng bumangon si Arthur. Walang suot pang-itaas ito at boxer shorts lamang sa ibaba.
"Paano ako nakauwi? Haist, makainom na nga ng tubig..."

Bumaba si Arthur at naisipang pumunta ng kusina para kumuha ng tubig sa ref. But bago pa siya nakarating sa kusina ay napadaan ito sa hapag-kainan. Binuksan niya ang ilaw kaya kitang kita na ang paligid.
Nagulat ito sa nakita niya. Saglit ay napahinto siya. Nakita niya na nakaayos ang mesa at naroon ang mga plato, baso at may tinakpan na mga pagkain.  Lumapit siya sa mesa at tiningnan niya ito. Mukhang hindi pa nagagalaw ang pagkain.

"Yasmin.."

------
Samantala, nagising bigla si Yasmin dahil binangongot ito.
"Arthur!"sigaw niya.
Napaupo si Yasmin sa kama at napalingon sa katabi kung saan nakahiga si Arthur kanina.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon