Pinagtuunan ng pansin ni Yasmin ang kanyang mga trabaho sa opisina kaysa mag-isip ng mga problema at ang tungkol kay Xian. Mas lalo siyang nag-focus sa mga gawain at binalewala ang mga pinapakitang kabaitan ni Xian sa kanya."Coffee?" alok ni Leam sabay inilapag sa mesa ni Yasmin.Napalingon si Yas at napatingala sa nakatayong boss niya. Pangiti – ngiti naman si Leam sa kanya.
"Thank you sir. Nag-abala pa kayo.."
"You look so tired. Bakit di ka muna magpahinga?" Nag – alalang sabi ni Leam.
Bumalik sa pagharap ng computer si Yasmin at sinagot ang boss.
"I'm fine sir."
"Huwag mong i-stress ang sarili mo sa trabaho. Take some break. Mas lalong hindi ka makaka-pokus sa trabaho kung ganyan. Gusto mo bang mag-vacation leave?"
Napatigil si Yasmin at hinarap si Leam na nakasalubong ang mga kilay.
"Thank you sa concern pero hindi ako na-stress sa trabaho... nastress ako sa iyo kaya please tigilan niyo na ako!"
Natigilan si Leam at bakas sa mukha na napahiya siya.Hanggang tumunog ang cellphone ni Yasmin. Tumatawag si Lin sa kanya. Agad namang sinagot ito ni Yasmin na may kaba.
"Yes Lin? May problema ba?"
Umiiyak si Lin sa kabilang linya.
"Lin? May nangyari ba?"Nanginginig ang kamay ni Yas habang kawaka ng cellphone at hinihintay ang sasabihin ni Lin. Nakinig naman si Leam sa pag – uusap nila at hindi umalis sa tabi ni Yasmin.Napatayo si Yas ng marinig niya ang masamang balita ni Lin. Namilog ang mga mata ni Yas. Tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang kamay at napaluha.
"Oh my god!"
Hindi na alam ni Yasmin ang gagawin at dali – daling kinuha ang bag nito para mapuntahan ang anak. Nagtaka naman si Leam sa nangyari. Nang paalis na si Yas ay pinigilan siya ni Leam. Hinawakan nito ang braso ni Yas.
"Anong nangyari?" usisa ni Leam.
"Ang anak ko! Kailangan niya ako!" sagot nito.
Nakita ni Leam ang lungkot sa mukha ni Yas. Pinakawalan niya ang braso ni Yas. Agad namang tumakbo si Yas paalis sa opisina. Sinundan naman siya ni Leam.Hindi mapigilan ni Yas ang kanyang mga luha na patuloy sa pagdaloy sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang kaba at takot. Paglabas niya sa gusali ay agad naghanap siya ng masasakyan papuntang hospital. Pero sa mga oras na iyon kung kailan nagmamadali siya ay talagang walang taxi.Kinakagat na ni Yas ang kanyang kuko sa hintuturo habang naghihintay. Gusto na niyang lumipad patungo sa hospital kung saan naroon si Aya.
"Aya.. anak ko.."
Dumating si Leam sakay sa kanyang kotse. Huminto ito sa harap ni Yas at binuksan ang pinto.
"Sakay na!"
Hindi na nagdalawang isip si Yasmin na sumakay sa kotse ni Leam. Wala na siyang magawa dahil kailangan na talaga niyang pumunta sa hospital.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Leam nang nakaupo na si Yasmin sa tabi ng driver's seat.
"Sa Xavier hospital! Please dalian natin!" pagmamakaaawa ni Yasmin.
"Okay!"
Dinala ni Leam si Yasmin sa Xavier hospital. Ang Xavier hospital ang pinakamalaking hospital sa lugar nila. Hindi man ito gaya ng mga malalaking hospital sa lugar nila noon, pero ito na ang kilalang hospital sa kanila. May apat na palapag lamang ito na may tatlumpung silid.Hindi na mapakali si Yass a mga oras na iyon habang nasa biyahe pa ito. segundo ay kinakabahan siya. Pasulyap – sulyap naman si Leam sa katabi nito. Nag – aalala na si Yasmin sa anak.Pagkarating nila sa hospital ay sinalubong siya ni Lin.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...