Chapter 38.1

1K 21 2
                                    


Nakauwi na sina Yasmin at Arthur sa kanila. Habang papunta sila sa kwarto ay nag-uusap silang dalawa.

"Siya pala ang kaibigan mo na kinukwento mo noon. Siya naman ang designer ng isang products ng kompanya,"kwento ni Arthur.

"Sikat pala ang kaibigan ko?"

"Oo, sikat siya. Hindi mo ba alam iyon?"

"Hmm.. hindi talaga kami close noon but nariyan siya parati sa tabi ko noong oras na kailangan ko ng kaibigan."

Pumasok na sila ng kwarto. Napaupo sa kama si Yasmin habang nasa may salamin si Arthur. Tinatanggal niya ang kanyang necktie pagkatapos naman ay ang kanyang relo.

"Anong gusto mong gawin bukas?" Tanong ni Arthur sa asawa.

Napaisip si Yasmin sa tanong ng asawa.
"Hmmm.."
Humarap si Arthur sa asawa at napasandal sa mesa. "Gusto mo bang mamasyal?"

Napangiti si Yasmin at napatango ito, "Sige, gusto ko iyan!"
Lumapit si Arthur sa asawa habang napatayo si Yasmin. Magkaharap na ang dalawa at napatitig sa isa't isa. Hinawakan ni Arthur ang bewang ni Yasmin at sa braso naman nakahawak si Yas.

"I love you babe!" wika ni Arthur.

"I love you too hon!"

"I love you both!" Dugtong pa ni Arthur.

--------
Kinabukasan, namasyal ang dalawa. Wala silang ibang kasama kahit ang bodyguard nila o di kaya si Leo. Masaya silang naglibot sa park. Kumain sila sa mga pagkain na nagustuhan ng buntis. Napapasubo tuloy si Arthur sa mga pagkain na hindi maubos ni Yasmin.

"Ayoko na nito..ikaw na ang umubos.."

"Huh?"

"Heto pa.."

"Hmm.. ayoko rin ito. Sa iyo na ito Hon."

But everything ay gagawin ni Arthur para sa asawa.

Napaupo sila sa isang bench. Dala -dala ni Arthur ang mga paper bag na may lamang pagkain na pinamili ni Yasmin na hindi niya maubos -ubos. Hindi naman makain ni Arthur ang lahat kaya naisipan nalang nila na dalhin pauwi ng bahay at ibigay sa kanilang mga katulong.
Patuloy sa pagkain si Yas habang nakaupo katabi ng asawa.

"Gutom na gutom ka yata?" Wika ni Arthur na nakatingin sa asawa.

"Hindi ako ang gutom. Ang baby natin ang gustong kumain." Sagot ni Yas.

"Tataba ka na niyan! Mukhang tumataba ka na!"

Napataas ng kilay si Yas na tumingin sa asawa. "Anong sabi mo? So anong ibig mong sabihin?"

Nagpaliwanag agad si Arthur sa ibig niyang sabihin, "Pero kahit tataba ka, maganda ka parin at love na love kita." Paglalambing ni Arthur sa asawa.
Medyo nagtampo si Yasmin at iwas tingin sa kanya. "Hmp!"
Naglambing at kinikiliti niya si Yas para pansinin siya nito, "Sorry na babe. Ikaw pa rin ang love ko. Ikaw at wala ng iba. Kahit tumaba ka o ano pa man, ikaw lang."

Nagsalita si Yas, "Haist! Kung hindi lang kita mahal, hindi kita papatawarin. Magagalit talaga kami sa iyo!"

"Huwag  ka ng magalit.. love ko kayo ni Baby. Kayo ang buhay ko."

"Sos, sinasabi mo lang iyan.."

Patuloy sa paglalambing ni Arthur kay Yasmin. Napapatingin ang mga tao na napapadaan sa kanilang dalawa.

"Sampalin mo pa ako babe...okay lang sa akin. Ilang beses pa iyan." Napahawak si Arthur sa kamay ni Yas at inilapit ito sa mukha niya. Medyo nabigla si Yas sa ginagawa ni Art.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon