Chapter 59.5
Yasmin’s POV
Dumating na rin ang araw na haharap ako sa altar kasama ang taong minamahal ko. Ang taong iyon ang naging kasama ko sa hirap at sa ginhawa. Kahit anong pilit kong itulak siya papalayo, hindi niya ako iniwan kahit anong mangyari. Pagkatapos ng maraming mga pagsabok at balakid sa aming pagmamahalan, narito kami sa simbahang ito. Ang simbahan ay may mahabang pasilyo na puno ng bulaklak sa gilid. May pulang carpet na may mga talulot ng bulaklak. Ang kisame at mga pader ay may kaakit akit na mga disenyo na nakaukit. Kaaya-ayang tingnan na parang nasa fairy tale.Sa pagbukas ng pinto ng simbahan, ako ay nakatayo suot ang isang mala-prinsesang puting trahe de boda. May mahabang belo na hanggang dulo ng hagdan ng simbahan. Siya naman ay suot ang kamanghang – manghang amerikana habang nakatayo sa may altar. Napakakisig nyang nakatayo na mala-adonis ang tindig. Ang aming anak naman na si Aya ay ang little bride na nakasuot din ng magandang puting bistida. Hindi man nakarating ang aking mga magulang, nakadalo naman ang mga taong malapit sa amin.
Maiyak – iyak ako habang humahakbang at lumilingon sa mga taong nakapaligid. Lahat sila ay pinapanood akong lumalakad sa pasilyo. Nakangiti silang lahat at batid ko ang umaapaw na kasiyahan. Kinakabahan man ako pero mas umibabaw ang aking kasabikan at kaligayan. Sa wakas ikakasal na kami sa simbahan. Magsusumpaan kami ulit sa harap ng mga taong at sila ang saksi sa aming pag-iibigan.
Habang patuloy ako sa paghakbang, napapalapit na ako kay Arthur. Tinitigan ko ang kanyang mukha na bakas ang sobrang kasiyahan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaluha at gayundin siya. Ngumiti si Arthur sa akin kaya bigla nalang tumulo ang aking luha."Arthur.."
Naiyak rin siya at pinahid nya ang kanyang kanang palad sa kanyang mga mata. Ako naman ay hinayaan ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi.
"Yasmin.."
Ngumiti siya ulit at inangat ang kanang kamay na nakabuka ang palad. Nang malapit na ako sa kanya, inabot ko ang kanyang kamay. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at tinitigan niya ako.
"I will hold you forever!" Bulong niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala na nasa harapan na kami ng altar na magkasama at susumpa ng walang hanggang pag-iibigan. Napakalakas ng kabog ng aking puso na parang sasabog sa kilig at saya. Ang lalaking nasa tabi ko ay ang taong hindi ko inakala na makakatuluyan ko. Hindi ko naisip na sya ang taong mamahalin ako kung sino ako at kung ano ako. He accepted my flaws and even my imperfections.
He loves me and I love him too."Thank you for loving me!" ani ko sa kanya na naluluha.
"I love you Yasmin. Kahit anong mangyari, mamahalin kita!" pangako niya sa akin na napakaseryoso ng mukha.
Sa mga oras na iyon ay umaapaw ang aking kasiyahan. Naiyak ako na nakangiti.
"Mahal din kita Arthur. Mahal na mahal kita!"Niyakap ako ng asawa ko ng mahigpit. Naiyak naman ang mga nanonood. Kahit si Harold, di maiwasang di maiyak.
"Masaya ako friend at nakita mo na si Mr. Right, ang lalaking mamahalin ka habambuhay!" Sambit ni Harold sa sarili.
Sa harap ng marami, nangako kami na mamahalin namin ang isa't isa sa hirap at sa ginhawa. Magiging tapat kami at magiging matatag. Kahit anong mangyari, hindi kami susuko sa ano mang problema.
Naghalikan kami sa may altar at saksi ang lahat. He kissed me passionately but with intense feeling. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko at ako naman ay nakalapat amg mga palad sa may dibdib niya.. Tumagal ng ilang minuto ang aming paghahalikan. Nadala kami sa aming mga damdamin at di na inisip na may mga nanonood.
"Tsk tsk.. siguradong masusundan talaga si Aya nito.." bulong ni Leo sa sarili habang pinapanood ang boss niya.
Napangiti naman si Lin nang marinig ang asawa.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...