Chapter 10.2

1.1K 24 1
                                        


Nasa kwarto si Yasmin at nakaupo sa kama habang nagbabasa ng text. Napabuntong hininga na lamang si Yasmin pagkatapos niyang basahin ang text message ni Marga: " Sorry Yasmin, may emergency meeting kami kanina at nag overtime kami ngayon. Hindi na ako nakapunta ng mall. Sorry.. Paano na ang reunion ninyo? May susuotin ka na ba? Sorry talaga. Babawi ako next time."

Napahiga si Yasmin sa kama at binitawan ang cellphone na dala.
Napapikit na lang siya at bakas sa mukha ang paghihinayang.
-----

" Hindi pala siya pupunta. Bakit pa ako pupunta?" pabulong na sabi ni Xian. Nakaupo si Xian sa driver seat. Ginamit niya ang kanyang white toyota vios. Naka-formal na suot with black coat si Xian. Nakaparada ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan habang nag -iisip kung dadalo ba siya o hindi.

" Haist.."
Nag - aalala rin siya kay Yasmin na ang sabi ay masama ang pakiramdam.
Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan paalis sa lugar.

--------
Ding dong!
Napadilat ng mata si Yasmin. " Sino kaya 'yan?"
Bumangon si Yasmin at pumunta sa pinto para buksan ito.

Pagkabukas niya ay naroon si Harrold.
"Harrold?"

Nabigla si Harrold sa kanyang nakita.
" Gurl, bakit hindi ka pa nagbihis?" tanong ni Harrold na ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang cellphone na nasa kanyang tenga.
" Huh?"
Tiningnan niya si Yasmin from head to feet, feet to head. " Bakit naka-pambahay ka pa?"

" Hindi kasi ako pupunta," sagot ni Yasmin.
" Why?" nabigla si Harrold.
" Hindi sinasadyang nasunog ang damit ko. At ngayon wala akong susuotin," paliwanag nya.
" Eh iyan lang ba ang pinoproblema mo. Tinawagan mo sana ako agad. Ang rami kong bagong designs sa boutique ko," sabi ni Harrold.
Nabigla si Yasmin at di na nakapagsalita.
" Tara na! Pumunta tayo sa boutique ko!" nagmamadaling sabi ni Harrold na hinila ang kamay ni Yasmin.

Napilitan si Yasmin na sumama kay Harrold. Inilock niya ang bahay niya.

After 10 minutes, dumating si Xian sa unit ni Yasmin. Nag - door bell siya but walang nagbukas. He tried many times but then mukhang walang tao.
Xian tried to call Yasmin. Nagring ito but no one answered.
Nag riring ang cellphone ni Yasmin. Napakaingay nito sa kwarto. Naiwan ni Yasmin ang phone niya sa kama dahil sa pagmamadali nila.

" Please answer the call.. " pag - aalala ni Xian.
" Tulog na kaya siya?"
" o kaya nasa reunion? Pero impossible.. "

Naguguluhan at nag - aalala si Xian.
Hindi mapakali si Xian. Paikot - ikot siya sa harapan ng pinto habang tinatawagan si Yasmin.

" Baka pumunta siya sa reunion. Pumunta kaya siya?" napatanong siya sa kanyang sarili.
Kaya naisipang umalis na si Xian sa condo at pumunta na sa hotel kung saan ang reunion nila.

Hindi nagtagal, nakarating na si Xian. Hindi pa nagsisimula ang programme. Ito ang panahon para mangumustahan silang lahat o fellowship time.
Nagmamadaling pumasok sa loob ng function hall si Xian. Marami - rami rin pala ang dumalo. Nasa 100 lang naman ang ka batchmate nila sa elementary.
Makulay ang paligid with chandelier sa gitna. May mga pabilog na table na covered with white and red table cloth. Sa gitna ng mesa ay may flower at kaunting palamuti. May space sa may harapan at may projector screen. 
Kaaya - aya naman ang mga suot nila. Ang mga babae ay nakasuot ng long gown at ang mga lalaki ay naka formal, ang iba ay may coat pa.
Palingon - lingon si Xian na halatang may hinahanap.

"Narito kaya siya?"

Sinuyod niya ang lugar.

May mga kinilig na makita si Xian na mga babae.
" Di ba si Xian yan, ang varsity player!?" sabi ng isang babae na nakatingin sa kanya..
" oo, siya nga!"
Masaya ang mga babae na makita siya.
" Ang gwapo niya talaga hanggang ngayon!"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon