Chapter 7.4

1.2K 21 0
                                    



Isinara ni David ang pinto ng kwarto.

Napatingin si Yasmin kay David na nakaharap sa kanya. Kinakabahan siya na magkasama silang dalawa na sila lang sa kwarto.

" Huwag kang matakot, I will not do anything without your permission. As what I promise," seryosong pagsasalita ni David.

Nabigla si Yasmin sa pinakita ni David na pagiging gentleman. Teka, bakit niya siya dinala sa kwarto?hmmmm..

Lumapit kunti si David kay Yasmin," alam kong nasasaktan ka habang nakikita mo si Xian at Marga.." nakatitig si David sa mga mata niya.

Sa isip ni Yasmin," Bakit niya ito sinasabi sa akin?"

---------

Dahan dahang binitawan ni Xian ang pagkakahawak niya sa may leeg ni Marga. Tumigil na sila sa paghahalikan. Hindi man lang nagsalita si Xian pagkatapos ay tumingin na lang sa dagat.

Napatingin si Marga sa binata na napakaseryosong nakatanaw sa lawak ng dagat. They were standing next to each other. Hinawakan ni Marga ang braso ni Xian at sumandal ito sa kanya. Ngumingiti si Marga habang pumipikit ito at nilalasap ang sariwang hangin. Napakalalim ng iniisip ni Xian at halata ito sa katahimikan niya.

Samantala, sa kwarto kung saan naroon sina David at Yasmin.

Tinanong ni David si Yasmin, " Ano ba tayo?"

" huh?" napalunok nalamang siya.

Hinawakan ni David ang dalawang kamay ni Yasmin. Napatingin si Yasmin sa mukha ni David.

Yasmin's pov.

Ano ba kami? Magboyfriend? Girlfriend niya ako? Kung ito lang ang paraan para kalimutan ko si Xian, gagawin ko. Kung ito lang ang maaari kung gawin para hindi magulo at masira ang relasyon at kasal nila ni Marga, gagawin ko! Kung ang relasyon ko kay David ang makakatulong na mawala itong sakit, gagawin ko! I will sacrifice hangga't maaari. Magpaparaya ako sa aking nararamdaman para sa ikasasaya ng aking matalik na kaibigan. Dahil ako'y sumulpot lamang bigla sa kanilang pag - iibigan. Ang aking nararamdaman ay bunga lamang ng nakaraan.

Nagsalita si Yasmin, " I'm your girlfriend right?"

Nabigla si David sa kanyang narinig. " Tama ba ang narinig ko?"

She nodded.

" I'm your girlfriend!" sinabi ulit ni Yasmin.

David smiled. Masaya ito na narinig niya sa mga bibig ni Yasmin na sila'y mag nobyo na!

He asked, " With your permission, can I kiss you?"

Yasmin just closed her eyes.

David smiled.

Mas lumapit ito kay Yasmin para halikan... Hinawakan niya ang pisngi nito and he closed his eyes... ng..

biglang gumalaw ang yacht at na-out balance silang dalawa.

" Aahh" napasigaw si Yasmin.

Natumba silang dalawa at aksidenteng nauntog ni Yasmin ang kanang noo nito sa gilid ng mesa. Matindi ang pagkakauntog niya kaya nagkaroon ito ng sugat.

----------

Nakahawak naman si Xian sa grills habang yakap si Marga na katabi lang niya kanina kaya hindi sila nahulog. Muntikan na ito. Niyakap rin ni Marga si Xian ng mahigpit. Kinabahan ito.

"okay ka lang ba?" nag - aalalang tanong ni Xian.

" okay lang, salamat." sagot ni Marga. Masaya itong makitang niyayakap siya ni Xian.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon