Chapter 20.3

1K 18 0
                                    


" Let me go!" nagpupumiglas si Yasmin habang hinahawakan siya ng lalaki.

Hahalikan na sana siya ng biglang may sumuntok sa mukha ng lalaki na nagpatumba sa kanya. Nakawala si Yasmin sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Nagulat ang mga tao. Nagulat rin si Yasmin. Dalawang lalaki ang dumating na nakasuot ng black sunglasses at black suit. Men in black lang naman ang aura ng dalawa.
Sa pagkakasuntok sa lalaki na nang bastos kay Yasmin ay tumayo na ang dalawa pa nitong kasama at sinugod ang dalawang lalaking nakablack. Naghihiganti sila sa ginawa sa kanilang kasama.
Nagtakbuhan ang mga tao palabas ng bar ng nagsimula na ang kaguluhan. Lumayo rin ang dalawang entertainer na nasa table nila. Nagsuntukan silang lima at tuluyang nagkagulo.
Nabigla ang manager at walang magawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
" oh my gosh!" reaction ng manager. " Tumawag kayo ng pulis!!" "Guard!"

Napaupo nalang si Yasmin at tinakpan ang ulo ng kanyang braso. Napapikit ito dahil sa kaba.  Nagtakbuhan ang iba pero si Yasmin ay nanatili roon. Para bang nanigas ang kanyang mga paa at tangi lang niyang magagawa ay yumuko at magtago.
Dumating ang guard para awatin pero mas matindi pa ang nangyarinh kaguluhan. Hindi nagpaawat ang mga bastos na guest.

Habang nakapikit ang mga mata ni Yasmin ay naririnig niya ang ingay ng mga mesa at boteng nababasag.
Mas kinabahan siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung sino ang dalawang lalaking nakablack na dumating.

Biglang..
Biglang may humablot sa kamay nito at hinila siya na nagpatayo sa kanya.

" huh?"
Isang lalaking nakasuit nag humila sa kamay ni Yasmin para makaalis sa lugar na iyon.

" teka!" sabi ni Yasmin na nakatingin lamang sa likuran ng binata.
Lumingon siya sa nagsusuntukan at naroon  pa ang dalawang lalaking nakablack na mas naunang dumating.

Napadaan sila kay Leo, at sinabi ng binata, " Ikaw na bahala ryan!"
" Yes boss!" sagot ni Leo.

Napatingin si Yasmin kay Leo at napaisip, " teka, familiar ang lalaking iyon.."

Pinuntahan agad ni Leo ang manager at inabot ang malaking pera kabayaran sa lahat ng nadamage na mga kagamitan.

Yasmin's pov
" teka.. Huwag mong sabihin.." napatitig siya sa likuran ng lalaking may hawak sa kamay niya.

Nakalabas na sila ng bar at pumunta sa may parking lot.

" Ikaw?"
Nagkaharap na silang dalawa  na nakatayo sa may mga sasakyan.

" Ako nga! Nagulat ka ba?" wika ni Arthur.

" Kakilala mo ba iyong dalawang lalaking nakablack suit at black sunglasses?" tanong ng dalaga.

" Mga bodyguard ko sila!" sagot niya.

Medyo na amaze si Yasmin na sarcastic na reaction, " Wow, may pa-bodyguard ka pa!"
Hindi pa rin maayos ang pakikitungo ni Yasmin sa binata. Siguro dahil na rin sa mga naranasan niya noon especially sa binata.

" Teka, sinusundan mo ba ako?" mataray nitong pananalita.

Natawa si Arthur at sinabing, " Bakit naman kita susundan?"

Chin -up si Yasmin sa pagsagot, " okay, pero bakit ka sumusulpot kapag.."
Hindi natapos ang sasabihin ni Yasmin ng magsalita si Arthur agad, " Hindi ba pwedeng napadaan lang?"

" Really? Once? twice? Thrice?" hinahamong tanong ni Yasmin. Tinatarayan na niya ang binata na unti unting naiirita na siya habang nakikita si Arthur.

Yasmin's pov
Naiinis ako kapag nakikita siya. Naiinis ako kapag nariyan siya. Naaalala ko ang ginawa niya noon sa akin at pinagsamantala ang pagkakataon na painumin ako ng pampatulog. Alam kong sinadya niya na painumin ako dahil may binanalak siyang masama. Ngayon, sigurado akong may binabalak siya. Siya ay boss ni Marga, at maaaring magkakampi sila at may gawing hindi maganda. Ayoko ng may koneksyon sa babaeng iyon. Ayoko na!

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon