Nakatayo si Yasmin malapit sa mesang kinaroroonan ni Madam Grace. Naroon sa mesa ang mga papeles na naglalaman ng kasunduan tungkol sa yaman at kalayaan ni Arthur. Seryosong pinagmasdan ni Yasmin ang mga papel habang nanlalamig ang kanyang mga kamay. Hindi niya maiwasang hindi kabahan sa mga oras na iyon. Huminga siya ng malalim at inisip ng mabuti ang dapat na desisyon na gagawin.
"Ano na Yasmin, pirmahan mo na."
Inabot sa kanya ang fountain pen at tinanggap naman niya ito. Pinipigilan ni Yas ang na manginig ang kamay pero mukhang nahalata ito ni Grace.
Napataas ang kilay ni Grace at ngumiti. "Kinakabahan ka ba? Ano ka ba Yasmin, magdesisyon ka na bago pa mahuli ang lahat. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo, ang yaman o ang kalayaan ni Arthur."
Nang marinig ni Yasmin ang tanong at sinabi nito ay napasalubong ang kilay niya. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot sa kanya.
"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako niloloko?"
Nagulat si Grace sa tanong ni Yasmin. Natahimik ito saglit.
"Paano ako makakasiguro na tutupad ka sa pinagkasunduan?" Dagdag ni Yasmin.
Natawa si Grace at tumayo ito. Tinaasan pa niya ng kilay si Yasmin at direktang tumingin sa kanya.
"Akala mo ba na naglalaro lang tayo. Mamili ka sa dalawa o di kaya hayaan mo nalang ang asawa mong mabulok sa isang silid."Napataas noo si Yas at matapang na hinarap si Grace. "Hindi mahalaga sa akin ang yaman nila. Mas mahalaga ang pamilya ko.. si Arthur at ang anak ko.."
Hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Yas ay nagsalita na ulit si Tita Grace."Kaya naman pumayag kang ibigay sa akin ang lahat ng mana kapalit ang kapakanan ni Arthur.. ng pamilya mo!" Determinadong pagkukumbinse ni Grace kay Yasmin.
"Pero hindi rin ako papayag na mapasakamay mo ang lahat ng ari-arian nila Arthur. Alam kong gagamitin mo lang ito sa kasamaan at maraming mapapahamak sa iyong kasakiman!"
Uminit lalo ang dugo ni Grace. Naiinis ito sa narinig mula kay Yasmin. Agad inilapag ni Yas ang pen sa mesa at pagkatapos ay tumalikod na ito para umalis.
"Aba't.." galit na reaction ni Grace. Hinabol niya si Yasmin at pinigilang umalis. Hinawakan niya ang braso ni Yas kaya napatigil ito.
Pagkalingon ni Yasmin ay sinampal siya ni Grace sa pisngi. Nagulat si Yasmin sa di inaasahang pagdampi ng palad ni Grace sa mukha niya."Ang kapal ng mukha mo social climber!" Bintang ni Grace kay Yasmin. Hindi agad nakapagreact ni Yas bagkos ay nanlaki ang kanyang mga matang nakatingin kay Grace at napahawak ito sa nasampal na pisngi.
"Isa ka lang low class na babaeng nagpakasal sa pamangkin ko at ngayon makukuha mo lahat ng ari-arian! Napakayabang mo!"Hindi na nakatiis si Yas at sinampal din niya si Tita Grace sabay sabing, "Ang kapal din ninyo na tawagin akong social climber at low class!"
Hindi inaasahan ni Grace ang sampal ni Yasmin. Nanggigigil din sa inis at galit si Yasmin. Gusto niyang sumabog sa galit pero pinipigilan niya ang sarili. Kahit galit ay pakalma pa rin itong nagsalita."Kung sa tingin ninyo na low class ako, sige.. pero hindi ako social climber. Kung iniisip ninyo na ginusto ko ang yaman na ipapamana sa amin ng anak ko, nagkakamali kayo! Kung ang manang yan ang magpapahamak sa amin ng pamilya ko, thank you nalang. Nanaisin ko pang maghirap kami basta kasama lang namin ang isa't isa. Aanhin ko ang lahat ng kayamanan kung alam ko naman na hindi mapayapa ang buhay namin at puno ng panganib. Pinakasalan ko si Arthur dahil mahal ko siya at hindi dahil sa yaman at istado niya sa buhay. Alam kong napakalayo ng agwat namin sa isa't isa pero mahal ko siya kaya titiisin ko lahat para sa kanya..."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...