Chapter 19.2

1K 20 0
                                    

Pagkatapos inanyayahan si Marga sa presinto ay pinauwi na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos inanyayahan si Marga sa presinto ay pinauwi na ito. Dahil na rin sa statement ni Yasmin na si Anika ang nagbigay ng maiinom sa kanila, at may kahinahinalang kilos sa mga oras na iyon, si Anika ang natuturong salarin.

" Bakit pinalaya ninyo si Marga?" tanong ni Harrold sa mga pulis.
Nakaupo silang dalawa ni Yasmin at  Harrold sa harap ng pulis.

"Batay sa mga pangyayari at salaysay ni Ms. Yasmin, si Anika ang nagpumilit na uminom siya ng gatas na siya ang gumawa," sabi ng pulis.

" Di ba pwede naman siya ang gumawa ng gatas at may inihalo lang ang bruhang iyon na hindi namalayan.." insisted by Harrold.

" Wala tayong matibay na ebidensya na may kinalaman si Ms Marga sa pangyayari!"

" Pero.." reaction ni Harrold.

Tinanong ng pulis si Yasmin tungkol kay Anika, " Bago ba namatay si Ms. Anika ay may sinabi ba siya?"

Nakayukong nagsalita si Yasmin, " Nakapag - usap kami sa cellphone.."

" Anong pinag-usapan ninyo? May sinabi ba siya?"

" Panay humihingi siya ng tawad. Sorry ang kanyang sinasabi sa akin. Bukang -bibig niya ang salitang patawad.."

" Ibig bang sabihin na inaamin niya ang ginawa niya? Wala ba siyang nabanggit na ibang tao o may nag-utos sa kanya?"
" Wala!"

---------
Pagkatapos sa pulisya ay pumunta sa St. Peter chapel kung saan nakaburol si Anika.
Nilakasan ni Yasmin ang loob kahit masakit man ang ginawa ni Anika sa kaniya.

Sa oras na iyon ay medyo kaunti pa ang mga tao na pumunta.
Nakatayo sila Harrold at Yasmin sa may pinto. Sa harapan ay naroon ang kabaong nito at sa may gilid ang malaking picture ni Anika na nakangiti. Isang babae na nasa edad 50 ang nasa bench at umiiyak.

" Papasok pa ba tayo?" pabulong na tanong ni Harrold. Hinawakan niya ang kamay ni Yasmin para i-comfort.
" tara!" sagot ni Yasmin.

Pumasok silang dalawa at pumunta sa may harapan.
Nanginginig ang kamay ni Yasmin kaya mas hinigpitan ni Harrold ang pagkakahawak.

But bago pa sila makarating sa may harapan ay tumigil na si Yasmin sa kalagitnaan. Napatingin sa kanila ang babaeng umiiyak.

" Yasmin?"
Napalingon sina Yasmin at Harrold sa babae na nasa bench na malapit sa kanila.

"Ikaw nga!" naiiyak na sabi nito at lumapit ito sa kanya.
Hinawakan ng babae ang braso ni Yasmin kaya nabigla sila.

" Walang kasalanan ang anak ko! Biktima lamang siya! Hindi niya iyon magagawa sa iyo yun!!" she insisted. Mahigpit na hinahawakan niya ang mga braso ni Yasmin.
" tita.."

Siya ang ina ni Anika.

Harrold protected Yasmin. Nasasaktan tuloy si Yasmin sa pagkakahawak ng babae kaya pilit na inilalayo niya siya sa babae. Ang dalawang kasama ng ina ni Anika  ay pilit rin nila hinihila soya papalayo kay Yasmin.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon