"Naku naman.. nagtampo yata." Ani ni Arthur na umahon na rin sa tub.
Hinayaan nalang niya muna si Yasmin para magpalamig. Pupunta muna siya sa kompanya. Susuyuin nalang niya pag-uwi mamaya.--------
Nakaupo si Arthur sa kanyang upuan sa loob ng opisina niya. Pangiti ngiti itong tinitingnan ang mga larawan nila sa trip na nakasave sa phone niya. Ang isang kamay nito ay nasa may baba at ang isa ay nakahawak sa phone. May mga selfies si Yasmin sa gallery na di niya alam na ginamit pala ng asawa ang cellphone niya."Tingnan mo nga naman, ang dami niyang selfie sa phone ko. Di man lang siya nagpaalam." Kahit nagrereklamo ang tono ng boses ay masaya pa rin ito na pinagmamasdan ang larawan ng asawa.
"Ang ganda mo talaga asawa ko! Walang kupas! Love you!"
Naroon rin ang pictures nilang dalawa na masayang magkasama. May mga sceneries at landscapes na napakaganda na nakunan ni Arthur. Sa huli ay ang larawan ng ultrasound ni Yasmin na kinunan niya.
"Kumusta ka na baby? Kapit ka lang okay! Huwag mong papahirapan ang mommy mo. Alam kong magiging good.. uhm.. good.."
Hindi mapagpatuloy niya ang sinasabi dahil sa hindi pa niya alam ang kasarian nito.
"Boy ka ba o girl?"Bakas sa mukha nito ang excitement na makita at makarga ang baby nila.
"Basta, kahit lalaki ka man o babae.. mahal na mahal ka namin ng mommy mo!"
Biglang may kumatok."Pasok!" Sigaw ni Arthur na nakatitig pa rin sa mga larawan sa cellphone.
Pumasok si Leo sa loob ng opisina ni Arthur.
"Good morning sir!" Bati ng binata. Napakaseryoso nitong pumasok sa loob."Anong kailangan mo Leo?" Tanong ni Arthur na nakatingin pa rin sa cellphone.
Lumapit si Leo sa may mesa ni Arthur at inilagay ang isang sobre. Napaangat na ang mga mata ni Arthur at napatingin kay Leo. Napansin niyang may kakaiba sa binata. Tiningnan niya pagkatapos ang sobre na nasa mesa.
"Ano iyan?"
"Resignation letter po sir!" Diretsahang sagot ni Leo.
Nagulat si Arthur. Hindi niya inaasahan ito.Ibinaba niya ang kanyang cellphone dahil na rin sa gulat."Ano!? Magreresign ka? Bakit?"
Sinagot siya ni Leo, "Nakasulat po sa resignation letter ang dahilan sir."
"Eh kung di ko tanggapin ang resignation letter mo!"
"Sorry sir pero napagdesisyonan ko na po ito."
"Ano ba ang nakain mo Leo!? Bakit biglaan ito? Kakabalik ko lang tapos aalis ka!"
"Sorry po sir.." Napayuko si Leo pero seryoso ito.
Napakunot noo si Arthur at inusisa talaga kung ano ang malalim na dahilan ni Leo kung bakit siya magreresign. Binuksan niya ang sobre at inilabas ang sulat. Binasa niya ang laman ng sulat ng tahimik lamang."Professional growth? Opportunities? Iyan ba ang dahilan mo?"
"Yes sir!"
Humarap si Arthur sa binatang nakatayo. "Tatanungin kita, ayaw mo na ba ang iyong trabaho?ang posisyon mo? Pagod ka na ba? I can give you some leaves if you like. Vacation leave! Opportunities? Di ba opportunities na ito!"
"Hindi naman po sa ganoon sir..kasi.."
"Aminin mo na personal ang dahilan mo! Tama ba?"
Napatingin si Leo sa boss na napakaseryoso na ng mukha. Hindi gusto ni Leo na umalis pero may dapat siyang gawin kaya napilitan ito. Mahal niya ang trabaho niya at magkasundo sila ni Arthur kahit minsan bossy si Art. Kilalang kilala na rin ni Leo si Arthur sa mga bagay at tinuring siya na kapamilya ni Art. Matagal tagal na rin na naging sekretarya siya ni Arthur kaya alam na niya ang buhay, trabaho at kung ano pa tungkol kay Arthur.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...