Chapter 5.5

1.2K 18 0
                                    

" Inaantok ako," sabi ni Yasmin. Pilit niyang dinidilat ang kanyang mga mata.

Inaalalayan ni Arthur si Yasmin na maglakad. Dahan - dahang naglakad ang dalawa patungo sa isang kwarto. Hinahawakan at inalalayan ni Arthur ang mga balikat ni Yasmin habang nakasandal ito sa kanya. Wala sa sarili si Yasmin at sumunod lamang siya kay Arthur.

Sa wakas, nakarating na sila sa isang silid ng hotel. Umiikot ang paningin ni Yasmin. Bakas sa mukha niya ang panghihina.

Isinara ni Arthur ang pinto ng dahan dahan. Kahit nakapikit si Yasmin ay nakatayo pa rin ito at pilit na dinidilat ang mga mata.

" Bakit mo ako dinala rito?" mahinang tanong ni Yasmin. " Nasaan ako?"

Isinandal ni Arthur si Yasmin sa dingding malapit sa may pinto.

Medyo napadiin ni Arthur si Yasmin sa dingding habang hinahawakan ang mga balikat nito. Unti - unting dumilat ang mga mata niya.

Nasa harapan niya si Arthur at napakalapit ng mukha nito sa kanya.

Biglang hinalikan ni Arthur si Yasmin sa labi. Pinilit niya itong halikan. Ang isang kamay nito ay hinahawakan ang binti ni Yasmin. Mas nagulat si Yasmin sa ginawa nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at...

At sabay sinampal niya ng malakas ang mukha ni Arthur.

" BASTOS!!"

Nakakagulat si Yasmin. May lakas pa siya na sampalin si Arthur.

Pero pagkatapos nawalan na ng malay si Yasmin. Nasalo naman ni Arthur si Yasmin. Tuluyan ng nakatulog si Yasmin.

Habang yakap ni Arthur si Yasmin, hinahawakan naman ng isa niyang kamay ang sinampal na mukha. Namumula ito dahil sa tindi ng sampal ni Yasmin.

" Ang tindi noon!" bulong niya.

Kinarga niya si Yasmin patungo sa kama na walang kahirap - hiirap. Napakasexy ni Yasmin kaya napakagaan niya.

Tinititigan nito ang mukha at labi ni Yasmin habang karga niya ito. Naaamoy rin niya ang halimuyak ng perfume ni Yasmin. Napaka - sweet at nakakapang - akit.

Hiniga ng dahan dahan ni Arthur si Yasmin sa kama.

Napakaaliwalas ng mukha ni Yasmin habang natutulog.

Nakatayo si Arthur sa may gilid ng kama at pinagmamasdan si Yasmin na nakahiga. Tinititigan niya ang mukha nito, ang labi, pababa sa may dibdib patungong puson at sa kanyang binti na napakaputi. Gusto niyang sunggaban ng halik ang pulang labi ni Yasmin ngunit may pumipigil sa kanya.

Hindi maalis ng kamay nito sa sariling mukha dahil sa matinding sampal na inabot kay Yasmin kanina.

Tiktok tiktok.. Ang bilis ng oras..

Nakaupo si Arthur sa couch na nakaharap sa kama kung saan nakahiga si Yasmin. Hinahawakan niya ang mukha niya na namumula pa rin habang pinagmamasdan si Yasmin na natutulog. Umiinom rin siya ng red wine at halatang may malalim na iniisip. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur.

Sumikat na ang araw.

Dahan - dahang idinilat ni Yasmin ang mga mata nito.

" Nasaan ako?" tanong ni Yasmin sa sarili.

Bumangon siya sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid. Nasa isang napakagandang kwarto siya ng hotel.

" Paanong??" kinakabahang sabi niya sa sarili.

Mag - isa na lamang siya sa kwarto.

Napatingin siya sa kanyang sarili at napansin na nakakumot na ito. May kunti siyang naaalala na kasama niya si Sir Arthur. Agad niyang tiningnan ang sarili sa ilalim ng kumot.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon