Bumalik na sila Yasmin at Xian sa kani-kanilang upuan. Natapos na rin ang dalawang game habang wala sila sa hall. Nagkakatuwaan na ang lahat at nagmukhang bumata sila. They just enjoy the night.
Nagbreak muna at hinihintay nila ang next na game. Habang naghihintay ay nagkwekwentuhan muna sila.
Nacurious si Harrold kina Yasmin. Tinanong niya si Yasmin na katabi lang niya, " Magkasama kayo ni Xian ano? Aminin!" tinutukso niya ang dalaga.
" uhmm.." nahihiyang umamin si Yasmin.
Pabulong na nagsalita si Harrold kay Yasmin, " Ang tagal ninyong bumalok! Teka, anong ginawa ninyo?"
" huh? wala naman.. " iwas tingin si Yasmin at napainum siya ng tubig na nasa wine glass.
Natawa si Harrold ng mapansin na namumula ang kaibigan.Kinikiliti niya si Yasmin at tinutukso, " Ayiee.. Kinikilig siya.."
Napangiti na lamang si Yasmin.Meanwhile..
Si Xian naman ay nasa upuan rin niya. Katabi niya si Helen na pinagmamasdan ang ginagawang pag text ni Xian. Marga texted him. Nangungumusta tungkol sa reunion. But Marga didnt know na dumalo si Yasmin. Ang pagkakaalam niya ay wala siyang susuotin. Xian didn't tell her unless she will ask. Hindi rin naitanong ni Marga kung dumalo ba si Yasmin dahil baka mahalata siya na kagagawan niya ang lahat. Si Xian naman ay walang kaalam alam ang tungkol sa damit ni Yasmin.Napakabusy niya na nagrereply sa text niya. Si Helen naman ay hindi nagpapahalata na tinitingnan niya kung ano ang ginagawa niya at kung sino ang katext nito. She was curious.
Napatanong siya," Sinong katext mo? Fiancee mo?"
Medyo hindi inaasahan ni Xian na tatanungin siya ni Helen. " Huh?"
" Ilang years na kayo? Kailan kayo ikakasal?"
" huh? Uhm.. Matagal tagal na rin kami.. .." nabubulol si Xian sa pagsagot.
She was so curious na halatang talagang nakikinig siya at interesado tungkol sa kanya.
" Tuloy na ba ang kasal ninyo o may.. " hindi niya matuloy - tuloy ang sasabihin.
Nabigla si Xian sa tanong ni Helen. Ano ang ibig niyang sabihin at gustong ipahiwatig?
Mas lumapit si Helen ng kaunti kay Xian but umiiwas naman papalayo ang binata. Nakatitig si Helen sa kanya." May possibilidad kaya na hindi matuloy? Matutuwa ka ba o malulungkot?" kakaibang ngiti ang nasa mukha ni Helen habang nagsasalita.
Natahimik si Xian na nakatingin kay Helen. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat ireaction. But then, salamat at dumating si Franz at Joey na kadamahan niya basketball team
Tinapik ni Franz ang likuran ni Xian at bumati, " Xian, bro!" Nakatayo sila sa may likuran ni Xian.
Napalingon si Xian at tiningnan kung sino. Noong nalaman kung sino, napatayo siya at bumati rin sa kanila, " bro!!"
Nagkabatian silang tatlo." Kumusta?"
" okay lang naman..kayo, kumusta?"
" Heto, may dalawang anak na!"
" Ako naman nakapagpatayo na rin ng sariling negosyo.."
" Wow, ang galing naman!" reaction ni Xian." Teka bro, congratz nga pala at ikakasal ka na! Kailan ba? Imbitado ba kami?" tanong ni Franz.
Hindi makasagot si Xian at iniba ang topic nalamang.
" Ilang taon na ang mga anak mo?"Nakikinig si Helen sa kanila na nakaupo sa kanyang upuan. Halatang may nalalaman si Helen. Napapangiti siya.
Hanggang.. napansin ni Helen ang naiwang cellphone ni Xian sa mesa. Tiningnan niya ang tatlo.na nakatayo malapit sa kaniya. Napansin niya na napakabusy nilang nag-uusap at si Xian ay nakatalikod naman sa kanya. Ang iba na kasama niya sa mesa ay busy rin na nagkwekwentuhan.
Napangiwing ngiti si Helen at dahan dahan na kinuha nag cellphone ni Xian. Pagkatapos ay itinago niya sa loob ng maliit niyang pouch.
Napatingin ulit siya kay Xian pero mulhang walang balak na lumingon sa kanya kay tumayo siya at umalis sa may mesa. She went out from the hall.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...