Chapter 53.2
Nawawala si Aya kaya hinanap nila sa lugar kung saan tumakbo ito. Sinundan man ni Peter ang bata pero madali itong nakapagtago sa lugar kung saan maraming mga puno, mga bato at matataas na damo.Binalita ni Lenard ang pagkawala ni Aya kaya agad pinuntahan nila Yasmin at Lin ang mga bata. Bakas sa mukha ni Yas ang kaba at pag - aalala sa anak.
"Aya!" Tawag nila.
"Aya!"
Napapaluha na si Yasmin sa takot na baka may mangyari sa nag-iisa niyang anak. Ayaw niyang maulit na mawalan ng anak. Siya nalang ang nagbibigay dahilan kung bakit pa siya lumalaban sa buhay at nagpapalakas sa kanya.
"Oh my! Huwag naman.." naiiyak na sabi ni Yasmin habang hinahanap ang bata. "Aya! Nasaan ka na ba?"
Pinapalakas naman ni Lin ang loob ng kaibigan. "Huwag kang mag-alala, makikita natin si Aya."
Nakokonsensya si Peter sa mga sinabi kay Aya kaya ito tumakbo at nagtampo. "Kasalanan ko ito.."
Napatingin siya kay Yasmin na talagang nag -aalala sa anak. Naalala niya ang kwento ng tito Handsome sa kaniya noon.Flashback
"Utang natin ang lahat sa mag-asawang Arthur at Yasmin. Napakabuti nilang mag-asawa. Nabigyan ka ng pangalawang buhay dahil sa kanila kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na pagsisilbihan ko sila. Sana gayundin ang gagawin mo. Be grateful. Alam ko, hindi mo pa gaanong maintindihan pero balang araw, maiintindihan mo rin." Paliwanag ni Handsome kay Peter."Naiintindihan ko po tito."
Hindi rin makakalimutan ni Peter ang huling pakiusap ni Handsome sa kanya bago ito nawala.
"Kung isang araw na hindi mo na ako makikita. Wala ng magpapaalala sa iyo, tandaan mo, ang mga naitulong nila. Huwag mong kalimutan iyon.""Opo!"
End of flashback..
"Aya!" Tawag ulit ni Yasmin sa anak niya.
Hanggang nagpakita na ang bata."Mama.." Malungkot na sambit ni Aya habang dahan dahan humahakbang.
Pagkakita ni Yas sa anak ay napaiyak pa ito dahil na sa tuwa. Masaya siya at lumabas na ito at nagpakita. Nag-alala siya ng husto. Agad sinalubong ni Yas at nang makalapit na siya ay napaluhod siya at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Aya.."
Masaya rin si Lin pati sina Lenard at Peter na makita si Aya. Pero medyo nahihiya si Peter dahil siya ang dahilan kung bakit nagtampo ito.
Hinawakan ni Yas ang pisngi ni Aya at pinagmasdan ang mukha ng anak. Tinitigan niya ito habang dumadaloy ang mga luha sa pisngi. Nakapinta rin sa mga labi niya ang galak.
Nalungkot naman si Aya na makita ang mommy niya na lumuluha. Kaya pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ng kanyang ina gamit ang kanyang kamay.
"Huwag na po kayong umiiyak mommy. Ayoko po kayong nanakitang umiiyak.." mahinang sabi ni Aya na naluluha na rin.
Napangiti si Yas sa anak.
"Masaya lang ako dahil nakita na kita. Huwag mo ng uulitin ito okay? Pinag-aalala mo si mommy.""Opo mommy. Hindi ko na po kayo paiiyakin. Huwag na po kayong umiiyak, malulungkot si daddy.."
Mas tumulo ang mga luha ni Yas at na-touch siya sa sinasabi ng anak. Niyakap niya ulit si Aya.
"Mahal kita anak. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo."---------
Nakauwi na rin sila sa bahay.
Si Aya at si Lenard ay nasa kwarto at busy gumuguhit sa papel. Nawala na rin sa isip ni Aya ang tungkol sa saranggola pero hindi si Peter. Pinuntahan naman ni Peter si Yasmin na nasa kusina at humingi ito ng paumanhin sa nangyari.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...