Chapter 53.4

706 25 15
                                        

Napaka – busy ng lahat sa paghahanda sa pagdating ng bagong may – ari ng kompanya. Inayos nila ang mga nakakalat na mga papeles at nilinisan pa nila ito ng husto ang opisina. Pinaayos na rin ang magiging opisina ng bagong may –ari na siyang opisina ng dating may – ari na naging manager na. Mas pinaganda pa nila ang buong gusali.
Dumating na ang araw kung saan darating na ang bagong may – ari ng kompanya. Nagmamadali na si Yasmin sa pag – aayos ng gamit ni Aya at baon nito. Nasa hapag – kainan ang dalawang bata at kumakain na sila ng almusal.
“Kumain ka na Yasmin,” aya ni Lin na umupo na rin.
“Hindi na. Kailangan ko na talagang umalis. Darating kasi ngayon ang bagong may –ari ng kompanya at kailangan maaga kami roon,” tugon ni Yasmin.
“Ahh, ganoon ba.”
“Ikaw muna bahala kay Aya, Lin. Okay lang ba?”
“Syempre naman. Ako na ang bahala sa kaniya.”
“Salamat!”
Nilapitan ni Yasmin ang anak na medyo matamlay ang mukha. Dahan – dahan lang itong sumusubo ng pagkain.
“Anak, sasama ka muna kay Ninang Lin papuntang school okay?”paalam ni Yas sa anak.
“Hindi ba niyo ako ihahatid sa school?” mahinang tanong ni Aya.
Yas touched the face of Aya. Ngumiti siya para sa anak. “Anak, pupunta muna si mommy sa office. Pangako, next time ihahatid kita sa school. Be a good girl okay?”
Tumango lang si Aya.
“Love you baby!” ani ni Yas at hinalikan niya ang noo ng anak.
“Love you mommy!”
-----------
Nagmamadali na si Yas na pumunta sa opisina. Kahit na naka – heels ay binilisan na niya ang paglalakad na para bang lilipad na siya. Nag – abang din siya ng sasakyan katulad ng ibang pasahero at nagtitiis sa masikip na upuan. Panay sulyap si Yas sa kanyang orasan. May call time sila na dapat naroon na sa opisina. Kailangan lahat sila ay naroon bago dumating ang bagong may – ari.
Nang malapit na si Yas sa opisina ay tumingin ulit siya sa orasan niya. May sampung minuto pa bago ang call time. Nakahinga na siya ng malalim at medyo nawala ang kaba.
“Aabot ako sa call time!” bulong nito sa sarili.
Habang naglalakad ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa bag niya at tiningnan kung ano iyon. Isang mensahe ang kanyang natanggap.
“Nagtext si Lin? Bakit kaya?” pagtataka ni Yas. Agad niyang binasa ang mensahe ni Lin.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa niya ito.
Lin: Yas, sumakit ang tiyan ni Aya. Hindi pa kami nakaalis ng bahay ng biglang sumakit ang tiyan ng anak mo.”
“Oh my!” reaction ni Yas.
Napalingon si Yas at nakita ang gusali ng kanilang opisina. Malapit na siya pero hindi niya maiwasang mag-alala sa anak niya.
Hindi na nagdalawang isip si Yas at umatras na siya papunta ng opisina nila. Para sa kanya ay mas mahalaga ang anak niya kaysa sa trabaho nito. Alam niyang mas kailangan siya ni Aya. Nagmadaling bumalik si Yas sa bahay nila.
Habang naghihintay ng masasakyan papauwi ay marami na siyang natanggap na mga mensahe mula sa kasamahan niya.
“Nasaan ka na Ms. Yasmin?”
“Dalian mo na Ms. Yas, maya – maya ay darating na ang bagong may – ari?”
“Ms. Yasmin?”
“Ms Yas?”
Tinext na rin ni Yas ang kanilang manager na siyang may – ari ng kompanya noon.
“Sir, sorry sir. I can’t come to the office today. May sakit ang anak ko. Sorry sir.”
Hindi na nakapunta ng opisina si Yasmin dahil mas inuna niya ang kanyang anak. Sumama ang sikmura ng anak dahil sa mga nakain niya kagabi. Inalagaan ni Yas si Aya kaya mas madaling gumanda ang pakiramdam ng anak. Si Lin naman ay pumasok na sa trabaho at si Lenard naman ay pumasok rin sa paaralan.
“Okay na ba ang pakiramdam mo anak?” tanong ni Yas kay Aya.
Nakahiga si Aya sa kanyang kama at umupo si Yas sa gilid nito.
“Mama, sorry po.”
“Bakit ka nag –sosorry anak?”
“Hindi po kayo nakapunta sa office ninyo!” ani ni Aya.
“Okay lang iyon anak. Babawi nalang si mommy sa office kapag magaling ka na.”
Kinabahan talaga si Yas nang matanggap niya ang balita sa nangyari kay Aya. Ayaw niyang may mangyaring masama sa anak dahil siya nalang ang naiwan sa kanya.
“Magpahinga ka na..”
Nakatulog naman agad si Aya pero hindi umalis si Yas sa tabi nito.
Tumunog bigla ang kanyang cellphone na mukhang may bagong post sa kanyang social media. Tiningnan niya agad ito at binasa.
Post alert: We will have our reunion soon! Details will be posted soon!
“Magkakaroon pala kami ng reunion...” sambit ni Yas.
-------
Umalis muna si Sissy para mag grocery. Pupunta muna siya saglit sa isang supermarket. Ginamit niya ang kanyang bisekleta para mas mapadali ang kanyang lakad.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon