Sinugod sa hospital si Yasmin dahil sa nahimatay ito. Nasa isang private room siya at nakahiga sa isang kama.
"Kumusta po ang asawa ko?" tanong ni Arthur na bakas ang pag-aalala.Nakatayo sila pareho sa may pintuan ng kwarto. Naroon rin sa silid si Harrold na nakaupo sa upuan malapit sa kama ni Yas.
"Kailangan lang niyang magpahinga. Okay naman ang baby na dinadala niya," sagot ng doctor. "Maiwanko muna kayo."
"Salamat doc.."
Hindi maiwasang hindi mag-alala ni Arthur sa asawa dahil na rin nagdadalang tao ito at napakasensitive sa mga bagay-bagay.
Napaupo si Arthur sa isa pang upuan na malapit sa kama ni Yas na kaharap ni Harrold. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at tinitigan ang mukha nito.
Nagsalita si Harrold, "Sir Arthur.."
"Hmm?" Napatingin si Arthur kay Harrold.
Seryosong nakaharap si Harrold sa kanya."May ipapakiusap ako sa iyo.."
"Huh? Ano iyon?" tanong ni Arthur sa kaibigan ni Yas na si Harrold.
"Alagaan mo si Yasmin.."
Natawa si Arthur sa sinabi ni Harrold, "Hindi mo na kailangan sabihin iyan at ipaalala sa akin!"
"Mangako ka na hindi mo siya pababayaan at iiwan!" seryoso nitong dagdag.
Naging seryoso ang mukha ni Arthur ng makita ang expression ng mukha ni Harrold. Natahimik ito.
"Kahit anong mangyari sir, huwag niyo po siyang iiwan! Habaan niyo po ang inyong pasensya at di siya sasaktan. Marami na siyang napagdaanan at problemang hinarap noon at sana hindi na nya ito maranasan pa."
"I love her at gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.." sagot ni Arthur na napatingin kay Yas.
Napangiti si Harrold at gumaan ang loob. "Salamat sir."
Biglang may sinabi si Yas habang nakapikit ang mga mata, "Xian.."
Nabigla si Harrold at napatingin kay Arthur na napakaseryoso na ng mukha. Tahimik na si Arthur habang pinagmamasdan ang asawa.
----------
Nakauwi na sila Yasmin at Arthur sa kanilang bahay. Medyo nanghihina pa si Yas at inaalalayan ni Arthur sa paglalakad patungo sa kwarto nila. Matamlay at tahimik lamang si Yas."Dahan dahan.." wika ni Arthur na pinapaupo si Yas sa kama.
Umupo lamang si Yas at tahimik lamang ito."Anong gusto mo babe? Gusto mo ba ng makakain? Ginugutom ka ba?" tanong ni Arthur.
Nilingo lamang ni Yas ang ulo nito na nagsasabing hindi siya gutom.
"Ahh, ganoon ba.. baka gusto mo ng maiinom. Gusto mo ng gatas, kukuha ako.."
Agad lumabas si Arthur para kumuha ng maiinom.
Ilang minuto lang ay bumalik na ito sa kwarto. Nakahiga na si Yasmin sa kama na nakatagilid. Tahimik pa rin ito at di umiimik. Nakatulala lang si Yasmin na napakalayo ng tingin."Narito na ang gatas mo.. baka gusto mong umiinom bago matulog." wika ni Arthur na medyo mahina ang boses. Inilagay niya ang baso ng gatas sa ibabaw ng mesa. Pasulyap sulyap ito sa asawa na nakahiga at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napabuntong -hininga nalang si Arthur.
-----------
Nakaupo si Marga sa isang upuan at umiinom ng wine ng may biglang tumawag sa kanya."Hello?"
"Nabalitaan mo na ba?"
"Ano iyon?"
"Marga, patay ni Xian!!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...