Pumunta na si Yasmin sa address ng bahay ni Arthur. Nahirapan siya sa pagpunta dahil bihira lang ang public vehicles roon at nga taxi lang o kaya private cars ang pumapasok. Kaya gumastos pa siya ng pang taxi para lang makapunta." Haist, ano ba ito! Kung alam ko lang na ganito kalayo at kahirap magpunta, eh sana, sinabi ko na magpapasundo nalang ako... sigh!" buntong -hininga ni Yasmine na nasa loob ng taxi.
" We are here madam," wika ng taxi driver.
" Thank you sir!"
Bumaba na si Yasmine sa taxi at kinuha ang luggage nito. Napatingin siya agad sa bahay ni Arthur na mukhang mansion. She was amaze. Mukhang nasa pelikula lamang siya. It was her first time na makapasok na ganoong kalaking at kagandang bahay. May swimming pool rin at hardin. Kaakit akit! Mamamangha ka talaga.
" Dito ba talaga siya nakatira?" tanong sa sarili ni Yasmin.
Sinalubong siya ni Leo.
" Miss, narito na po pala kayo."
" Ikaw iyong.."
" By the way, ako si Leo, ang secretary ni Sir Arthur.. and you are Yasmine right?"
She nodded.
" Dito po tayo!"Sinamahan ni Leo si Yasmin sa loob ng bahay.
Pagpasok ni Yasmin ay talagang namangha siya.
" Wow! ang ganda!" kumikislap na mga mata ni Yasmin ang lumibot sa buong paligid ng bahay.
May napakagandang hagdan, chandelier, sofa, mahahabang curtains, elegant na mga vases at marami pang iba.Nasa sala sila ng pinatawag ni Leo ang dalawang katulong nila at pinakilala sila kay Yasmin.
Kaharap na ni Yasmin ang dalawang katulong nila na sina Fritz and Mrs. Chona.
" Dalawa lang sila rito?" napatanong si Yasmin.
" Bihira lang kasing manatili rito si Sir Arthur kaya dalawa lang silang nangangalaga rito. Naroon sa labas naman ang garderner na si Mang Oscar," sagot ni Leo.
" Sino ba siya Mr. Leo?" tanong ni Mrs. Chona.
" Bagong katulong?" tanong rin ni Fritz." Ganoon na nga. Siya ay katulong ni Sir Arthur ng isang linggo. Siya si Yasmin."
"Ahh i see!" reaction ni Fritz at tiningnan si Yasmin mula ulo hanggang paa.
Bumaba na si Arthur habang inaayos ang kwelyo nito. Nakita niya si Yasmin na kasama sila Leo at iba pa.
" Dumating ka na pala.. Medyo late ka.."
" huh?" reaction ni Yasmin. Gusto sanang mangatwiran si Yasmin na dahil sa napakalayo ng lugar nila kung bakit siya ngayon lang nakarating pero hindi niya ginawa." Sige, kayo na munang bahala sa kanya Mrs. Chona. Leo, tara na!" utos ni Arthur. Tumalikod agad si Arthur at sumunod si Leo sa kanya.
" yes boss!"
" yes sir!"
" Teka, saan siya pupunta?" napatingin na lamang si Yasmin sa dalawa na paalos sa lugar.
" Yasmin, tama ba?" wika ni Mrs. Chona.
Napalingon si Yasmin kay Mrs. Chona. " Po.. Opo!"
" Sumama ka sa akin!"Sumama si Yasmin at inihatid siya sa maliit niyang kwarto na kwarto sa mga katulong.
" Since mananatili ka ng isnag linggo rito, ito ang magiging kwarto mo."
" ahhh...."
May maliit na kama at mesa ang nasa loob ng kwarto. May upuan rin at kabinet para sa mga gamit.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Roman d'amourNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...