Kumatok sa pinto ng opisina ni Leam si Gray."Goodmorning sir Leam!" Bati ni Gray pagkabukas ng pinto.
"Goodmorning!" Sagot nito na busy sa kakatingin sa hawak na dslr camera.
Humakbang papasok si Gray patungo sa mesa ng boss niya para iabot ang iilang mga papeles. Napansin nito ang hawak na camera."Mahilig po kayo kumuha ng litrato sir?" Usisa ni Gray.
Napatango si Leam.
"Mukhang bago ang dslr ninyo sir..."
"Kakabili ko lang talaga nito!" Sagot ni Leam.
"Ahhh..."
Tumingin si Leam kay Gray at iniharap ang camera sa binata. "Humarap ka rito at ngumiti!"
"Po?" Gulat na reaction ni Gray na di alam anong gagawin.
"Say cheese!" Wika ni Leam sabay click ng camera.
"Naku sir! Di ako nakaready! Ulit sir.."
Natawa si Leam at pinagmasdan ang mukha ni Gray sa camera na gulat talaga.
"Sir, ulit sir!"
"Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo!"
"Opo.." naghihinayang na sabi ni Gray.
Lumipas ang mga oras. Dumidilim na ang paligid kahit na mag-aalas 4 pa ng hapon. Tila babagsak ang malakas na ulan. Maitim na ang kalangitan at unti unting lumalakas ang hangin sa labas.
Pinayagan sila ni Leam na umuwi ng maaga dahil sa masama ang panahon. Agad naman nag-ayos ang karamihan maliban kay Yasmin na natili sa kanyang mesa at kaharap ang computer."Yasmin, hindi ka ba uuwi? Hindi ka pa nag-aayos." ani ni Sandy na handa ng umalis at bitbit na ang bag nito.
"Tatapusin ko lang ito. Mauna na kayo!" Sabi ni Yas na di maalis ang tingin sa monitor.
"Sa bahay mo na iyan tapusin.." payo ni Sandy.
"Kunti nalang naman ito. Tapusin ko na para maibigay ko na kay boss!"
"Tara na!" Sigaw ni Trixie na nasa may pinto.
"Okay ka lang ba rito?" Nag-aalalang tanong ni Sandy.
"Syempre naman. Nandiyan naman si kuya guard." Sagot ni Yas.
"Okay. Sige ingat. Aalis na kami."
"Sige, ingat rin kayo."
Tuluyan ng umalis si Sandy at ang mga kasamahan. Tahimik na ang paligid at ang loob ng opisina. Nagsimula na rin pumatak ang ulan sa labas. Nanatili si Yas roon hanggang matapos niya ang kanyang ginagawa.
"Hayan tapos na!"
Napa-stretch ng kamay si Yas. Pagkatapos ay pinrint na ang mga ito para maibigay niya sa boss.
"4:30 na pala.."Nagmamadali na siya sa pagprint. Napatingin din siya sa labas na ang lakas na ng buhos ng ulan. Inayos na rin ni Yas ang kanyang gamit. Kahit ready na siya na umuwi ay ipapatila muna niya ang ulan bago uuwi.
"Ibibigay ko muna ito kay sir.." ani ni Yas na kinakausap ang sarili. Hawak na niya ang mga papeles na ibibigay niya sa boss.
Pumunta agad si Yas sa opisina ni Leam. Kumatok siya ng ilang beses bago binuksan ang pinto."Sir.."
Sinilip niya ang loob at tiningnan ang mesa. Nagtaka siya dahil walang tao roon na akala niya ay naroon pa ang boss nila.
"Umuwi na ba siya?"
Dahan dahang humakbang papasok si Yas sa silid patungo sa mesa. Inilapag niya ang folder na naroon ang mga papeles sa mesa ni Leam. Umagaw sa kanyang pansin ang dslr na nasa mesa nito. Napatigil si Yas habang nakatingin sa camera na nasa mesa.
Hanggang, may biglang humawak sa kanyang balikat mula sa likuran. Nanlaki ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay niyakap siya ng isang tao mula sa likod.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...