Chapter 18.3

941 17 1
                                    


Tumayo si Yasmin para tingnan kung sino ang bisita niya. Pagkabukas niya ng pinto ay naroon sa labas sina Anika at Marga.

" Goodmorning!" bati ni Anika na masayang makita ulit si Yasmin.
" Goodmorning!" bati rin ni Marga.

" Goodmorning rin!" bati rin ni Yasmin. " Napadaan kayo?"

" Ikaw talaga ang sadya namin!" sabi ni Anika.
" huh?" reaction ni Yasmin. Hindi niya inaasahan na pupunta sila. Tiningnan niya nag dalawa at nakita niyang may dalang mga paperbag ito.

" Ang aga naman ang pagbisita ninyo," napipilitang ngumiti ang dalaga.

" Mas maaga mas maganda para mas mahaba ang kwentuhan," sabi ni Anika.

"Ganoon ba. Pasok kayo!" yaya ni Yamsin sa loob ng bahay.

Pumasok ang dalawa. Si Anika ay manghangmangha sa condo unit ni Yasmin.

" Ang ganda naman ng unit mo. Nice!" wika ni Anika na nag mata ay nakatingin sa paligid.

" Salamat," sagot niya.

Dinala ni Yasmin ang dalawa sa living room. Umupo sina Marga at Anika sa malambot na couch.

" Ikaw lang ba ang narito?" tanong ni Anika.

She nodded.

Nagsalita si Marga at tinanong si Yasmin, " Kailan ka babalik abroad?"

" huh?"

Nagsalita rin si Anika, " tama, kailan ka ba aalis para naman mabigyan ka namin ng despedida party."

Sumagot si Yasmin, " Huwag na kayong mag-abala. Baka magiiextend ako rito. Pansamantala ay dito muna ako." Habang nagsasalit ay hinahaplos niya ang tiyan nito. Napansin naman ito nilang dalawa.

" Ahhh.. Tama pala. Buntis ka nga pala," sabi ni Anika.

Nabigla si Yasmin sa sinabi ni Anika. " Paaanong---"

Marga interrupted, " Halata na kasi ang tiyan mo kaya napansin nila ito."

"Oo, kaya may dinala kaming mga gamit pambata!" masayang sabi ni Anika at inilabas ang mga gamit mula sa paperbag.

" Ano iyan?"

" Mga gamit na pambata," sabi ni Marga.

" Bakit?"

Nagsalita si Anika, " Gusto lang namin. Since hindi namin alam kung babae ba o lalaki kaya unisex nalang ang binili namin. Ang iba ay mula rin sa iba nating kaklase."

" Alam rin nila? Paanong..." 

" Huwag mo ng isipin kung alam ba nila o hindi. Ang mahalaga may mga gamit na ang baby paglabas nito," sagot ni Marga.

" Excited na ako. Ninang ako okay!" masayang sabi ni Anika.

Flashback
Pagkaalis ni Yasmin kasama si Xian ay napansin nila ang kakaibang hubog ng katawan ni Yasmin.
" Is she pregnant?"

" Hindi ba si Xian iyon?"

" Baka buntis siya at ang ama ay si Xian!" at nakatingin sila kay Marga.

" True! She's pregnant!" sagot ni Marga na napakaseryoso ng mukha.

" Si Xian, iyong fiance mo di ba!?"

Hindi na nagsalita si Marga at nagpatuloy sa pag-inum ng alak.

But ang mga kaklase niya ay panay nagbubulungan.

--------- end of flashback

Tumayo si Marga at humingi ng pahintulot, " Maari bang makigamit ng banyo?"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon