Chapter 58.2

383 24 4
                                    


Hindi na nagdalawang isip si Yasmin na puntahan si Leam sa opisina kinabukasan. Nakasuot lang ito ng bistida na floral lagpas sa tuhod.  Ibang - iba sa sinusuot niya kapag pumapasok sa trabaho.
Pagpasok niya sa gusali ay napalingon na ang mga kasamahan niya. Nagtaka sila sa suot ni Yasmin.

"Leave ba siya?"

Sinundan siya ng mga tingin hanggang makaabot ito sa opisina ni Leam. Napahinto muna si Yasmin sa harap ng pinto at huminga ng malalim. Determinado na siya sa kanyang gagawin at desisyon.

"Anong ginagawa ni Miss Yasmin?"

Kumatok muna si Yas bago ito pumasok. Sa loob ay naroon si Leam at nakaupo sa kanyang office chair. Nang pumasok na si Yasmin ay napatingin na sa kanya si Leam na mukhang inaabangan ang pagdating niya. Hindi na ito nabigla pero hindi niya inaasahan ang suot nitong damit sa oras ng trabaho. Tiningnan ni Leam mula ulo hanggang paa si Yasmin at inangat ang tingin pagkatapos.

"Nagulat ka ba kung bakit ganito ang suot ko?" Mataray na wika ni Yasmin.

Seryosong tiningnan ni Leam sa mga mata si Yasmin. Lumapit si Yas sa may mesa at inilapag niya ang isang envelope kasama ang singsing sa mesa.

"Ibinabalik ko na!"

Napakunot noo si Leam nang makita ang singsing.

"Pasensya na pero hindi para sa akin ang singsing na iyan." Dagdag ni Yasmin.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Leam habang inaangat ang tingin kay Yasmin.

"Dahil tapos na tayo. Mas mabuting ibigay mo iyan sa taong magmamahal sa iyo."

Napatayo si Leam. "Pero ikaw ang mahal ko! Mahal kita Yasmin!"

"Xian tama na! Tigilan mo na ito!  Tigilan mo na ako! Nag-usap na tayo noon di ba!? Wala na tayo at ang nangyari sa atin ay nakaraan na. Kaya naman kalimutan mo na ako."

"Paano kung hindi kita makalimutan?" Tanong ni Leam.

"Kailangan mo akong kalimutan, Xian."

Hindi pa rin matanggap ni Xian ang mga sinasabi ni Yasmin. Sa pagkakataong ito ay hindi siya susuko hanggang hindi maibabalik si Yasmin sa kanya.

"Siya nga pala, magreresign na ako rito. Nariyan ang resignation letter ko!"

"Kung hindi ko ito tanggapin."

Matapang na sumagot si Yasmin. "Bahala ka! Basta aalis na ako rito!"
Tumalikod agad si Yasmin at humakbang paalis sa kinatatayuan.

Napahawak sa mesa si Leam sabay sabi na may malakas na boses para mapigilan si Yasmin sa pag-alis. "Kung aalis ka, wala ka ng trabaho. Paano na kayo?"

"Bahala na..." Tugon ni Yas na patuloy sa paglalakad hanggang makalabas sa pinto.

Galit si Leam kaya sa galit niya ay tinapon niya ang mga gamit na nasa mesa niya at isa na roon ang singsing. "Ahh!" Nanggigigil sa galit na sumigaw si Leam.

-----
Umuwi agad si Yas sa kanila. Gumaan ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Nakangiti ito at masiglang pumasok sa kwarto niya. Hindi na niya inalala kung wala na siyang trabaho, ang mas mahalaga sa kanya ay payapa silang namumuhay.
Naisipan ni Yasmin na maligo ulit. Gusto niyang magpalamig muna dahil na rin sa stress. Pumunta siya agad sa banyo. Pagpasok niya roon ay hinubad niya ang lahat na suot. Hubo't hubad siyang tumayo sa may shower. Binuksan niya agad ang shower at lumabas na ang tubig patungo sa kanya. Dumaloy ang tubig mula sa ulo niya patungo sa kanyang katawan. Napapikit itong nakatingala habang dahan dahan niyang hinahaplos ng kanyang kamay ang sariling braso at balikat. Ramdam niya ang lamig ng tubig na patuloy sa paglapat sa balat niya.
Ibinaba niya ang haplos patungo sa may dibdib patungo sa puson. Sa bawat haplos niya ay naiisip niya ang asawang yumakap sa kanya mula sa likod.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon